MYSTERY
It's been two days since I witnessed the amazing ability of that man, Jiro. Yes, nakilala ko na siya dahil 'yon ang tawag sa kaniya ng mga pulis na rumisponde noong nakaraang araw. Nakakapagtaka lang dahil hindi manlang siya pinagbawalan o pinagalitan ng mga pulis dahil nakialam ito sa nangyari sa biktima.He even deduced and proved who the culprit is, ang mas nakakagulat pa ay mismong bestfriend pa ng biktima ang salarin. Noong una, itinatanggi pa niya ito ngunit hindi siya nakalusot sa mga tanong ni Jiro at kalaunan at napaamin na rin.
Sino nga bang magaakala na ang taong malapit pa pala sayo ang tatapos sa buhay mo? Envy can indeed kill a person.
Sa loob ng dalawang araw na pagmamatyag ko kina Harries at sa iba pa, wala akong nakitang kahit na ano. I even tried to read Mori's diary again pero wala akong nabasang makapagdidiin sa mga pinaghihinalaan ko. I've only read some random and strange things that Mori wrote.
At ngayon, sunod-sunod ang buntong hininga ko habang hawak ang diary ni Mori. Siguro nga'y nababaliw na ako o sabihin na nga nating desperada dahil dinala ko ang mismong diary ni Mori dito sa Scriven. Hindi ko manlang naisip na baka makita ito nina Harries at ni Kofi.
Napakamot naman ako sa noo habang binabaybay ang daan papunta sa playground na nakita ko kahapon. Nagulat pa ako nang madiskubre ito dahil walang elementary o pre-school student ang Scriven. Why the hell did ninong Vad made this? Sino naman ang maglalaro sa playground na 'to? College students?
Napailing na lang sa naisip ko. Nang narating ko na ang playground ay agad kong tinungo ang kinaroroonan ng swing at doon naupo.
I remember how happy Morisson is kapag naglalaro siya sa swing. Halos paliparin niya ang sarili dahil sa taas ng inaabot niya.
Nang makaupo ako ay binuklat ko na 'yong diary niya at nagsimula nang magbasa. I hope I could find something today.
August 04, 2019
Pareng diary,
It was a gloomy day. Harries asked me if pwede niya akong ligawan. Guess what? I said yes! Hello? Crush ko kaya 'yon.August 11, 2019
Pareng diary,
Akala natin, alam na natin ang lahat. She's my friend and I thought she's fine 'cause she looks really fine! But wth? Bakit gano'n?!
August 15, 2019
Pareng diary,
Kilala mo naman si Roshaun diba? Alam mo ba.. may inamin siya sa'kin. Gusto niya 'ko...
I'm speechless, of course! I walked out earlier, hindi ko kayang sabihin na hindi ko siya gusto. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.Roshaun?
Sa pagbabasa ko simula sa unang pahina ay wala akong nabasang Roshaun sa mga 'yon. Sino siya? Isa pa, nagtaka ako nang makitang masyadong maikli ang mga isinulat ni Mori. Weird.
Bigla akong napatayo sa swing na inuupuan dahil umabot na sa bandang 'yon ang masakit na sikat ng araw. Dumiretso ako sa mini house na naroon dahil alam kong mas maayos doon at wala talagang makakakita sa'kin.
Hindi pa man ako nakakarating ay napaatras na'ko nang makita ang isang pamilyar na muka.
Jiro...
His both arms are folded together across his chest. He look at me with his straight face and with his dark cold eyes. Ngayon ko lang natitigan nang ganito kalapit ang mga matang 'yon. Nakasalpak sa pareho niyang tenga ang earphones nito habang ang parehong paa naman ay nakapatong sa lamesang nasa harapan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/233626857-288-k791266.jpg)
YOU ARE READING
Who Killed Morisson
Mystery / ThrillerMystery seeks justice for the death of her sister, Morisson. Morisson is a senior high school student. Everyone likes her because she's a total package. A beautiful, kind, caring and a jolly person. During the Farewell Party for their seniors, Moris...