Kabanata 6

3 0 0
                                    

Malaki ang kwarto at malinis. Dumako ang tingin sa kama sa gitna at nakitang malaki rin ito kasya kaming dalawa. Sobra pa nga. Pinamulahan ako sa iniisip na magtatabi kaming matulog.

Saglit kaming nagayos ng kanya kanyang gamit. Nabibingi tuloy ako sa sobrang tahimik at tanging aircon lang ang naririnig sa kwarto. Mabuti na lang ay kinatok na kami ni Gina para sa hapunan.

Nauunang maglakad sa amin si Andro. Habang ako ay mabagal at tinatanaw ang mga villang nadadaanan. I wonder who design all of this. Its magnificent sa kung paano ang pagiging complex nito ay nagbigay lalo ng espasyo. Maski ang bubong nito ay bagay sa istilo ng haligi. Hindi rin papahuli ang mga ginamit na materyales mula sa kahoy hanggang sa mga salamin.

"Miss," tawag sa akin ni Gina. Napalingon din si Andro dahil doon at kumunot ang noo ng makita ang pagkakahuli ko.

Binilisan ko ang paglalakad at kinausap na lang si Gina kung anong restaurant ang napili ni senyora.

Madaming restaurant ang nakapaikot na pwedeng pagpilian. May fountain din akong nakita sa gitna at parang mini garden.

Hindi rin nagtagal ay natanaw ko na si senyora na kausap ang waiter. Siguro ay umoorder na ito.

Saktong pagalis ng waiter ng makalapit kami sa lamesa.

"You're finally here!" masayang bati ni senyora na parang nakalimutan na ang atraso sa apo.

Asa kabisera si senyora kaya naman umupo si Andro sa kabila. Imbis na tabihan sya ay tumabi na lang ako kay senyora.

"I already order for us."

"By the way, how's your villa hija?" pagoopen ng topic ni senyora.

Bahagya kong sinilip iyong reaksyon ni Andro ngunit busy ito sa kanyang cellphone. Sino kaya ang kachat nya?

"It is nice senyora. Ang ganda ng view and malapit sa dagat kaya nakakahumaling ang tunog ng alon."

Napatingin kaming lahat ng may nabunggong customer ang isang waitress making all the dishes smashes in the floor. Hindi alam ng waitress ang gagawin. Panay ang hingi ng paumanhin at pagpunas sa dibdib ng lalaking nabungo nya. I find it a hilarious move. Mabuti na lang dumating ang manager at naayos agad ang gulo.

Nilingon ko si Andro na kakaupo lang muli sa kanyang upuan. Napataas ako ng kilay and judge his action. What? Don't tell me balak nyang makisali sa gulo kanina kaya sya napatayo?

He lifts his gaze at me. As usual, he just gives me a cold stare bago nagiwas ng tingin at uminom ng kanyang wine.

After the commotion, bumalik din ang lahat sa normal ng parang walang nangyari. Maraming sinabi si senyora tungkol sa pwedeng gawin sa isla. College friend nya daw si Donya Barbara, ang may ari ng buong isla. Lagi syang iniimbitahan dito ng kaibigan kaya kabisado nya na ang lugar.

"Andro, nakausap mo na ba ang kapatid mo about his plans?"

Napalingon ako kay Andro ng natagalan ito sa pagsagot. Nagtataka sa pagiging tulala nito sa basong nasa harap at tila hindi narinig ang tanong ni senyora.

"Andro, hijo" ulit na tawag ni senyora.

Mukhang natauhan na ang huli at tumikhim bago umayos ng upo.

"Ano iyon lola?" ani nito sabay inom sa wine sa kanyang harap.

"I'm asking kung nakapagusap na ba kayo ni Anton about his plans?"

Mukhang wala lang naman kay senyora ang pagkakatulala ng apo kaya hindi ko na rin ginawang big deal. Malamang trabaho na naman ang iniisip lalo na at isang linggo kami dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Apartment Series I: SeraphineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon