-; Ang salitang TANGI ay nangangahulungang espesyal o namumukod, katulad ng sa "Tanging ikaw lamang."
I don't plagiarize contents so if this story is familiar to you, it's just a coincidence.
Errors ahead. Enjoy reading.
---
"Ate Flavia!" Pag gising sa akin ng pinsan kong si Charity.
"Ano ba 'yon Cha?" Tanong ko sa kanya ng magising ako.
Tinignan ko ang alarm clock sa mini table na nasa tabi lamang ng aking kama. 3am palang.
"May kumakatok kasi," Ani niya at parang natatakot pa.
Kaming dalawa lang kasi dito sa bahay dahil ang mga parents namin ay may pinuntahang business meeting sa Mindanao. Uuwi palang sila mamayang ala-6 ng umaga.
"Buksan mo. Baka sila mom na 'yon." Ani ko at tatayo na sana ng pigilan niya ako.
"Hindi ate Via, hindi sila tita 'yon. Nag-iisa lang siya." Ani niya na ipinagtaka ko?
"Kung hindi sila mom 'yon, sino 'yon? At syaka sino namang kakatok sa isang bahay ng ganitong oras?" Saad ko pero umiling lang siya.
"Nakita ko talaga ate Via!" Ani niya.
"Baka imagination mo lang. Matulog ka na." Saad ko.
"Pero ate Via," Ani niya at parang naluluha na.
"Sige, ganito nalang. Dito ka na matulog sa tabi ko." Ani ko at umurong para may pwesto siyang mahihigaan.
"Pero ate Via, pa'no kung totoo 'yung nakita ko?" Tanong niya nang makahiga na siya.
"Hay nako Cha. Walang gano'n. Baka namamalik mata ka lang talaga." Sagot ko.
Nagising ako dahil sa isang kalabog sa gate.
Nand'yan na siguro sila mom.
Tinignan ko ang orasan at 5:00am palang. Ba't parang napaaga ata ang uwi nila?
Agad akong tumayo sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang kumalabog ulit ang gate.
"Wait lang mom! Nand'yan na po." Sigaw ko at binuksan ang pinto. Patuloy pa rin ang pag-ingay ng gate.
Sa pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagtigil ng ingay nito.
"Asa'n ang sasakyan?" Tanong ko sa aking sarili nang hindi ko matagpuan ang sasakyan na magsusundo kila mom galing sa airport.
Tuluyan akong lumabas ng pinto at nagmatyag sa paligid.
Tahimik lang.
Napatili ako at halos matumba sa aking kinatatayuan nang bigla nanamang umingay ang gate.
Gulat ko lang itong tinitigan hanggang sa tumigil itong muli.
"Sino 'yan?" Tanong ko ngunit walang sumagot.
"Kung sino ka mang halimaw ka na nanggugulo sa amin sana matunaw ka sa kinatatayuan mo!" Sigaw ko. 'Yun na lang ang nasabi ko dahil sa kaba.
Ilang segundo akong naghintay ngunit wala akong narinig na tinig.
Dahan-dahan akong lumapit papunta sa gate.
Nang isang dipa nalang ang layo ko sa gate ay saka lang may nagsalita.
BINABASA MO ANG
Singles (One Shot Stories)
Teen FictionA compilation of short stories. Hope y'all enjoy it. "One story at a time." Errors ahead. Enjoy reading. I don't plagiarize contents so if the following stories are familiar to you, it's just a coincidence.