DATING KEN SUSON 4

2.2K 117 46
                                    

Soshi's Note: Grabe sobrang sexy ni Stell 'di ko kinakaya *click the picture*



KYOMI'S POV



Nasa waiting room ang SB19 ngayon at kami naman ni Manager at ibang staffs ay ini-inspect for the last time ang studio ng Arirang.

"Wow! Ang dami nila manager!" May mga fans na sa loob at mga nakaupo na sila, may kanya-kanya silang hawak na banner at yung iba ay lightstick. Makikita mo sa mga itsura nila ang pananabik na makita ang kanilang mga idolo. Naalala ko tuloy si Yasmeen, ang bestfriend ko. Sana wala siya sa crowd, dahil hindi ko alam kung ano ang e-explain ko sa kanya kapag nakita niya ako rito, fan na fan pa naman yun ng SB19. Halos lahat yata ng talambuhay ng bawat members ay alam niya. Lalo na kay Josh, dahil bias niya iyon. Madalas nga siyang mag-kwento sa akin ng tungkol kay Josh pero binabalewala ko na lang dahil hindi naman ako nakaka-relate noon.
Natatakot rin ako kay Yaz minsan dahil para na siyang stalker nila.

"Kyomi, pakilagay 'to run sa ilalim ng uupuan ng members."

"Opo." Dinampot ko ang mga bote ng mineral water at maingat na inilagay iyon sa ilalim ng upuan nilang lima, hindi naman ito makikita sa TV dahil may lamesang nakaharang sa harapan.

"Sino siya?" Napatingin ako sa mga fan at yung iba ay nakatayo na habang nakatingin sa akin.

"May babaeng staff na ba ang SB19?"

Medyo kinakabahan ako sa masasamang titig nila. Woaaaaa!!! Mas nakakatakot talaga ang mga Fangirls kesa sa Haters!

Ngumiti ako sa iilang nakatayo at lalabas na sana ng biglang umakyat sa set si Manager Greg!

"M---manager!"

"lika rito Kyomi."

"Si Manager!"

"Hi po Manager!"

Nakakagulat makita na ang bilis magbago ng expression sa kanilang mga mukha! Kanina lang ay nanlilisik ang kanilang mga mata sa akin pero ngayon ay parang mala-anghel ang kanilang mga ngiti kay Manager.

"A'TIN, She's Kyomi, siya ang bagong Asst. Manager."

"Ah Asst. Manager po pala kayo, sorry po." Pilit ang mga ngiti nila sa akin. Feeling ko ayaw nila nang may babaeng nakapaligid sa kanilang boys.

"Mas madalas niyo na siyang makikita from now on, so please go easy on her."

"Opo naman Manager Greg." sagot ng parang Presidente yata ng Fansclub nila. Nag-bow ako sa kanila at saka matamis na ngumiti.

"Nice meeting you all! Sana ay palagi niyong suportahan ang SB19!"

"Well she looks dedicated to her work. Nice meeting you Miss Asst. Manager."

They all smiled at me pagkatapos iyon sabihin ng parang pinaka-leader nila. Mababait naman pala ang A'TIN.

"Well, excuse us guys at marami pa kaming gagawin."

Nag-exit na kami ni Manager at pabalik na kami ngayon sa waiting room.
"Be careful with the fans Kyomi, they're sensitive when it comes to the members."

"Yes po, noted."

"Good" Manager smiled at me at sumunod ako sa kanyang paglalakad kaya lang medyo nahihirapan akong maka-keep up dahil sa 3 inches heels ang suot kong sandals. Hays. Hindi naman pwedeng mukhang taga-kanto ang itsura ko habang humaharap bilang Asst. Manager ng SB19 kaya kailangan kong maging presentable para sa sarili ko at para sa Show BT.

[SB19 Series I] Dating Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon