"Magkakaroon tayo ng quiz."
"Ma'am! naman!" reklamo naming lahat, bakit naman kasi kami magququiz?! surprise?
"Anong ma'am naman! magququiz tayo, kaya dapat nagrereview kayo sa bahay niyo! 50 items lang naman 'to."
50 lang?! lang lang talaga ha! andami kaya non! nung grade 4 ako quiz namin 10/10 lang! tas eto 50!
"At ang passing score ay 45."
Hmm, sige pwede na rin, kaya ko naman 'to kasi nagrereview review naman ako sa bahay, kaya kampante na ako, ewan ko lang sa mga kaklase ko.
Nagsimula na kaming magquiz pagtapos ipasa ni ma'am samin yung mga testpapers, oo! testpapers siya!
Wait, true or false tong una! yehey! madali la- ay potek! ba't ganon Lord?!!
Ilalagay yung tamang sagot kapag false yung answer mo! tae naman oh! my weakness!!
Hooo, kaya ko to sige na, utak gumana ka ha!
Nasagutan ko naman lahat ng tama, sigurado akong perfect ako! andali lang pala e! pero sana talaga!
"Okay class, pass your papers, times up! raise your pens!"
Lahat kami pinasa na yung papel, pero yung katabi ko, si Eli, mukang inaantok pa yata, walang gana e, siguro mali mali sagot niya, sana nga hindi, ay! bakit ko ba siya iniisip?!!
Chinekan na ni Ma'am yung papel at sabi niya, mamayang uwian daw pumunta kami sa office niya para alamin yung score namin, kasi time na.
Papunta na ako sa locker ko para kunin yung books ko para sa sunod na subject nang makita ko naman si Ian na nakasandal sa pader.
Sakto namang nakita nya ako, "Monica!" tawag nya naman..
"Oh, Ian! anong ginagawa mo diyan?.." tanong ko sakanya.
"Ah, iniintay lang kita, gusto kasi kitang imbitahan sa party namin e..." napapahiya niyang sabi.
Ba't nya naman ako iimbitahan? eh kakikilala palang naman namin e.
"A-anong party?" tanong ko, di ako sure masyado e, kakakilala palang kaya namin, tas sasama ako sakanya?
"Ah, kase dumating yung kuya ko galing Canada kaya sabi niya magpaparty daw, pati nga mga kaibigan niya kasama e..."
"Ganon ba? uhmm.. magpapaalam muna ako kay Mama..."
"Sige, text mo nalang ako, pede ko ba kunin number mo?" bigay niya sakin ng cellphone niya.
Wow, speed ha?
"Ah, s-sige.." sabi ko tapos tinext sa cellphone niya yung number ko.
"Text o kaya tawagan nalang kita ha..
"O-okay.." sagot ko, kinakabahan ako, kasi first time ko palang umattend sa mga parting ganon.
Lumakad nalang ako papunta sa sunod kong subject.
Discuss.
Discuss.
Uwian.
Hays! sawakas uwian na din, ay! yung quiz nga pala namin! kunin ko muna kay Ma'am!
Pumunta ako sa office ni Ma'am at kinuha yung paper ko, pasado!
o(〃^▽^〃)o
48/50 ako!!! yeheyy!
Naglalakad ako nang biglang nabangga ako kaya naman napaupo ako sa sahig..
"Ano ba yan! di kasi tumitingin sa dinadaan e!" mataray na sabi nung babaeng nakabangga ko!
"Sorry naman! ikaw nga 'tong nguya ng nguya ng bubblegum at hindi tumitingin sa dinadaanan nagce-cellphone pa!"
"How dare you!" mataray niyang sabi na dinudutdot pa yung kuko niyang mas mahaba pa ata kay wolverine!
"Mama mo dare!" sagot ko naman..
Oh ano ka ngayong haliparot ka!? ha?!
Sasampalin niya na sana ako kaya naman sinangga ko 'yon..
"At anlakas talaga ng loob mo para sanggain yon ha?!" sigaw niya naman!
"Ha?" sarkastiko kong tanong!
Pagtripan ko nga 'to hehe..
"Sabi ko anlakas ng loob mo-"
"HATDOG!!" malakas na sigaw ko saka tumakbo!!!
Siya naman ay inis na tumingin sakin! haha!
BINABASA MO ANG
Just a Stranger
RandomSimple lang naman ang gustong buhay ni Monica, pero nabago lahat ng bigla silang dumating tatlo.