—
The red moon is shinning brightly. The darkness is here already. Kay malas naman ng pag dating ng munting prinssesa sa mundo. Isang digmaan agad ang bumungad sa kaniya.
“Malapit na po lumabas ang munting prinssesa, mahal na reyna.” saad ng dama.
Maka-lipas ang ilang minuto ay nakarinig sila ng munting iyak. Ang iyak ng prinssesang hindi na nila muling maririnig pa. Dahil nakatakda na ang nararapat na mangyari. Ang digmaan ay magsisimula.
“Sa mga oras na ito ay nasisiguro kong narinig na ng mga kalaban ang tangis ng munting prinssesa.” saad ni Prinsipe Alactus, ang kapatid ni Haring Perduah.
Isa sa mga kakayahan ng mga kallikantzaros ang marinig ang iyak ng isang sanggol kahit gaano pa ito kalayo sa kanila sa pamamagitan ng mga tubig. Ang enerhiya ng iyak ng bata ay nararamdaman nila sa katubigan kaya naririnig nila ito kahit gaano pa kalayo.
“N-nasaan ang m-mahal na h-hari?” tanong ng reyna habang yakap ang bagong silang na anak.
“Sa mga oras na ito ay paparoon na sila sa kapatagan ng Artemis kung saan magaganap ang labanan.” sagot ni Faragus, ang ikalawang heneral na syang inatasan ng hari na mag bantay sa palasyo.
Habang ang mga dama, kawal at ang prinsipe ay nasa loob ng silid ng reyna, biglang dumating si Veronica. Ang isinumpang artemisian na siya ring kambal ng reyna.
“Veronica...”
“Venus, ah! Kay gandang sanggol.” akmang hahawakan nya ang sanggol ng harangan sya ng mga kawal.
“Veronica, alam mong mababawasan ang iyong buhay kapag muli kang pumasok rito sa palasyo ng Artemis.”
“Hindi ko man lang pwede makita ang aking pamangkin?” ngumisi ito at tumawa ng malakas kasabay ang kidlat ang kulog, “hayaan mong bigyan ko sya ng munting regalo.” biglang nag labas ito ng itim na mahika na ikinagulat ng kapatid nyang reyna.
“V-veronica...”
“Tama ka, Venus. Isa na akong Hecate. Inalay ko ang aking sarili sa diablo upang ako'y gawing makapangyarihan.” anito at muling tumawa ng malakas, “ngayon ay hayaan mong bigyan ko ng munting regalo ang aking napakagandang pamangkin.”
“Veronica, paki-usap! Nasa gitna ng digmaan ang Artemis ngayon laban sa mga kallikantzaros. Maaawa ka sa munting prinssesa.”
“Alam kong ipapadala nyo sya sa mundo ng mga tao na siyang hindi ko papayagan. Ang akala mo ba ay wala akong alam tungkol sa batang iyan?”
“V-veronica...”
“Ang pait na aking dinanas ay sa kaniya ko ipaparanas—
“—Veronica!”
“Isinusumpa ko, na sa pag tuntong ng sanggol sa mundo ng mga tao, ay pag durusa agad ang kaniyang mararanasan. Pag durusa na siya ring aking pinagdaanan. Ang itakwil ng pamilya, ang masaktan sa pag-ibig at kasinungalingan.” hinaplos nya ang pisngi ng sanggol, “kay gandang sanggol kaya ito na aking pang-huling regalo. Isang kallikantzaros ang i-ibigin mo.” muli itong humalakhak kasabay ng pag laho sa dilim.
Isang patak ng luha ang kumawala sa mata ng reyna, “gabayan ka nawa ng kataas-taasan, aking anak. Dala mo ang aking basbas saan ka man naroroon. Hinihiling ko sa kataas-taasan na ika'y bigyan ng lakas ng loob at butihing puso at sa oras na mag simula ang iyong pag durusa ay lagi mong iisipin na mahal ka namin ng iyong ama.”
Isang ngiti ang sumilay sa muting prinssesa. Niyakap ito ng mahigpit ng reyna at nilagay nya dito ang kaniyang kwintas, “ibinigay ito sa akin ng iyong amang hari noong amin kasal. Pangalagaan mo ito dahil ito ang tanda ng aming pagmamahal para sa iyo. Nakakalungkot isipin na hindi na masisilayan ng hari ang iyong napakagandang mukha.”
Nakarinig sila ang napakalas na tunog ng trumpeta. Ang labanan ay nag simula na.
“Alactus, ikaw na ang bahalang mag dala sa aking anak sa lagusan.”
“Masusunod mahal na reyna.”
“Faragus, sumunod na kayo sa labanan at makipaglaban kasama ang hari.”
“Masusunod.” akmang aalis na si Faragus nang tawagin syang muli ng reyna.
“Pakisabi sa mahal na hari, na isang napakagandang prinssesa ang aking isinilang.” ngumiti ng kay tamis ang reyna, “at ang iningalan nya sa prinssesa ay, Scarlet.”
idlemine
YOU ARE READING
Scarlet: Queen of Artemis
פנטזיהAfter knowing that she is the long lost queen, Scarlet immediately went to Artemis to get back her throne from the king of goblins, Hasuyaf. Mababawi nya kaya ang trono? Magiging reyna kaya sya?