Ako si Monica, isang student sa CSU (Coral Springs University), madalas akong mabully do'n dahil sa itsura ko.
Gusto kong lumaban, kaso minsan kapag lumalaban ako, lalo lang dumadami ang kaaway ko, sa totoo lang, wala akong kaaway eh, nung nagsimula lang akong sumagot sa panghaharass nila sakin saka lang ako nagkaroon ng kaaway.
Pero minsan naman kapag sinasagot ko sila, nadadala na sila, kaya natutuwa ako, susubukan ko nang maging palaban!
Sana nga makatransfer ako sa ibang school, kaso hindi kaya ng budget namin, saka sayang sa pera.
Kahit na madami kaaway ko, may isa parin naman akong bestfriend, si Maribelle, siya, siya ang bestfriend ko mula bata pa kami, halos lahat nga yata ng pagsubok nadaanan na namin e, kaya hindi kami naghiwalay kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Just a Stranger
RandomSimple lang naman ang gustong buhay ni Monica, pero nabago lahat ng bigla silang dumating tatlo.