Chapter 2

5 0 0
                                    

"Pa! wag mo kaming iwan! mahal kita!" hagulgol ko habang si Papa nagmamadaling umalis.

"Anak, wag ka nang umiyak..." sabi ni Mama habang pinapatahan ako.

Alam ko na pinipigilan lang ni Mama na umiyak dahil ayaw niyang makikita ko siyang nasasaktan.

Masakit, masakit samin na Ama ko pa ang nangiwan samin ni Mama, gusto kong alamin ang dahilan kung bakit niya ginawa 'yon, sadyang ayaw lang ipaalam sakin ni Mama.

Mahal na mahal ko si Papa, ayaw ko siyang umalis, bakit Pa? bakit?

"Anak! gising na!"

Hindi niya dapat kami iniwan! masakit! Pa! masakit!

"Anak! gising na! tanghali na!"

Namulat ko nalang yung mga mata ko at nakita si Mama sa harapan ko, ginigising niya pala ako.

Panaginip pala 'yon, nagbalik nanaman yung alaala ko don, namimiss ko Papa ko, kahit di ko alam kung bakit niya kami iniwan.

Tumayo nalang ako at kinuskos yung mata ko, habang si Mama naman, bumalik na sa sala.

Pagtingin ko sa salamin, nagulat ako dahil may luha yung mga mata ko, siguro napaiyak ako dahil sa panaginip na 'yon.

Bumaba nalang ako para kumain, nakita ko nama si Mama na naghanda ng tocino, at kanin.

"Oh, kumain kana, para makaligo kana at pumasok." sabi ni Mama at kumuha ng kutsara't tinidor sa kusina.

Pagkabigay ni Mama sakin ng kutsara at tinidor, nagsimula na akong kumain.

Pagtapos kong kumain, naligo na agad ako para maghanda na pumasok.

•School•

"Oy! Monica!" tawag sakin ni Belle.

Matagal ko nang bestfriend si Belle, Maribelle talaga pangalan niya pero dahil bestfriend ko siya, pumayag siya na tawagin ko siyang Belle.

"Belle! bakit?" sabi ko habang nilalagay yung braso ko sa braso para magkakabit yung mga braso namin.

"Lika! sabay na tayo!" sabi niya at hinigpitan pa yung kapit sakin para hilain ako.

Naglakad nalang kaming dalawa papunta sa room, as usual, habang naglalakad kami, may bulungan nanaman tungkol sakin, pero halata namang nagpaparinig sila.

"Tignan mo nga naman! andito nanaman yung mga feelingera!"

"Feeling maganda, kala mo naman talaga!"

"Atlis kami may utak! eh kayo maganda nga, matalino ba?" sabat ni Belle, waw! antaray, nambabara na! haha! natawa nalang tuloy ako.

Tinarayan nalang namin yung mga bumubulong ng kung ano ano samin, sila naman nainis.

Pagdating namin sa room lahat tinignan kami ng masama, palagi naman e, syempre ako tinarayan ko nalang, bakit? hanggang tingin lang kaya nila e.

Umupo si Belle sa tabi ko at ako sa kabila, lagi kaming nasa likod, at lagi kaming magkatabi, kasi kami nalang yung magkaibigan e.

Dumating na yung teacher namin at nagsimula nang magturo tungkol sa English.

Nakinig nalang kami ni Belle para hindi bumaba yung grades namin, kasi magagalit Mama ko pag bumaba grades ko, at ganon din kay Belle.

Naging maayos naman yung sumunod na subject at yung iba pa, kaya naghintay nalang ako ng recess.

"Okay, class dismiss." sabi ni Ma'am kaya lalabas nalang kami para kumain sa canteen, kaya kinuha ko nalang yung wallet ko at sumabay kay Belle.

Pagdating namin sa canteen, andami nanamang tao, may bago yatang tunda yung mga tindera dun e.

"Uy, Monica, bili lang ako fries ha? tapos ikaw na bahala sa coke natin." sabi ni Belle tapos umalis na.

Lagi namin yong ginagawa, para hindi na kami maghihintayan, siya bibili ng pagkain at ako naman sa inumin.

Iaabot ko na sana yung bayad nang biglang sinagi ako ng isang lalake.

Nahulog tuloy sa sahig yung pera namin ni Belle, pano ko na kukunin to? eh nagsisiksikan na dito.

"Ano ba yan!" reklamo ko, tapos sabay baba para makuha ko yung mga pera sa sahig, barya pa naman yon.

"Nakaharang kasi!" sabi nung sumagi sakin.

Aba, siya pa galit? siya na nga nakabangga sakin!

At sa wakas, napulot ko na din yung mga pera at tumayo.

"Hoy! ikaw! ba't mo ko binangga ha?" sabi ko habang nanlilisik yung mga mata ko, nakakainis!

Tinignan niya ako ng masama tapos tinginan ako taas baba, aba? anong trip neto?

"Hoy! sumagot ka!" sabi ko tapos tinuro pa siya, tapos siya naman, di nasindak, di ba effective?

"Such a loser!" sabi niya tapos bigla nalang umalis, lakas ng tama non ha!

"Monica! tapos kana?" ay! oo nga pala, yung coke pa namin! kasi nakakainis naman eh!

Kinuha ko nalang kay ate yung coke tapos binigay kay Belle yung isa.

Umupo nalang kami sa isang table don tapos kumain, iinom na sana ako tapos...

Nakita ko nanaman yung lalakeng bumangga sakin!

Sinamaan ko lang siya ng tingin kahit di niya ako nakikita.

"Huy, Montot! ano yan ha?" ay nahalata niya yata na may tinitignan ako!

"Hoy, wag mo nga akong tawaging Montot! ang korni!" sabi ko habang nanlilisik parin mata sa lalaking 'yon.

"Wag mo ngang titigan yan! baka matunaw, sino ba kasi yan ha?"

"Wala, 'yan lang naman yung sumagi sakin kaya ako natagalan kanina."

"Ah, siya ba? ampogi naman!"

"Psh, pogi na yan? I've seen better." sarkastiko kong sabi.

Pagtapos naming kumain, bumalik na kami sa room namin para sa History class namin.

Saktong pagkaupo namin, dumating na yung teacher namin.

"Good afternoon class!" bati ni Sir Jose, si Sir Jose ang pinaka mabait na teacher dito sa campus kaya naman maraming estudyanteng humahanga sakanya.

"Good afternoon Sir Jose!" sagot namin sakanya.

"Okay, you may take your seat." sabi niya, at umupo naman kami.

"Class, today, we are talking about our past, since this is history class."

"Now, I want you to write about your past and present, ilagay niyo sa notebook niyo kung ano ang pinagkaiba ng past at sa present niyo, and then ipasa niyo 'yan sakin bukas."

Ha? past? bakit? ayoko, ayoko nang pagusapan pa yung nakaraan ko, yung kay Papa, ayaw ko na.

Pagtapos sabihin yon ni Sir, nagsimula na siyang magdiscuss at ako naman, tulala parin.

Tulala parin ako hanggang uwian, buti nga medyo nakarecover na ako nung uwian.

Pagkauwi ko, ginawa ko na agad yung assignments ko at syempre yung kay Sir.

Past:
-Masaya ako
-Kasama ko Papa ko
-Walang nambubully sa akin
Present:
-Nalulungkot na ako
-Iniwan kami ni Papa
-Nasasaktan ako

Ayan nalang yung mga nasulat ko, di ko alam bakit parang maiiyak ata ako, pero hindi natuloy.

Pagtapos kong gawin 'yon, natulog nalang ako, itulog ko nalang 'to.

Just a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon