Bata palang ako mahilig na akong mag wish. If I want a doll agad na dumarating iyon dahil binibilhan ako ng parents ko.
But now na malaki na ako at parehas nang wala ang parents ko ay may tutupad pa ba ng mga wishes ko?
Oo maraming ari arian ang ipinamana sa akin pero papaano kung pagmamahal ang hihilingin ko? Paano kung ang hihilingin ko ay isang taong magmamahal sa akin habang buhay? May magagawa ba ang pera?
I don't plagiarize contents so if this story is familiar to you, it's just a coincidence.
Errors ahead. Enjoy reading.
---
"Kisha!" Sigaw ni Dave sa labas ng bahay. Si Dave lang ang nagiisang kaibigan ko. Siya lang ang napagsasabihan ko ng mga secrets ko. Ng mga hinanakit ko. Pero iisang bagay lang ang hindi ko sinasabi at hindi ko masasabi sa kanya. Iyon ay siya ang wish ko. Kahilingan kong ibigin nya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kan'ya.
"Wait lang, pababa na ko!" Sigaw ko. Nandito kasi ako sa kwarto.
Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ay sinalubong ko agad sya ng mahigpit na yakap.
"Buti nalang at napabisita ka dito. Halika, pasok ka muna." Ani ko sa kan'ya at pumasok na nga kami sa loob.
Dumiretso kami dito sa rooftop. We used to have a good day in this place. Making great memories.
"Kisha oh!" Ani ni Dave sa akin at inilahad sa akin ang isang malaking box.
"Wow! Para sa akin ba yan?" Tanong ko sa kan'ya at halatang excited na excited ako.
"Syempre hindi. Para ito doon sa taong mahal ko." Dahil sa mga sinabi nya ay nawala ang saya sa aking mukha. Nawala ang excitement. Tama. May mahal syang babae pero 'di niya pa sinasabi sa akin. 'Di ko raw kasi sinasabi kung sinong mahal ko kaya 'di rin daw niya sasabihin kung sino ang kan'ya. Natatakot ako na baka 'pag sinabi kong siya ang taong mahal ko ay lalayuan niya 'ko. Iiwasan niya na ako at kakalimutan nalang. Pero hindi ko na kailangan pang malaman 'yan dahil sigurado akong hindi naman ako iyon. Mas gusto ko pa ang makita siyang masaya sa babaeng mahal niya at mahal din siya na magkasama kaysa naman layuan niya ako at 'di pansinin na para bang hindi niya ako kilala.
"Tignan mo nga Kisha kung maganda ba. Buksan mo. Gusto ko makita yung hitsura ng tatanggap n'yan kung magkaparehas ba kayo." Ani nya.
Walang sigla kong binuksan ang box. Ang ganda pa naman sana ng pagkabalot niya. Dapat diniretso niya nalang ito doon sa pagbibigyan niya. Napakunot noo ako nang may isa pang maliit na box sa loob ng malaking box. Kinuha ko yung box na nasa loob nung malaking box. Binuksan ko yun. Hindi ko inakala na isa pala iyong explosion box. Halos malaglag na ang panga ko nang puro mga pictures namin ni Dave ang nandoon. Bakit mga pictures namin? Akala ko ba para ito sa taong mahal niya?
"Bakit mga pictures natin ang nakalagay dito? Diba ibibigay mo 'to sa taong mahal mo?" Tanong ko sa kan'ya.
"Basta. Buksan mo na 'yang maliit na box sa gitna."
Tulad ng sinabi niya ay binuksan ko nga ang maliit na box. Halos mapatili ako nang may tumalon na papel. Ano bang kalokohan 'to?
Kinuha ko iyong papel na tumalon galing doon sa loob ng box.
"Do you want to know who's my love? Then check it inside that small box where this little paper came from."
Tulad ng nakalagay sa papel ay chineck ko nga kung ano ang nasa loob ng box. Mga punit lang naman na maliliit na papel ang laman. Ipinasok ko nalang ang kamay ko doon at kinapa kapa hanggang sa may nahawakan ako. Inilabas ko iyon sa loob ng box at tumambad sa akin ang isang necklace na may nabubuksang pendant. Nakalagay sa labas ng pendant ang salitang "WISH".
Binuksan ko ang pendant at laking gulat ko na pangalan ko ang nakalagay sa loob nito. What?! So... oh my God!Nag-angat agad ako ng tingin kay Dave. Tumingin ako sa kan'ya na parang 'di ako makapaniwala sa nakita ko.
"You're my love Kisha. You're my wish. I wish you will love me back. Can you make my wish come true?" Ani niya sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa mga oras na ito.
"N-no." Sagot ko. Agad na nagbago ang ekspresyon ng kan'yang mukha.
"I understand if you can't. I'm so--" "shh" pagtakip ko sa labi n'ya.
"No ang sagot ko dahil matagal ko nang tinupad ang wish mo na 'yan. Matagal na kitang mahal Dave. Parehas lang tayo ng wish, Dave." Ani ko. Agad naman siyang napangiti at binuhat ako sa ere. Halos mapatili na ako sa gulat. Ibinaba niya rin naman ako. Ngayon ay nakayakap na ang mga kamay niya sa bewang ko habang ako naman ay nakakapit sa balikat niya.
"I love you, Kisha."
"I love you, too, Dave."
At naglapat na nga sa isa't isa ang mga labi namin.
Di ko maexplain ang sayang nararamdaman ko. Sa wakas ay natupad na din ang wish ko. My greatest wish came true. It's really true that every wish came true...
I always think negative things. Lalo na sa greatest wish ko. Lagi kong iniisip na hindi matutupad ang wish na iyon. But now, look. My greatest wish came true. The man I love the most became mine. He make my wish came true.
MY WISH ...
CAME TRUE...
END.

BINABASA MO ANG
Singles (One Shot Stories)
Genç KurguA compilation of short stories. Hope y'all enjoy it. "One story at a time." Errors ahead. Enjoy reading. I don't plagiarize contents so if the following stories are familiar to you, it's just a coincidence.