DATING KEN SUSON 15

2K 84 39
                                    

Soshi's Note: Hello myluvs! I just want to thank you all for supporting this story! Grabe nag #3 tayo for KenSuson tags, #6 sa Ppop at #10 for SB19 Ken Suson tags!!! Marami pa tayong ranking pero hindi ko na ilalagay lahat dahil hahaba na 'to! Gusto ko lang ipaalam sa inyo how thankful I am for you myluvs! Maraming Salamat sa suporta Luvluv ko kayo! And becoz of that, I prepared a long chapter so enjoy dahil maraming happenings dito! (^^)

KYOMI'S POV

Nagtungo ako sa Garden dahil sabi ni Ken posible raw na narito si Sejun and he is right.

Nakaupo ito sa isang bench at nakapatong ang papel at lapis sa lamesa habang nasa malayo ang tingin.

Nilapitan ko ito at nung makita niya ako ay malapad akong ngumiti sa kanya, para naman kahit papaano ay ngumiti ito.

I glanced at his paper at pareho pa rin, wala pa rin itong nasusulat.

"Bakit ang ganda yata ng mood mo Kyomi?"

"Wala namang dahilan hehe"

Umupo ako sa kanyang harapan habang titig na titig pa rin ito sa akin.

"John Paulo kung ganyan ka tumitig saken malulusaw ako rito." pagbibiro ko at mukhang effective naman dahil natawa ito at saka umiling.

"You just made me think, you have the good vibes that makes the people around you happy."

"weh? Grabe naman sa English Pinuno!"

"Pft! Kyomi iba ka!"

Natawa ako sa kanyang sinabi at bigla na naman itong tumingin sa akin. Grabe ang mga mata ni Sejun napaka-expressive!

"Fan meeting na namin bukas and doon na makikita ang trial kay Ken kung talagang magaling na siya sa kanyang phobia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Fan meeting na namin bukas and doon na makikita ang trial kay Ken kung talagang magaling na siya sa kanyang phobia."

Kumunot ang aking noo sa narinig. What does he mean?

"The management is observing him. May movie offer sa kanya at kapag hindi siya inatake ng kanyang phobia bukas ay magde-decide ang management to take the movie offer."

Napabuntong-hininga ako.

I am aware with Sejun's stares so I look back at him.

"so hindi ito pwedeng ipaalam kay Ken tama ba?"

Tumango ito at saka muling nagsalita.
"I told you because I know you are the cure for Ken and----- for you to be ready for anything that may happen tomorrow Kyomi."

Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang ideyang ito. Bukod sa nakakatakot ang maaring mangyari lalo pa't fanmeeting iyon at may meet and greet with some lucky fans, ayoko rin sa ideyang naglilihim ako kay Felip lalo pa't tungkol ito sa kanya.

[SB19 Series I] Dating Ken SusonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon