CWT 068

5.4K 260 43
                                    

Messenger
May 17

Juniper
CADY
WHAT THE HELL
NAKITA MO BA ANG LATEST POST NG EISNER FILES?
IKAW BA SI CC?
SINO SI BG?
CADYYYY
SUMAGOT KAAAA

Cadence
Juni 😭
Yes, that's me.
And BG is my ex-boyfriend.
His name is Blake Guevarra.
We met this morning.
But it's not what you think.
I swear.

Juniper
Cady naman!
Nakita na ni Ruel ang post.
Bakit ka ba nakipagkita sa ex mo, ha?

Cadence
I only talked to him.
Ipinagkakalat niya kasi sa Liberty na nagkabalikan kami. Which of course isn't true.

Juniper
What? May katok ba 'yang ex mo?
Bakit naman siya nagkakalat ng ganyang kalokohan?

Cadence
Kaya ko nga siya kinausap.
Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa. At para na rin sabihin sa kanya na tigilan na niya ang kahibangan niya.

Cadence is typing...

Blake and I, we broke up two years ago.
I caught him with another girl.
Pero simula nang mag-break kami, lagi na niya akong kinukulit. Sorry nang sorry, gustong makipagbalikan. Hindi ko na lang iniintindi.

Cadence is typing...

Hanggang sa mabalitaan ko na lately nga, nagkakalat siya ng kasinungalingan na kami na ulit. Turns out, he couldn't accept the fact that I'm already with someone else.

Juniper
MY GOD.
Ano ba 'yang ex mo?
Obsessed yata sa'yo!

Cadence
He promised he'd stop with the lies, though.
After naming mag-usap kanina.
Now, I see where I went wrong.
I should've told Ruel about my problem with Blake. Ni hindi ko binanggit sa kanya na kikitain ko ngayon ang ex ko.
I'm so stupid, Juni. 😭

Juniper
E bakit naman kasi hindi mo sinabi kay van Acker? Tuloy, sa iba niya pa nalaman.
He found out through a gossip FB page, Cady.
Imagine how Ruel must be feeling right now.

Cadence
Kung bakit ba naman kasi kailangan pang i-My Day ni Blake ang pagkikita namin? 😭

Juniper
Sinadya niya 'yon, Cady. Tino-talkshit ka lang ng Blake na 'yan. Hindi ka pa rin niyan titigilan. Alam niyang may boyfriend ka, so bakit niya ibo-broadcast na magkasama kayo?

Cadence
Hindi kaya siya rin ang nag-send sa Eisner Files? 😭

Juniper
Pwede. O baka may iba pang may galit sa'yo.
Baka fan girl ni Ruel na gustong mag-break kayo. 🤷🏻‍♀️
Pero 'wag na muna nating intindihin 'yon.
Importante, makapagpaliwanag ka kay Ruel.

Cadence
I hate that a malicious post about me is circulating online. 😭 Kapag kaya nag-message ako sa Eisner Files, buburahin nila?

Juniper
Don't worry about that, Cady.
Ako na ang bahala sa hype na page na 'yan.
Pero tatanungin muna kita nang diretsahan.
Talaga bang wala kang ginagawa na makakasakit kay Ruel?
Kasi Cady, kung meron, sasama talaga ang loob ko sa'yo. Hindi deserve ng best friend ko 'yon. Alam mo kung gaano ka niya kamahal.

Cadence
Juni naman. Kilala mo ako.
Tingin mo ba, magagawa ko 'yon kay Ruel?

Juniper
Okay. Naniniwala ako sa'yo.
Sige na, kausapin mo na si Ruel.
Hindi na dapat magtagal ang misunderstanding niyo na 'to.

Cadence
Thank you, Juni.

Seen 01:16 PM

Can We Talk?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon