Chapter 2: Her Plans

54 17 11
                                    

Her curly hair and rounded eyeglasses
Her style and everything
For the sake of her sister's justice
She'll change it all and leave nothing

-friadame

MYSTERY


July 10, 2019

Pareng Diary,

Foundation Day kanina ng Scriven Academy, pare. Ang saya-saya! May mga palaro tapos may contest! Sumali ako sa writing contest kanina, nanalo ako! Champion lang naman ah. Dahil do'n, napansin na'ko ni Harries.

Crush ko siya, pareng diary. Kaklase ko rin pala siya kaso hindi niya ako pinapansin. Kaya nagulat talaga ako nang i-congratulate niya ako kanina.

Iyong puso ko, pareng diary! Ang lakas ng tibok hanggang ngayon! Parang naririnig ko tuloy iyong malalim na boses ni Harries!

Sige na. Matutulog na'ko. Isinulat ko lang 'to para may remembrance ako. Good night!

Kinikilig,
Mori

July 11, 2019

Pareng Diary,

Nagulat ako kanina kasi pinansin ulit ako ni Harries! Binati ba naman niya ako ng 'good morning' sabay ngiti. Nakita ko tuloy iyong puting ngipin niya tapos lumitaw iyong dimple niya. Parang ang harot ko na yata? Sige, move on na.

Ang daming nangyari ngayon. Napakaraming quiz tapos sumayaw kami para sa PE namin. Sus! Sayaw-sayaw pa. Akala naman talaga nila eh magiging dancer kami soon.

Pero ito na nga, naalala mo 'yong mean girls? Ang bait na nila sa'kin ngayon, pareng diary! Palagi na nila akong binabati tsaka binigyan nila akong bottled water kanina. Hindi pa naman ako naniniwala sa kabaitang ipinapakita nila. Oobserbahan ko pa sila 'no!

Hanggang dito na lang, pare. Inaantok na'ko. Byeeeee!

DanceRiSt,
Mori

Natawa ako matapos basahin ang pahinang 'yon. Kahit talaga sa pagsusulat ay dala niya pa rin 'yong makulit na ugali niya. Hindi naman siya gano'n kakulit, medyo lang. Babasahin ko pa sana ang susunod na pahina nang tawagin na'ko ng driver namin.

"Miss Ruetell, nandito na po tayo." magalang na sabi niya.

"Hintayin mo ako rito, kuya. Sandali lang naman ako ro'n sa loob." sagot ko. Iyon ang unang beses na kinausap ko ang driver namin. Siguro ay nagulat siya pero hindi ko na 'yon pinansin.

Agad akong lumabas ng kotse at agad na nag doorbell. Hindi nagtagal ay pinagbuksan na ako ng gate ng katulong nila ninong. Pinangunahan niya ang paglalakad papunta sa opisina ni ninong habang ako ay tahimik lang siyang sinusundan.

Tahimik ang buong mansyon, siguro ay wala rito ang mga anak niya at si ninang Alice. Kasalukuyan na kami ngayong umaakyat sa mataas na hagdan para marating ang ikalawang palapag ng mansyon. Lumiko sa kaliwa ang katulong kaya lumiko rin ako hanggang sa kumatokin na niya ang isa sa mga pinto ro'n.

"Sir Vad, nandito na po ang panauhin ninyo." magalang niyang sabi.

"Papasukin mo." mula rito ay rinig ko ang malalim na boses ni ninong Vad.

"Pasok na raw po, miss." tumango lang ako sa kaniya at agad na pinasok ang opisina ni ninong.

Pagkapasok ko pa lang ay tumambad kaagad ang seryoso niyang muka at ang kamay niyang magkahawak habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nakakatakot naman yata ang aura niya?

Who Killed MorissonWhere stories live. Discover now