(Sa silid-aklatan)
Tila pagod na pagod na mauupo sa sofa ang doktor. Si Noreen naman ay ilalapag ang mga gamit nito sa isang bakanteng upuan at pagkatapos ay lalapit kay Dr. Del Mundo.
Noreen: Dok... tila... pagod kayo, gusto nyo po ba ng... masahe?
Dr. Del Mundo: (nakapikit at nakasandal sa kinauupuan) Yes, please...
Lalapit dito si Noreen at sisimulang masahehin ang noo ng doktor.
Dr. Del Mundo: Haaay... (tila nasisiyahan sa masahe) Salamat naman, Noreen. Nakararamdam ako ng ginhawa.
Noreen: walang anuman ito, Dok. Kung tutuusin ay kulang na kulang pa ito kung ikukumpara sa tulong na ipinahkaloob ninyo sa akin.
Dr. Del Mundo: (mapapangiti) Nako, wala iyon. Masaya ako at ang aking asawa sa pagtulong ko sa iyo.
Noreen: Kumusta na nga pala ang kalagayan ng iyong asawa, Dok?
Dr. Del Mundo: Hayun at unti-unti ng... bumubuti ang kalagayan.
Noreen: Talaga, mabuti namang kung ganoon. Eh kayo, Dok? Bumubuti na ba ang inyong pakiramdam? Masarap ba ang ginagawa kong pagmamasahe? (unti-unting bumababa patungo sa dibdib ng doktor ang kamay ni Noreen na nagmamasahe)
Dr. Del Mundo: (mapapamulat) Ano ang... ginagawa mo?
Noreen: minamasahe ka dok, bakit, may iba ka pa bang gustong ipagawa sa akin? (lilipat sa harap ng Doktor)
Dr. Del Mundo: Ano? Anong pinagsasabi mo?
Noreen: Halimbawa ay... (akmang huhubarin ang jacket at tititig ng malagkit sa doktor)
Dr. Del Mundo: (mapapatitig lamang si Dr. Jeffrey kay Noreen)
Noreen: Hayaan mong suklian ko ang kabutihang loob mo sa akin, Dok. Gagawin ko ang anumang naisin mo.
Dr. Del Mundo: (lalayo sa babae) Hindi! Anong kalokohan ito, Noreen? Tinanggap kita dito ng walang hinihinging anumang kapalit.
Noreen: Pero gusto kong gawin ito, Dok. Hayaan mo akong iparamdam sayo ang aking pasasalamat at... pagtatangi. (yayakap sa doktor)
Dr. Del Mundo: (kakalas mula sa pagkakayakapsa babae) Hindi! Mali ito! May asawa ako. Naroon sya sa aming silid. Hinihintay ang aking pagdating! (pasigaw)
Noreen: Subalit may karamdaman sya, hindi ba? Hindi kana nya kayang—
Dr. Del Mundo: Tumigil ka!! Mahal ko ang aking asawa! Hindi ako kailanman magtataksil sa kanya. Hindi!
Noreen: Pero nasan ba sya? Bakit hindi namin sya nakikita? Ni ang anino nya ay—
Dr. Del Mundo: Manahimik ka! (sasampalin si Noreen)
(Sa sala)
Mapapatigil sa ginagawa ang mga katulong dahil sa narinig na sigawan sa itaas.
Jayvee: OMG! Anong nagaganap?
Argen: Mukhang nagka-LQ din ang dalawa.
Riggy: Hooy! Tama na muna ang kudaan. Trabaho na muna!
Jayvee: Sabi ko nga eh! (iirap sa mayordomo) Sya nga pala, luto na ang agahan ni Ma'am Aiza. Ipapanik ko na ba sa itaas? Sa kanyang silid?
Argen: Ako na, Beki... Kakausapin ko din si Sir. Babale ako kahit dalawang daang piso.
Jayvee: (habang binibitbit ang pagkain) Sus! Bale na naman. Ipangde-date mo lang yan eh.
Argen: (kukunin kay Jayvee ang tray na may pagkain) Loka! Ipapadala ko sa probinsya. May sakit ang nanay ko.
Riggy: Tama na yan. Dalhin mo na yan sa silid ni ma'am, now na!
Argen: Ito na nga, oh! (aalis na dala ang tray)
Riggy: (babaling kay Jayvee) Mare, ano sa palagay ang magandang iregalo sa jowa ko? (kinikilig)
Jayvee: Tingnan mo'to tama na daw ang daldalan. Yun naman pala'y sya ang kukuda.
Riggy: Dali na, Mars. Monthsary kasi namin ng jowa ko. Eh syempre kailangan kong bumili ng regalo. Ano ba ang maganda? Pabango? Damit? Sapatos?
Jayvee: Sa tingin ko...KAPOTE!
Riggy: Kapote? Bakit, hindi naman tag-ulan ngayon.
Jayvee: Gaga! Para safe! Hahahahahaha
Riggy: (matatawa din ng ma-getz ang ibig sabihin ni jayvee)
Ngunit matitigil ang tawanan ng dalawa sa maririnig na kalampag ng mga nabasag na kagamitan sa itaas.
Riggy: Ay, kabayo! Ano yun?
Jayvee: Aba'y ewan ko. Nagpukulan na yata ng gamit ang LQ lovers. Hahahahaha!
Riggy: (matatahimik lamang ngunit mapapaisip)
Dra. Rona: Jeffrey! Jeffrey! (papasok sa sala)
Riggy: Ay, doktora, magandang araw po.
Dra. Rona: Nasaan ang amo nyo?
Jayvee: Nasa silid po niya, ma'am.
Dra. Rona: Ganoon ba, sandali lamang at pupuntahan ko.
Riggy: Hep! Hep! Doktora! (pipigilan si Dra.Rona)
Dra.Rona: Oh, Bakit, Riggy?
Riggy: Kabilin-bilinan po ni Sir ay wala daw pong sinuman ang maaaring pumasok sa silid nila ng kanyang asawa.
Dra.Rona: Ha? Kahit ako?
Jayvee: Yes, ma'am doktora. Ang kanilang silid ay pribado na mula pa po noong isang araw.
Dra.Rona: (magtataka) Hmm.. Ganoon ba? (mapapaisip) Ngunit kailangan siya sa ospital.
Riggy: Kung ganoon doktora, ipapaabot ko na lamang ang mensahe kay Sir. Pasensya na po talaga kung hindi po namin kayo mapapatuloy sa kanilang silid.
Dra.Rona:Sige, sige. Nauunawaan ko. Pakisabi na lamang na mag-report sya sa ospital as soon as possible.
Riggy: Yes, doktora. Makakaasa po kayo. (aalis na ang doktora)
Jayvee: Teka, Riggy. Bakit parang ang tagal yatang bumaba ni Argen? (mapapakibit-balikat lang ang tinanong) Wrong timing naman kasi kung bumale ang loka. Sya, sige, may labahin pa ko. (iiwan na ang mayordomo)
BINABASA MO ANG
SA KABILA NG LAHAT
Horror[ COMPLETED ] Jeffrey Del Mundo is a man who loves his wife very much. He was a famous doctor and rich, socially known. But for him, he has nothing else to ask for as long as he can be with his beloved wife forever. But unexpectedly, his wife Aiza b...