It's You
Written by: XteahnaHi ako nga pala si Irah Rivas, 22 years old, Isang fresh graduate and looking for a job. Hilig ko ang kumanta, sumayaw pati na rin ang pagobserba sa mga taong nasa paligid ko. Ewan ko kung ugali ko na ba 'to o nakasanayan ko nalang talaga kapag nagagawi ako sa mga lugar na pinupuntahan at napupuntahan ko.
Nalingon ako sa entrance ng marinig kong tumunog ang chimes. May pumasok na isang lalaki, matangkad ito maputi at guwapo. Umikot ang mga mata nya sa kabuohan ng café kung nasaan ako ngayon, nahinto ito sa babaeng may maamong mukha na nakaupo sa katapat kong table.
Hmm must be his Girlfriend...
Mahigit isang oras na naghihintay itong babae ngunit di ko man lang nakitaan ng pagkairita ang mukha nya dahil sa tagal nyang paghihintay.
Tsk! Mukhang sanay na sa pa-VIP nyang Boyfriend...
Lumapit ang lalaki sa kanya at natutuwa naman nyang sinalubong ito. Akmang hahalikan nya ito sa pisngi ngunit umiwas lang ang lalaki saka umupo na sa katapat nyang upuan. Kita ko ang pagkadismaya ng babae saglit lang naman kase agad syang ngumiti at hinarap ang boyfriend nya.
"Babe, anong gusto mong kape? Oorder kita" masayang alok ni ate gurl.
"Hindi ako magkakape..." Malamig pa sa iced cold coffee na sagot ng lalaki.
"Ah ok, cakes? Gutom ka b-"
"Hazel di naman ako magtatagal... I just came here to tell you something..."putol sa kanya ng lalaki.
Napataas ang kilay ko sa narinig. Kita ko ring natigilan si ate gurl dahil nakaharap Ito saken. Nang matauhan ay ngumiti rin ito.
"Ok, ano ba yun babe?"
"Let's break up..."walang pasintabing sabi ng lalaki. Laglag ang panga ni ate gurl sa narinig.
"What? Babe is this some kind of prank? Alam mo itig-"
"Look hazel, napapansin mo naman siguro na sobrang distansya ko na sayo this past few days. I don't know kung sinasadya mo lang i-ignore Yun or talagang di mo lang nararamdaman, pero hazel I want this to be over." Sabi nung lalaki. Nangilid naman ang luha ni ate ni ate gurl.
"Why?"halos pabulong na sabi ni ate gurl.
"Oh please hazel, wag mo na akong piliting sabihin yun dahil ayoko..." Inis na sabi nung lalaki.
"B-bakit ayaw mo sabihin?"nanginig na ang boses ni ate gurl.
"Kase ayoko ok?"
"Bakit nga?" Tuluyan ng tumulo ang luha ni ate gurl.
Narinig kong napabuga ng hangin yung lalaki saka umiling pagkatapos ay tumayo na't umalis. Iniwan si ate gurl na umiiyak...
Gago.
Tinignan ko ang kawawang babae. Napatakip ang dalawang kamay nya sa mukha nya saka doon impit na umiyak.
Haynako, bakit ba parating may gago sa pag-ibig?
Tumayo ako saka lumapit kay ate gurl. Naramdaman nya siguro ang presensya ko kaya nag-angat sya Ng tingin sakin. Ngumiti ako nang magtama ang paningin namen saka inabot ko sa bulsa ko Ang panyo ko 't nilahad sa kanya.
Naguguluhan may inabot nya rin ito...
"Be strong..." Yun lang at umalis na ako.
Hayyss. Saan naman kaya ako pupunta? Ayoko pa umuwi sa apartment. Wala kase dun si Nana kaya maboboring Lang ako dun. Bumuntong hininga na Lang ako saka napatingin sa kabilang dako nitong kalsada...
BINABASA MO ANG
It's You [KIM TAEHYUNG FF]
FanfictionBTS KIM TAEHYUNG FANFICTION SHORT STORY ON HOLD