---Chapter 4---
Hae Won’s POV
Ewan, di ko trip sumabay kay KangWoo ngayon,
Hindi ko alam kung bakit.
Mamamasyal ako sa school haha.
Joke.
Hinahanap ko si V.
Nandito ako napadpad sa gate, nakatayo lang ako at nakasandal sa pader.
Anu ba, lalabas ba yung mga yun?
“Oy V! Ilibre mo naman kami sa napanalunan mo!”
“Asa ka.” Si V yun ah?
Speaking of the devil, narinig ko na sila. Pito silang lahat.
Nakalabas na sila ng gate at tinitignan ko lang na naglalakad nang may isang nakapansin sa akin.
Si J-Hope yun.
“Uy V, andito pala yung ‘love-of-your-life’ !” sabi nung nakakita sa akin.
Napa-crossed arms naman ako. Easy.
Napalingon si V sa kinatatayuan ko. Nagkangitian kami.
Don’t think of anything, alam kong nag-aasaran lang kami pareho.
Lakas ring mang-asar pa’no anjan yung mga kabarkada nya.
Lumapit na sa akin si V.
“HaeWon, anong ginagawa mo jan? Inaantay mo ba ako?”
Nagpalakpakan at nagkantyawan pa yung mga barkada nya at nakigaya naman ako ng palakpak.
“Congrats, matalino ka pa rin pala V? Tama ka ikaw nga ang sadya ko dito.”
Nag-ingay na naman yung mga bwisit nyang kabarkada. Sya naman ngiting-ngiti.
Ngiting-aso.
Itinago ko yung kamay ko sa likod, bawal akong manuntok sabi ko sa sarili ko, pipigilan ko na muna.
“Bakit naman HaeWon, nagbago na ba ang isip mo dahil sa sinabi ko kanina?”
Asa Dude.
“Paalisin mo nga yang mga kaibigan mo, ang ingay!”
Natawa naman sya sa sinabi ko pero nilingon nya yung mga kaibigan nya.
“Umalis na kayo. Gusto kasi akong ma-solo ng HaeWon ko.”
BINABASA MO ANG
It's [NOT] okay, That's Love [Han Kang Woo's (EXO-D.O) side story]
FanfictionIt's NOT Okay, That's Love ------------------------------------ "...Hahaha!Mismong LOVE na yang sinasabi mo hindi ko rin alam! Kinakain ba yun?? Ha?.." Sabi ko sa kausap ko. Sa isip-isip ko, ano ba'ng masaya kapag na-inlove ka? Pagkaka-alam ko maram...