Pagkagising na pagkagising ko, tumingin agad ako sa orasan, hala! maleleyt na ako!
Bumaba na agad ako para magalmusal at maghandang pumasok.
"Goodmorning! sige kain na ako! para makaligo narin." nagmamadali kong sabi at binilisan ang pagkain para maligo na at pumasok.
Pagtapos ko magbihis, bumaba na ako at nagpaalam kila Mama, maleleyt na ako takte!!
Sinabi ko sa driver na bilisan niya at buti naman binilisan niya, takot ata sakin, haha!
Pagdating ko sa school, tinignan ko yung orasan, salamat naman may 10 minutes pa ako para humabol.
Buti nalang nakasalubong ko si Belle, at sabay kami pumunta sa room, lagi naman e.
Pagupo ko nagsimula nang magturo si Ma'am, buti naman at naging maayos yung takbo ng klase.
Ang sumunod na teacher ay si Sir Jose, yung history teacher namin, ay oo nga pala ipapasa yung assignment!
Isa isa na kaming tumayo at pinasa yung assignment dahil sinabi naman na ni Sir.
"Okay, Class, pag tinawag ko name niyo pumunta kayo dito at basahin ny-" napatigil si Sir nang may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ni Sir may lalakeng nakatayo doon, wait, diba siya yung nakabangga sakin?!
"Oh, andito ka na pala, come in." sabi ni Sir tapos pinapasok yung lalake.
"Class, this is your new classmate, Elliot Cadman." sabi ni Sir tapos turo sa kanya.
Ngumiti nalang yung lalake, tapos bigla naman akong nagtaas ng kamay.
"Yes, miss Vesna? any problem?" tanong ni Sir.
"Sir, kahapon po nakita ko siya, bakit po ngayon lang siya lilipat ng room, eh nasa canteen po siya kahapon." tanong ko habang nakatingin kay Elliot, naiinis parin talaga ako sakanya!
"Ah, kasi kahapon lang siya nagsign ng papers para makapagtransfer siya, at hinayaan muna ng principal na maglibot siya dito sa school." saad ni Sir.
Tumango nalang ako at yung lalaki naman biglang nagsalita.
"Hi, I'm Elliot, you can call me Eli for short." maikling sagot nung lalake, aba Eli pala ha? hahaha! ang korni.
"Ang gwapo niya noh?"
"Oo nga, tapos parang ayaw pa ata siya kasama nung Monica na yon!"
"Oo nga! ang attitude niya! kainis siya!"Bulong ng mga babae don sa gilid, eh anong gagawin ko? naiinis ako sakanya e! pake niyo ba kung maatitude ako? hanggang bulong lang kasi kaya niyo!
"Okay, Eli, you can sit there beside Monica." turo ni Sir sa bakanteng upuan sa tabi ko, ano ba yan! dito pa talaga! kasi naman e!
Pumunta nalang si Eli sa tabi ko at umupo, mukang bored siya ah, siguro pilit lang yung pagtransfer sakanya dito.
"Uy tih! ang pogi pala ng kaaway mo! akin nalang!" sabat ni Belle, yak! siya? pogi? tara sa eo!
"Psh! kaaway ko yan! wag mo landiin! magiging awkward pag naging kayo!" sagot ko naman, di sila bagay! bestfriend ko? sa kaaway ko? ano yan? the more he hates me, the more he loves her? ang korni.
"Bala ka dyan! sayang yan jackpot pa naman!" sabi ni Belle, tas tumalikod.
Anong jackpot baka nga karma pa yan e! hays makikinig na nga lang ako!
"As I was saying kanina, pag tinawag ko name niyo, lalapit kayo dito para basahin yung gawa niyo." sabi ni Sir, ha? basahin? ayoko!! nakakahiya!!!
Lord help me! ayoko basahin yan! nakakahiya! baka asarin pa nila ako dahil wala akong Papa!!
BINABASA MO ANG
Just a Stranger
RandomSimple lang naman ang gustong buhay ni Monica, pero nabago lahat ng bigla silang dumating tatlo.