DATING KEN SUSON 20

1.7K 65 37
                                    

KYOMI'S POV



"Pasensiya ka na ija at nasasama ka pa sa gulo na dala ko."

"Okay lang po Tita at saka isa pa, ako naman po ang nagpumilit na sumana sa inyo."

She held my hand and warmly smiled at me.

Nasa taxi kami ni Tita Corin patungo sa bahay nila dahil kailangan nitong kunin ang kanilang mga naiwang gamit lalo na ang mga gamit ni Andrei sa school. Si Andrei naman ay nasa pangangalaga ni Yasmeen ngayon, I wish they're okay right now dahil ma-attitude pa naman ang batang iyon. Kanina nga lang ay naka-cross arms pa siya habang titig na titig kay bessy.

Sinamahan ko na si Tita dahil maaga pa naman at ayoko ring mag-isa lang itong babalik doon dahil baka saktan ito nang kanyang asawa at hindi na makabalik.

"dito na lang po."

Bumaba na kami at malapit lang pala ang tirahan nila sa QC circle.

Yumuko ako at sinilip ang driver sa bintana nang taxi. "Kuya wait mo kami ah. We'll be very quick."

Maingat naming sinilip ang bahay ngunit mukhang tahimik ito at walang tao.

"Kyomi, dito ka na lang. Magbantay ka rito."

"S---sige po. Bilisan ninyo Tita."

Tumango ito sa akin bago tuluyang pumasok nang bahay.

Ako naman ay palinga-linga dahil baka biglang dumating iyong asawa niya.
Maganda ang bahay nila at marangya itong tingnan.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang makita kong pababa na si Tita Corin nang hagdanan.

"Sino ka?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may lalaking nakatayo sa aking likuran!

He looks at me pagkatapos ay nadako ang kanyang paningin sa loob at agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay!

"Corin! Sa tingin mo ay makakaalis ka ha?!"

"Tita!!!"

Mabilis nitong hinila si Tita pababa nang hagdanan at halos madapa na ito sa lakas nang kanyang pagkaladkad!

Pumasok ako sa loob at nagulat iyong lalaki sa akin!

Mukha naman siyang disente ngunit sadista pala!

"At sino ka namang pakealamera ka?!"

"K---kyomi tumakbo ka na bilis!"

I look at Tita Corin at mukhang nasasaktan ito sa mahigpit na  pagkakahawak sa kanya nang partner niya!

"Bitawan mo siya!"

tumawa ito na parang nasisiraan na ng bait!

"Ano ako tanga? Kung ako sa'yo lumayas ka na para hindi ka na madamay pa ija."

he smirked at me.

Binalingan nito si Tita Corin at----

*PAK*

Malakas nitong sinampal ang kanyang asawa!

"Ang lakas ng loob mong layasan ako ha?! Ano bang pinagmamalaki mo ha?!"

Nang akmang sasampalin niya ulit si Tita ay mabilis kong pinigilan ang kanyang kamay ngunit ang isa naman niyang kamay ang ipinangsampal nito sa akin!

Napahawak ako sa aking pisngi sa sakit na nararamdaman!

"Sino ka bang pakialamera ka?"

[SB19 Series I] Dating Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon