CWT 080

5.8K 265 91
                                    

Messenger
May 22

CRuel VaPer

Juni
Pinatawad mo agad ang 🐍 mong friend, Cady? Jusko naman. Sana pinatikim mo man lang ng kahit isang sabunot!

Cady
Wala namang maa-achieve 'yon, Juni.
Tsaka wala e, ganito talaga ako.
Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kahit na sino.

Juni
Vance, dala ka ng puting panyo.
May pupunasan tayo.
St. Cadence, pray for us. 🙏🏻

Vance
🤣🤣🤣
Hayaan mo na si Cady, babe.
'Wag mo siyang itulad sa'yo na palaaway.

Juni
Baliw. Nilulugar ko rin naman ang pagiging palaaway ko. Pero ibang klase 'tong si Cady. Bakit ka ba ganyan, ha? Kaya ka inaapi, e. Masyado kang mabait.

Cady
Hindi naman por que pinatawad ko na agad si Lili, ibig sabihin ay kakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. If anything, she taught me not to be too trusting. But I understand where she was coming from. Apparently, Blake left her for me. Kahit unintentional, nasaktan siya nang dahil sa akin.

Juni
Wala kang kasalanan do'n!

Cady
It doesn't matter. Someone still got hurt because of me.
It still doesn't justify what she did, but at least, I see now what made her do it.
Hurt people lash out to get rid of the pain, Juni. And I know it's hard, but we should try not to lash out back at them. Because if we do, we'll only create a vicious cycle of pain.

Juni
Paki-Tagalog, besh. 'Di ko masyadong gets. 🤣

Ruel
Ang ibig sabihin ng mabait kong girlfriend, kapag nasaktan ang isang tao, gagawa siya ng paraan para mailabas ang sakit na nararamdaman niya. At kahit mahirap, kailangan mong subukan na 'wag gumanti. Dahil kung hindi, paulit-ulit lang kayong magkakasakitan.

Juni
Thank you, Google Translate. 😛
Bakit nga pala MIA ka kanina, van Acker?

Ruel
May pinuntahan lang. I just got home, actually.

Vance
May sinapak ka ulit, bro? 🤪

Ruel
Gago. Wala.
May binili lang ako, para sa isang espesyal na tao. 😉

Juni
Ooooh. Belated peace offering ba 'yan? 👀

Ruel
Sort of... 😎

Cady
🤭🤭🤭

Seen 05:28 PM

Can We Talk?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon