It's You
Written by: XteahnaBahagya ko siyang tinulak para mapalayo sakin. Dahil kapag hindi ko ginawa yun ay baka atakihin na ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Yah! Sino may sabi-" natigil ako ng malingon ako sa likod niya.
Si JhayEm... Kasama si Shane.
Napatingin sa gawi ko si JhayEm kaya naman agad 'kong hinila palapit sakin si Timothy.
"Hey! Anong ginagawa mo?!" Nabigla niyang sabi.
Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at hiniwalay ako sa kanya pero di ako nagpatinag at mahigpit na kumapit sa dibdib na parte ng hoodie niya.
"Ano b-"
"Stay still... Please?" Senyas ko dahilan para matigilan siya.
Ilang segundo kong sinalubong ang mataman niyang pagtingin sakin bago ako dahan-dahan tumingin sa likod niya- kina JhayEm at Shane na ngayo'y masayang naglalakad habang magkahawak kamay...
Parang piniga ang puso ko ng makita ko ang marahang paglapat ng labi ni JhayEm sa sentido ni Shane dahilan para kiligin ang huli. My eyes watered at the scene.
So, totoo yung rumored na kumakalat noon? Na there's something between them na they're not just a dance buddy? Fuck you JhayEm!
Inilayo ako ni Timothy sa kanya. Sinundan niya ang tinitignan ko saka binalik sakin ang tingin.
"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya, kunot ang noo.
I immediately wipe my tears and give him a tiny smile.
"Uwi na tayo..." Senyas ko.
He just stared at me seriously bago siya dahan-dahan tumango. Tumalikod na ako't nauna ng maglakad. Every step I make feels like I am carrying a heavy bag- a bag that is full of sadness and pain.
Naramdaman ko naman si Timothy na tahimik na naglalakad sa gilid ko. Nagtataka ako kung bakit hindi siya nauunang maglakad sakin samantalang ugali niyang iwan ako. Curious man ay hindi na ako nagtanong, broken ako at walang ganang magsalita.
Panay lang ang lakad namin hanggang sa may humawak sa pulso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Walang gana kong lumingon sa likod ko- kay Timothy na seryosong nakatingin sakin at sa kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Nang makita niyang nakatingin ako doon ay para siyang napasong bumitaw at nag clear throat.
"Dito na sakayan..." Sabi niya at tumingin na sa kalsada.
Umayos naman ako ng tayo at hinarap na rin ang kalsada. Nakatulala lang ako sa stop light na nasa kabilang kalsada, pinapanood ang pagpapalit ng mga kulay nito. Natigil lang ako sa kapapanuod doon ng may humintong cab sa harap namin.
"Sakay na..." Mahinang sambit ni Timothy.
Nilingon ko siya't nakitang nakahawak sa nakabukas na pinto ng cab...
"Ano? Sasakay ka ba o hindi?" Impatient niyang tanong.
Napabuntong hininga nalang ako saka tamad na pumasok sa cab. Sumunod naman siya saka sinara na ang pinto, sinabi na rin niya sa driver ang destinasyon namin.
Infairness naman sa kanya may gentleman side din naman pala...
Walang umiimik samin at hindi rin naka-on ang radio kaya tahimik ang byahe. Kapwa lang kaming nakatanaw sa magkabilang bintana ng cab.
Naisipan kong buksan ang bintana ng cab. Bahagya kong inilabas ang ulo ko doon, pumikit at dinama ang malamig na hangin...
BINABASA MO ANG
It's You [KIM TAEHYUNG FF]
FanfictionBTS KIM TAEHYUNG FANFICTION SHORT STORY ON HOLD