Chapter 1

77 0 0
                                    

---Chapter 1---

 

Han KangWoo’s POV

Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako ng library, dun ko ipagpapatuloy yung pagsusulat ko ng nobela.

Breaktime.

Tuwing gantong oras di ako kumakain,

Dun nalang ako sa library sayang oras.

“Han KangWoo!”

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, marinig ko lang na tinawag nya ang pangalan ko!!

Hinarap ko sya.

“Ah.. B-Bakit… HyunJoo?”

ay! Taena! Ba’t ba nauutal ako kapag kaharap ko na sya? Kainis!

Kinakabahan ako!

As usual, hindi sya nakangiti, pero bakit ang ganda nya?

Tangina kinikilig ako!!

“Sumunod ka sa’kin.”

 

Ano daw? Bakit kaya?:)

Ngayon ko lang sya nakausap, sa classroom kasi palagi syang nasa friends nya.

Sinundan ko naman sya.

Tumigil ako nung huminto sya.

“Han KangWoo, ikaw yung bumato ng bintana namin kagabi, hindi ba?”

Shit! Nakilala nya nga ako! Si Kuya JaeYul kasi!!

“Ah.. HyunJoo.. k-kasi..”

Hindi ako nakatapos sa pagsasalita

“Matagal ko ng napapansing sinusundan mo ako, inii-stalk mo ba ako? Alam mo bang naiirita ako sa ginagawa mo?”

“HyunJoo pasensya na, ano kasi…”

Gusto kita.

 

“May gusto ka sa’kin hindi ba?”

Derecho nyang tanong sa’kin! Nabigla ako at sinabi nya yun, ganun na ba kahalata? Napatango nalang ako sa kanya at napayuko. Napaamin ako ng di oras!

Ano naman kaya ang susunod?

“O-Oo gusto kita HyunJoo, pasensya na kung nairita ka sa’kin, hindi ko naman--”

“Tignan mo sya.”

May itinuro sa akin si HyunJoo.

Grupo ng mga lalaki yung tinuturo nya, mga kaklase ko.

“Sino sa kanila HyunJoo?”

It's [NOT] okay, That's Love [Han Kang Woo's (EXO-D.O) side story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon