3: DIFF

192 166 44
                                    

Someone's POV

Muntik na kaming mahuli ng pulis noong nakaraan kaya dito sa bahay na ito kami nagtago. Ngayon kami tatakas para makapaglayo-layo dahil nagdududa na samin ang mga pulis.

Lumabas saglit yung kasama ko kaya ako ang naiwan dito sa bahay. Napagpasiyahan ko na lang magluto para kapag bumalik ang kasama ko ay kakain na lang kami at magiimpake para lumipat ng lugar. Nang natapos ako magluto ng adobo ay kumain na ako at naghugas na ng plato.

Abala ako sa pagiimpake nang biglang may narinig akong tunog. Napatingin ako sa pinto at may kumakatok dito. Ayoko pa sanang buksan kaso nakarinig ako ng tatlong sunod-sunod na katok. Ayon ang palatandaan namin sa pagkatok.

Ngumiti ako at binuksan ang pinto.

"Oh, bakit ang bilis—" naputol ang sinasabi ko at napaatras ako.

"Arestado ka sa salang pagpatay," sabi ng pulis sabay pasok sa bahay ko at hinawakan ang braso ko.

"A-Anong?" nagtataka kong tanong.

"Umamin na siya, makikita mo siya sa presinto," sabi ng pulis at dinidiin ang salitang 'siya'.

"Ha? Sino? Sabihin niyo!" naguguluhan kong tanong at pilit na nagpupumiglas.

"Ibinilin niya na huwag sabihin ang kaniyang pangalan dahil alam niyang hindi ka sasama kung sasabihin namin ang pangalan niya."

Sinong tinutukoy nila?

'Wag niyong sabihing siya iyon... 'Wag sana... Sana mali ang iniisip ko.

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko namalayan na nilalagyan na pala nila ng posas ang mga kamay ko.

"Ano ba! Ayoko sabing sumama! Papatayin ko kayo!" malakas na sigaw ko at pinilit na kumawala.

"Kapag ginawa mo 'yon parang pinatunayan mo na din na tama ang binibintang nila sa'yo," sabay sulpot ng isang lalaki hindi ko kilala. Hindi siya pulis dahil hindi siya naka-uniporme.

"Wala akong pakielam sa sasabihin niyo! Pakawalan niyo ako! Pwe!" dura ko sa mukha niya.

"Okay ka lang po ba, sir?" tarantang tanong ng isang pulis at inabutan siya ng panyo. Ngumiti naman yung lalaki at umiling-iling.

"I'm fine, thank you."

"Aray! Masakit! Ano ba!?" pinipilit kong pumiglas laban sa kanila pero naiyuko pa rin nila ako papasok sa kotse nila.

Malapit na kami sa prisinto at hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ako pwedeng makulong!

Pumasok kami sa isang silid at bigla nalang tumulo ang luha ko.

Tama ang iniisip ko.

Siya nga.

Ang taong pinagkatiwalaan ko.

Akala ko naiintindihan niya ako na kailangan ako ng kapatid ko. Pero hindi ko akalain na ta-traydorin niya ako.

Kaibigan pa rin naman kita na naging sandalan ko. Pero hindi ko kakalimutan itong ginawa mo, Zhandria.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In His WorldWhere stories live. Discover now