It's You
Written by: XteahnaPinitas pitas ko yung halaman na nasa harap ko habang nakatingin sa Apartment ni Timothy- Ang kuya niyong masungit. Nalaman ko yung pangalan niya nung minsang nakausap ko si kuya Jasper na kasama niya sa bahay. Ilang araw na simula ng gawin ko Ito- Yung sundan siya sa mga pupuntahan niya masiguro lang na ayos siya...
Baka kase maisip niya nanaman magpakamatay eh. Tsaka paano niya kaya masesecure yung sarili niya kung hindi naman siya nakakarinig? Ang hirap kaya nun. Kaya eto, I became his bodyguard sa kakabuntot sa kaniya, naiinis na nga siya dahil sa pagsunod ko sa kaniya eh. Mas lalo siyang nagiging atittude sakin sa mga nagdaang araw dahil naiirita na siya sa presensiya ko.
Pero hindi ang pagiging atittude niya ang makakapagpatigil sakin. I want to be friend with him kaya hindi ako titigil hanggat hindi nangyayari yun.
"Oh!" Napaayos ako ng tayo nang makita ko siyang lumabas kasama si Kuya Jasper.
Ngumiti ako at sinalubong sila.
"Hi kuya Jasper! Good morning po!" Masaya Kong bati.
"Uy, Stalker ni Tim! Good morning din." Bati niya rin at nakakalokong tinignan si Tim.
Nakangiting binalingan ko naman si Timothy.
"Hi, Timmy! Good morning!" Senyas ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Anong good sa morning kung sisirain mo lang din?" He coldly said saka inirapan ako.
Atittude talaga!
"Nako, pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko ah, ganyan lang talaga yan. Uy, mauna na ako sa inyo ah" siniko naman niya si Timothy at sumenyas "Pare una na ako ah, sunduin ko si Annika sa kanila." Senyas ni kuya Jasper kaya tumango lang kame sa kaniya.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong si kuya Jasper saka binalik ang tingin kay Timothy na ngayon ay nagsisimula ng maglakad kaya naman humabol ako't humarang sa harapan niya.
"Saan punta mo Timmy?" Senyas ko.
Naglalakad ako patalikod dahil hindi siya tumitigil sa paglalakad. Nakangiti pa rin ako't hinihintay ang sagot niya.
"Wala ka na dun, okay?" Sabi niya at patuloy lang sa paglalakad.
Sumimangot ako saka bahagya siyang hinampas sa braso.
"Sama ako..." Nakanguso kong senyas, trying to convince him.
"Ayoko..." Cold niyang sabi.
"Sige na ka- Shit!"
Nakaapak ako ng bato kaya agad akong napakapit sa shirt niya. Nagulat siya pero agad niya rin naman akong nahapit sa bewang ko kaya hindi kame tuluyang bumagsak.
"Muntikan na yun ah!" Mula sa sahig ay natatawa akong tumingin sa kanya.
Natikom ko ang ngiti ko nang magtama ang mga mata namen at marealize na ang lapit namin sa Isa't Isa. Sa sobrang lapit ay naiinhale ko na ang mamahalin niyang amoy...
Agad akong nabalik sa senses ko ng pabalya niya akong binitawan. Mabuti at nabalance ko ang sarili ko.
"Kung ano-ano kasi pinaggagawa eh!" Inis niyang sabi at plinantsa ng kamay niya ang nagusot na parte ng shirt niyang kinapitan ko.
"Sorry na... Di ko naman sinasadya..." Nakasimangot kong senyas.
Inirapan niya lang ako saka nilagpasan na. Sumunod naman ako agad kaya agad din siyang napatigil at tinignan ako.
BINABASA MO ANG
It's You [KIM TAEHYUNG FF]
FanfictionBTS KIM TAEHYUNG FANFICTION SHORT STORY ON HOLD