Under The Same Sky

22 4 0
                                    

We're from different sides of the world. We live in a different way of life. But even though we have many differences, we're both under the same sky.

I don't plagiarize contents so if this story is familiar to you, it's just a coincidence.

Errors ahead. Enjoy reading.

---

"Aili, gumising ka na. Mawawala ang scholarship mo niyan pag nalate ka." Pag-gising sa'kin ni nanay.

Ako si Ailisa Santos, 19 years old at isa akong first year college student. Ngayon ang unang araw ng third semester.

Tulad ng narinig niyo sa sinabi ng aking nanay, isa akong scholar sa isang pribado at mamahaling paaralan. Kinuha ako ng eskwelahang iyon dahil sa galing ko sa pag-aaral. Ang eskwelahan na iyon ang nagtutustos ng mga pangangailangan ko sa pag-aaral ko. Tulad nalang ng mga gamit, uniforms, pati na rin ang sapatos ko.

"Opo, nay. Tatayo na ho." Saad ko at tumayo na sa kutson.

Dumiretso na ako sa cr para maligo.

"Sana naman may malipat na ibang estudyante sa amin para naman walang nang mambully sa'kin." Saad ko sa aking sarili habang nagsasabon.

Sa totoo lang, kahit naman may malipat na bagong estudyante sa shift ko ay hindi ko pa rin maiiwasan ang pambubully nila. Lahat sila itinuturing ako na mababa dahil scholar lang ako. Nasa kalagitnaan palang ng first semester ay gusto ko nang umalis ng eskwelahang 'yon kaso iniisip ko na mas dodoble ang problema at pagod ni nanay para sa tuition ko. Kaya kahit na lagi akong nabubully ay tinitiis ko nalang ito. 'Yon nalang ang matutulong ko kay nanay. Ang tatay ko naman ay namatay nang ipanganak ang kapatid ko. Nabunggo siya ng truck kaya kaming tatlo nalang ng kapatid at nanay ko ang magkakasama.

Pagtapos kong maligo ay agad kong sinuklay ang buhok ko at isinuot ang aking uniporme.

"Nay, alis na ho ako." Ani ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hindi ka na kakain?" Tanong niya sa akin.

Tinignan ko ang lamesa at mayroon doong apat na nilagang itlog at onting kanin.

"Nay, kayo nalang po ang kumain ni Janjan. Ayos lang po ako." Ani ko at nginitian si nanay.

Nahalata ko ang lungkot sa mukha ni nanay.

"Ayos lang po talaga ako nay. 'Wag na po kayong mag-alala." Ani ko at niyakap siya.

"Hay nako. Sige na, pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Saad niya.

Hinalikan kong muli ang pisngi ni nanay bago umalis ng bahay.

Medyo malayo ang eskwelahan na pinapasukan ko. Sa'n ka ba makakakita ng pribado at mamahaling eskwelahan sa lugar na katulad ng tinitirhan namin? Ni kahit nga pampublikong paaralan ay malayo din.

Naglalakad lang ako papasok at pag-uwi galing ng eskwelahan. Wala naman akong choice kung hindi ang maglakad dahil wala naman akong sapat na pera para sumakay ng jeep.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na ang gate ng aming eskwelahan.

Kahit na wala akong kaya sa buhay ay maayos naman ako manamit. Hindi naman ako gusgusin tignan. Kahit papaano ay mukha naman akong tao tignan.

Papasok palang ako ng gate nang biglang may pumatid sa akin dahilan para matumba ako.

"Aray!" Ani ko at tinignan ang sugat na nasa aking tuhod. Dumudugo ito dahil tumama ito sa isang bato. Buti nalang at hindi ang ulo ko ang tumama sa batong iyon.

Singles (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon