DATING KEN SUSON 17

1.8K 81 24
                                    

KYOMI'S POV


"Goodnight mga dre, pati sa'yo Kyomi."

Humikab na si Sejun at tuluyan na rin silang pumasok sa dorm, susunod na rin sana ako sa kanila ng bigla akong pigilan ni Felip.

"B---bakit?"

"Let's take a night walk?"

Matamis ang mga ngiting ibinigay nito sa akin kaya naman tumango ako.

"Sige, pero hindi ka ba napagod sa fanmeet ninyo?"

"Hindi. Pero ikaw? pagod ka na ba baby girl ko?"

he cupped my face habang matamis ang mga ngiti at pagkakatitig nito sa akin.

Geeze! Walang araw na hindi ako kinikilig sa lalaking ito!

"hindi rin."

"so ano? Let's take a walk?"

"Uki."

Nagpatangay ako sa kanyang paghila at nakalabas na nga kami sa kanilang dorm. Habang tahimik kaming naglalakad ay nagulat na lamang ako ng hawakan nito ang aking kamay and he lock his fingers in mine.

Gulat akong napatingin sa kanya ngunit nasa harapan lang ang kanyang paningin habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

I averted my gaze and smiled secretly.

Never in my wildest dream that I will have a night walk holding hands with an idol!
At first love ko pa ang idol na ito!

"baby girl"

"hmm?"

"This is our first day and first night together."

ngumiti lamang ako at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Thank you for letting me your boyfriend and Phum Rak Khun."

"uhm... Felip---"

"what?"

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ito, nakatingin ito sa aming kamay na magkahawak habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"Anong salita ba yang Phum Rak Khun?"

natawa siya at tumingin sa akin.

"It's a Thai word, at mga lalaki lang ang pwedeng gumamit niyan para sabihin sa kanilang minamahal."

Parang malulusaw ako sa kanyang mga tingin nang banggitin nito ang word na minamahal!

Huy puso! Hindi ka ba napapagod sa katatambol diyan sa loob?!

"kung ganun, hindi ko pala pwedeng gayahin yun?"

"yes but, you can reply me by saying Chan Rak Khun."

"Ano naman ang ibig-sabihin niyan?"

"I love you."

"Wups!"

Napaatras ako nang mabilis niyang nailapit ang kanyang mukha sa akin ngunit mabilis niya rin akong hinigit pabalik.

He is looking straight at me while smirking!

"ah---ha-ha"

ewan ko ba kung bakit ngunit nahihiya akong sabihin ang word na iyon sa kanya ngayon.

[SB19 Series I] Dating Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon