(Sa silid ng mag-asawa)
Makikitang naka-upo sa kanilang kama ang asawa. May hawak syang aklat-babasahin.
Dr. Del Mundo: (lalapitan sa asawa habang inaawit ang theme song nila. Pagkaupo sa may kama ay hahalikan sa noo ang asawa) Kumusta ang Love ko?
Aiza: Oh, kumusta ang aking mahal na asawa? Nabalitaan kong may nabunggo kayo kagabi. Ano ang balita sa kaniya?
Dr. Del Mundo: Maayos na, sa awa ng Diyos. Nga lamang, dinala ko sya dito sa atin. Wala na raw kasi siyang matutuluyan at ulila na raw syang lubos.
Aiza: Ganoon ba, walang problema, Love. Mabuti nga at nakakatulong sa gaya nyang nangangailangan.
Dr. Del Mundo: Oo nga e. (mapapatingin sa aklat na hawak ng asawa) Ano 'yang binabasa mo? 'yan ba ang pinagkakaabalahan mo maghapon?
Aiza: Oo, Love. Sya nga pala, kanina ay nanggaling dito ang iyong matalik na kaibigan. Pinaabot ang dispensa sa kanyang hindi pagpunta sa paggawad sa iyo kahapon.
Dr. Del Mundo: Si Rona? Aba at nakauwi na pala sya mula Australia? Kailan pa raw?
Aiza: Kaninang umaga lang at agad dumaretso dito upang dalawin tayo. Heto at ibinigay ang aklat na ito para sa akin. Makakatulong daw ito para ako ay malibang.
Dr. Del Mundo: (mapapangiti) Malamang ay nakuha nya 'yan sa dinayo nyang mga aklatan upang magsaliksik.
Aiza: Oo. Sadyang mahilig sa pananaliksik ang matalik mong kaibigan na 'yon, Love. Katulad mo, isa rin syang mahusay ng manggagamot.
Kakatok sa pintuan si Argen.
Argen: Sir, heto na po ang pagkain nyo ni ma'am. (aalis pagkabigay ng pagkain)
Aabutin ng doktor ang pagkain at susubuan ang asawa. Sabay silang kakain na tila mahal ang isa't isa.
Aiza: Love, ako na. Kaya ko namang kumain. Ikaw naman, masyado mo akong itinuturing na pasyente.
Dr. Del Mundo: Syempre, ikaw ang pinakapaborito kong pasyente sa lahat. Pinakaiibig ko.
Flashback
Baliktanaw tungkol sa nakaraan ng mag-asawa. Biglang magbabalik sa alaala ng doktor ang mga araw niya mula nang makilala niya si Aiza. Ipapakita kung paano nagkasakit si Aiza.
Aiza: (mapapansin ang malalim na pag-iisip ng asawa) Oh, anong iniisip mo mahal?
Dr. Del Mundo: Ah, wala naman may naalala lamang ako.
Aiza: (ititigil na ang pagkain) Ano naman 'yon?
Dr. Del Mundo: Naalala ko, Love, ang ating nakaraan. Kung paano tayo nagkakilala (mapapangiti). At kung paano ka...nagkaroon ng karamdaman (malulungkot).
Aiza: (aamuin ang asawa) Mahal, kung ako ang tatanungin mo, masayang masaya ako sa bawat sandali ng buhay ko, sa mga sandali na kasama kita.
Dr. Del Mundo: Ako rin naman, Love. Mahal na mahal kita. Ikaw na lamang ang pamilya ko at nagbibigay sa akin ng saya. Hindi ko yata kayang mawala ka. Lahat ng tagumpay ko ay inaalay ko para sa 'yo lamang.
Aiza: Maraming salamat sa pagmamahal. Ngunit huwag mo masyadong ibuhos ang oras mo sa akin, Love. Tandaan mong may mga obligasyon kang dapat gampanan at maraming pasyente ang umaasa sa iyong kahusayan.
Dr. Del Mundo: Oo naman, Love, tatandaan ko 'yan at--(mapapansin ang paghawak ng asawa sa sentido nito) Bakit, Love? Ano ang 'yong nararamdaman?
Aiza: (nakahawak sa ulo na tila may nararamdaman) Ma...sakit lamang ang ulo ko, Love. Sa...sa...sapalagay ko ay kailangan ko nang magpahinga.
Dr. Del Mundo: Mabuti pa nga, Love (aalalayang mahiga sa kama ang asawa).
Ilang sandali pa ay nahihimbing na si Aiza. Tahimik lamang itong minamasdan ng doktor. May kakatok sa pinto.
Dr. Del Mundo: Tuloy. (papasok si Jayvee, isa sa mga katulong)
Jayvee: Sir, Mayroon po kayong bisita. Narito po ulit si Dra. Rona para makita kayo.
Dr. Del Mundo: (matutuwa) Oh, sige't pupuntahan ko sya.
Jayvee: Opo, sir.
Dr. Del Mundo: Pakibaba na nga rin itong aming pinagkainan.
Kukunin ni Jayvee ang mga pinagkainan at lalabas na ng silid. Lalabas ang doktor papuntang sala.
BINABASA MO ANG
SA KABILA NG LAHAT
Horror[ COMPLETED ] Jeffrey Del Mundo is a man who loves his wife very much. He was a famous doctor and rich, socially known. But for him, he has nothing else to ask for as long as he can be with his beloved wife forever. But unexpectedly, his wife Aiza b...