"Paganda ka ng paganda, hija" bati sa akin ni senyora ng dumalaw sila ni tita Isa sa bahay para magpaalam.
Simula noong party ay naging madalas ang pagdalaw ni senyora at tita Isa sa bahay ganun din naman kami ni mommy sa kanilang bahay dito sa Makati. Their hometown is in Casa Blanca napupunta lang si senyora dito tuwing may okasyon.
"Thank you, senyora."
Naghanda kami ng meryenda at naisipang sa hardin na lang umupo. Malilim kasi doon at masarap ang simoy ng hangin.
Nauna na kami ni senyora doon dahil nagpaiwan pa sila Mommy at tita Isa sa kusina para tapusin iyong binabake na brownies. Hands on si mommy sa kusina. I admire her for that kaya bata palang ay nahilig na rin ako sa pagluluto.
"Kumusta ang pagrereview sa board, hija?"
"It is fine, senyora. tita Isa help me a lot."
"Kahit wala ang tulong ng tita Isa mo... I know you'll pass it, hija. Tuwang tuwa nga si Isa ng grumaduate kang Cum Laude. She even insists of sending Andro here para lang makadalo ng graduation mo kahit nagthethesis ang anak," ani ni senyora.
It's been five years simula ng lumipad si Andro ng state. Minsan umuuwi sya pero sobrang dalang naming magkita. He's always busy and I understand. Nagiging updated lang ako sa kanya sa social media at tuwing naikwekwento sya ni senyora at tita Isa.
He got lot of girls, rumored at panay nalilink sa kanya na madalas na pinagtatakpan sa akin nila senyora. I don't know but I didn't take it personally. I bet he's just playing plus nasa akin ang boto nila tita Isa somehow it comforts me. He's a successful bachelor, rich and handsome hindi na katakatakang maraming nagkakandarapa sa kanya.
"Anyway, I heard Diva will helds a fashion week for his new collection."
"Yes po. It is next month. Inaalok nga po ako i-model iyong gawa nya but I refuse. Focus po muna ako sa pagrereview sa board."
Kung meron man kaming pinagkakasunduan ni senyora iyon ay ang line of clothing and accessories. Unlike noon na walang hilig sa damit ngayon ay natuto na akong manamit at magayos. senyora's fashion sense amaze me kaya naman naengganyo na din ako dito at madalas nga ay isinasama nya ako sa mga Fashion Week.
Hindi din nagtagal ay dumating na rin sila mommy at mas lalong napahaba ang kwentuhan.
"You promise to visit, hija ah," si senyora. She invites me to have a vacation in Casa Blanca.
"Tamang tama at uuwi na rin si Andro noon, mama. Mas mabuti ngang magbakasyon ka doon Sera at pagbabakasyonin ko na din muna si Andro dahil panay pagtratrabaho ang inaatupag," ani ni tita Isa na ikinagulat ko.
"Mabuti nga iyan at ng magkakilala na kayong dalawa, Sera. Hindi na rin bumabata si Andro. Sa edad nyang iyon ay dapat ng magseryoso at lumagay sa tahimik," si mommy.
"Ewan ko ba sa batang iyon at balak na lang yatang pakasalan ang trabaho nya."
"I'm sure. Sera can tame him."
Ngumiti lang ako kay tita Isa at inabala ang sarili sa juice. Sometimes, natatakot din ako. Kahit alam kong boto sa akin sila tita Isa pero what if hindi nya ako magustuhan or what if may iba siyang gusto?
Takot at kaba man ang nararamdaman hinayaan ko ang sariling sumugal. After my oathtaking for being a liscense architect bumiyahe na agad ako para magbakasyon sa Casa Blanca.
I made my decision that I will make this work. I want to be his legal fiancee ayoko na yung claim to be lang. tita already told Andro about us and she said that Andro will give it a try too.
Sobrang saya ko noong nalaman ko iyon kaya kahit hirap ako sa course ko I do every effort I can para lang masama sa honors tulad nya. Hindi rin ako tumanggap ng manliligaw o magkaroon ng kaibigang lalaki. Hindi din ako umiinom at sumasama sa mga party sa clubs or bar kasi sabi ni senyora hindi daw iyon magandang tignan sa babae. Naging mas maalaga din ako sa katawan ko at naging palaayos.
BINABASA MO ANG
Apartment Series I: Seraphine
RomanceSeraphine Rodriguez x Alejandro Castillejos You only know it is love when it's already gone. ----------------------------------------------------------------- Read at your own risk. written by: Francesca a.k.a (MsBlckPnk)