Chapter 2

37 0 0
                                    

---Chapter 2---

Nang maabutan nya ako, hinatak nya ko sa braso.

“Tara bilis, ang daming chismosa dito!”

Nakasara yung pinto ng room kaya kinatok pa ni Hae.

Pinagbuksan kami ni HyunJoo! Napatigil ako, nakita kong tinignan ni HyunJoo yung braso ko kung san nakahawak si Hae.

Tuluyan naman akong hinila ni Hae papunta sa loob at nilagpasan si HyunJoo.

Ano kayang iniisip ni HyunJoo? Aish!

Baka iniisip nyang ang dali ko syang ipagpalit, na hindi ako seryoso na gusto ko sya!

Kung ganun nga, di kaya mapansin ako ni HyunJoo dahil kay Hae? Hindi ba pwede yun, diba kapag nilayuan ka ng may gusto sa’yo, hahanap-hanapin mo din sya? Hahaha! Ang saya naman nito!

Magsisimula na yung klase ng huling pumasok yung grupo nila V sa classroom.

“Hae, sa’n ka ba nagpunta nung nasa library ako? Bigla ka nalang kasi nawala eh…”

“Hmm? Malalaman mo rin, nga pala. Sabay tayo palagi kumain, wag ka mag-alala hindi naman ako lagging didikit sayo, haha! Pag tapos kumain hihiwalay muna ko.”

“Oo, sige sige.” Oo na lang, baka mabugbog ako nito kapag tumanggi pa ako! >_<

Nagpaparecitation si Ma’am, isa-isa kaming tinatawag, magsasabi si Ma’am ng word tapos ita-translate namin sa English!

“Han Kang Woo,” tinawag na ako ni Ma’am!

Tumayo naman ako, patay! Medyo mahina ako dito.

“Anong English ng ‘nagugulumihanan’?”

SHIT. Alam ko yun pero hindi ko matandaaan!

Lahat sila nakatingin na sa akin dahil ang tagal kong sumagot, nararamdaman kong kinakalabit ako ni Haewon.

 

“Ma’am pasensya na po, hindi ko po matandaaan..”

Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko.

“Ano ba yan KangWoo, diba nangangarap kang maging singgaling ni Jang JaeYul? Haha!” Si Baek. -_-

Umupo na ako. Kainis!          

 

“Tae to, binubulong ko sa’yo kanina yung sagot! Confused! Yun yung English nun!” Si HaeWon.

 

“Ha HyunJoo, same question. Tinawag na ni Ma’am si HyunJoo ko!

“HyunJoo, confused ang sagot…” bulong ko sa sarili ko.

“HyunJoo? Aaah.. Oh I see. Sya pala yun. Haha!” Sabi ni HaeWon!

Narinig nya yung ibinulong ko!

“Ano HaeWon-” Magpapaliwanag pa sana ako kaya lang..

It's [NOT] okay, That's Love [Han Kang Woo's (EXO-D.O) side story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon