Isa, isang linggo na mula ng ako'y iyong iwan.
Ngunit ang sakit na dulot nito ay 'di malimutan.
.
Dalawa, dalawang araw mula ngayon ay sana'y ating ikatlong anibersaryo.
Masaya ka sana na kumakain ng hinanda kong pagkain para sa iyo.
.
Tatlo, tatlong pangarap at mithiin.
Ang sanang tutuparin.
.
Apat, apat na taong mahigit kang nanligaw.
At ng ika'y aking sagutin ika'y sumigaw ng sumigaw.
.
Lima, limang beses mong sinabing ako'y pakakasalan mo.
Ngunit bakit ngayon ako'y iniwan mo?
.
Anim, lagpas anim na taon na simula ng tayo'y magkakilala.
At sana kasama pa rin kita.
.
Pito, pitong beses tayo halos maghiwalay.
Ngunit sa huli, sa isa't isa'y di natin kayang mawalay.
.
Walo, walong buwan matapos maging tayo, ako'y biglang nagkaproblema.
At salamat, dahil nariyan ka.
.
Siyam, siyam ang paborito nating numero.
Ngunit sa araw at buwan ding ito ika'y nagpaalam at sinabing tapos na tayo.
.
At huli, sampu, sampung araw mula ng malaman mo, akala ko'y sasabihan mo agad ako.
Pero ako pala ang huling makakaalam nito.
.
.
.
.
.
.
"Bakit? Bakit ako ay iyong iniwan? Hindi ba't ang sabi mo ay kakayanin mo, ano man ang mangyari ay walang iwanan?" Ani ko na punong puno ng lungkot.
"Marahil totoo nga ang sabi nila na ang pangako ay laging napapako." Ani ko na makahulugan.
"Mahal kita..." ang tanging nasabi ko sabay pagtulo ng aking mga luha.
"Mahal na mahal kitang bwisit ka" "Pero yung pagmamahal ko ay hindi naging sapat para ako'y 'di mo iwan."
"Bakit mo ako iniwan, botong boto pa naman sina Papa, Kuya at kambal sa iyo" pagbibiro ko.
"Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka." Sambit ko pinipilit ngumiti, patuloy pa din sa pag-iyak.
"Nais pa kitang makapiling, pero bakit mo ko iniwan?" napahagulgol na ako.
"Pinilit kong magpakatatag at lumaban sa mga oras na iyon, dahil iyon ang sinabi mo sa akin noon." Saad ko na may konting hinanakit.
"Pero bakit sa panahong dapat ikaw naman ang kailangang magpakatatag at lumaban ay hindi mo man lang sinubukan?"
"Ngunit wala naman akong magagawa, kung hindi mo na kaya ay 'di naman kita pipigilan, sapagkat ika'y hindi ko pag-aari at ayaw na kitang mapagod pa."
"Huwag kang mag-alala, darating ang araw na ito ay aking matatanggap, hindi man sa ngayon, ngunit darating din ako sa puntong iyon, at pag dumating ang araw at oras na iyon hinding hindi ko na siya pakakawalan."
Ilang linggo na akong ganito, pero ba't ganun? Parang kahapon lang ang lahat, dahil hanggang ngayon hindi ko lubos na matanggap na sumuko ka na. Di ko matanggap na iniwan mo ako! Ang sakit kasi eh, sobrang sakit. Andami mo pang sinabi sa akin noon na tayo ay magapapakasal at magkakaroon ng pamilya, pero ako itong si tanga at naniwala.
"Tandaan mo kahit na mahirap man para sa akin na ika'y palitan at humanap ng bagong mamahalin, gaya ng iyong sabi, bago mo ko tuluyang iwan, darating ang araw na ako ay iibig muli, ngingiti at marahil magpapakasal."
"Siya nga pala, salamat ha, salamat sa lahat, sa oras na iyong binigay, sa pagmamahal na di man nagtagal, sa aruga na pinipilit mong iparamdam noon, at sa marami pang bagay na walang sino man ang makakapantay. Lahat ng iyon ay kailanman ay di ko malilimutan at ito ay aking pahahalagahan" ani ko sa kawalan na para bang naririnig niya ang bawat salitang aking sinasabi.
"At nais ko ding sabihin sayo na kahit wala ka na sa aking piling, sa aking puso ay 'di ka mawawala." Ngiti ko na halatang pilit, dahil mas nangingibabaw pa din ang sakit.
"Alam mo aking sinta, marahil di man tayo ang para sa isa't isa sa panahon at buhay kong ito, sa susunod kong buhay, ikaw ang pipiliin kong iibiging muli, hanggang sa maging tayo na ang para sa isa't isa hanggang huli."
"Sa ngayon, hanggang imahinasyon ko na lamang na ikaw ay nasa aking tabi pa rin at patuloy akong minamahal, inaaruga na balang araw ay yayayaing magpakasal sa paborito nating tagpuan at magkakaroon ng masayang pamilya."
.
.
"Ako si Maryland Caryx Rieda, patuloy na umiibig sa isang Inhinyerong Sibil, kahit sa imahinasyon na lamang." Sigaw ko ng napakalakas na ibinigay lahat ng enerhiya, at biglang nandilim ang aking paningin at paligid.
.
Hii! Pasensya na kung ito ay hindi naabot ng inyong pamantayan sa pagbabasa, ngunit sana ay kahit papaano ay nagustuhan nyo ito.
BINABASA MO ANG
My Ài Story
Teen FictionThey say never look for love, love will come to you. But what will you do when love already came to you, but he also needs to go? Will you beg for him to stay? Or you will just let him go? I, Maryland Caryx Rieda, share with you My Ài Story.