Prologue

74 23 18
                                        

MYSTERY


Umaapaw ang sakit na nararamdaman namin ngayon. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinitingnan ang kabaong ng pinakamamahal kong kapatid na inilalagak na sa huli niyang hantungan.

Tila yata nakikiramay din ang kalangitan dahil nagpakawala ito ng malakas na ulan. Rinig ko ang malakas na iyak nina mom and dad na ngayon ay nakaluhod na sa harap ng paglalagakan kay ate.

Hindi ko napigilang maikuyom ang dalawang kamay. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nahahanap ang suspect sa pagpatay kay ate Morisson. Anong klaseng pag-iimbistiga ba ang ginagawa nila't hindi pa rin nila mahuli ang kriminal na 'yon?

"I hope that you'll take care of your parents, hija." anang lalaki na nasa gilid ko.

He's ninong Vad, matalik na kaibigan ng mga magulang ko. May-ari siya ng paaralang pinapasukan ni ate, ang Scriven Academy. Nakikipagtulungan naman siya sa mga pulis kaya wala kaming problema sa kaniya.

"I will, ninong. Ako na lang ang inaasahan nila ngayon." sagot ko.

Inayos ko ang salamin ko sa mata at inilibot ko ang paningin. Kakaunti lang ang nakipaglibing dahil pribadong tao ang mga magulang ko. Mga kapamilya at malalapit lang sa'min ang nakakaalam na ngayong araw gaganapin ang libing. Kahit ang mga matalik na kaibigan, guro, at kaeskwela ni ate ay walang alam.

Ibinalik ko kina mom at dad ang paningin. Ayon sila, patuloy na ngumangawa kahit na tatambakan na ng lupa 'yong hukay. Hindi ko sila masisisi, mawala ba naman sayo ang paborito mong anak?

Gustuhin ko mang gumaya sa kanila ay hindi ko magagawa. They don't want me to cry in front of other people. They don't want me to express my grief. They just want me to bring justice for my beloved sister.

I will.

Ilang minuto lang ang nakalipas, tuluyan nang natambakan ng lupa ang malalim na hukay. Tumila na ang ulan at isa-isa na ring nagsialisan ang mga nakiramay.

At ito ako ngayon, patuloy na tinititigan ang tumpok ng lupang kinaroroonan ni Morisson.

"I will let that person pay, Mori. Asahan mong bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo. Isinusumpa ko sa harap ng libingan mo, dadanasin niya ang mga dinanas mo. Ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano kasakit ang mamatay ng walang kalaban-laban."

Akala ko ay tuluyan nang tumila ang ulan, ngunit hindi. Biglang kumulog ng malakas at muling bumuhos ang napakalakas na ulan.

"What are you still doing there, Myst? Come on baby, magkakasakit ka!"

Nang marinig ko si dad ay agad na akong tumakbo papunta sa kaniya. Agad niya naman akong sinalubong ng payong at isinakay sa kotse.

Nilisan ko ang lugar na 'yon dala ang sumpang isinambit ko sa harap ng puntod ni Mori.

Your killer will pay, Mori.


Who Killed MorissonWhere stories live. Discover now