(Sa mansyon)
Dulot ng pag-aalala, agad pupuntahan ni Dra. Rona ang matalik na kaibigan sa tahanan nito. Bukas ang gate, gayundin ang pintuan kaya't madali siyang nakapasok. Mayroong pagtataka sapagkat sobrang tahimik sa loob ng malaking mansion. Magmamasid-masid hanggang makarating sa isang silid sa dulo ng pasilyo.
Dr. Rona: Jeffrey? Jeff? (patuloy na magmamasid hanggang sa magtatakip ng ilang sa kadahilanang may maaamoy na masangsang at di kanais-nais)
Dr. Rona: J-Jeffrey! Nasaan ka, Jeff? (patuloy na maglalakad papasok ng tagong silid na iyon.)
Mapapahinto sa napansing papag na may nakaagang hindi mawari dahil sa nakatakip na malaking kumot na kulay puti subalit napaka-dungis. May mga nakasinding kandila. May altar.
Dala ng pagtataka, unti-unti niya iyong bubuksan habang ang isang kamay ay nasa ilong. Ngunit nagulantang siya sa kanyang nasaksihan.
Dra. Rona: Aaaaaahhhh! (mapapalayo at sa pagkagulat ay di sinasadyang matutumba)
Dra. Rona: Hindi! Hindi maaari ito! Hindi ako makapaniwala! Tulong!
Dr. Del Mundo: Anong tulong ang kailangan mo, matalik kong kaibigan? (biglang lalabas kung saan)
Dra. Rona: (mapapatayo) Jeffrey! Ano ito! Ikaw ba ang—
Dr. Del Mundo: Ako lamang at wala ng iba, Rona. Ako ang may kagagawan sa mga bangkay na iyan na iyong nakikita. Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo, ako'y pumatay!
Dra. Rona: Hindi! Paano mo nagawa ito, Jeffrey?! Isa kang mahusay at tanyag na manggagamot! Gumagamot ka ng mga tao, Jeff! Hindi pumapatay!
Dr. Del Mundo: Oo! Noon! Noon 'yon, Rona! Noong masaya at makulay pa ang aking buhay! Noong nabubuhay pa ang aking mahal na asawa.
Dra. Rona: (mabibigla sa narrinig) Ano ang ibig mong sabihin? Si Aiza ay—
Dr. Del Mundo: Patay na sya! Wala na ang aking asawa. Iniwan nya na ako. Kinuha na sya sa akin! Wala na sya, Rona! Wala na!
Dra. Rona: Pero bakit... Hindi mo sinabi? Hindi ko alam! Walang nakakaalm! Paano mo naitago ito, Jeffrey? Kailan pa nasawi si Aiza? Kailan ka pa pumapatay? Bakit, Jeffrey? (mapapatingin sa mga bangkay) Bakit mo ito ginawa? Diyos ko!
Dr. Del Mundo: Rona, making ka! Hindi ko sinasadya. Bunga lamang ito ng aking kalungkutan. Ng aking pagnanais na...(biglang luluha) Hanggang ngayon ay damang-dama ko sa aking dibdib. Sa aking kaibuturan. Napakasakit. Hindi ko matanggap. Ang kamatayan ng aking asawa! (mapapahagulgol sa sakit na nararamdaman)
Dra. Rona: Pero ano ito? Anong ibig sabihin ng mga ito? (galit na ituturo ang mga bangkay) Maibabalik ba ng mga patay na ito ang buhay ng iyong asawa? Mabubuhay bang muli si Aiza? Mababalik ba sa dati ang normal at makulay mong buhay?
Dr. Del Mundo: Oo! Oo, Rona! Buhay ang kinuha... Buhay din ang kapalit! Oo! Nang dahil sa mga iyan, sa mga walang buhay ng katawan, mga walang kwentang kaluluwa, mabubuhay na sya, Rona. Makakasama ko na syang muli!
Dra. Rona: Ano? Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan. Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo. Diyos ko, Jeffrey! Buksan mo ang mga mata mo... (mapapaiyak na) Ang iyong asawa. Hindi na sya mababalik pa! patay na sya, Jeff! Patay na!
Dr. Del Mundo: (manlalaki ang mga mata) Oo! Oo nga pala. (biglang mabubuhayan ng loob) kulang pa! Isa pang buhay. Isa pang buhay ang kailangan ko upang mabuhay na ng tuluyan si Aiza! Ang aking pinakamamahal na asawa.
Dra. Rona: A-anong... Ibig mong... sabihin? (mapapaatras)
Dr. Del Mundo: Ikaw, Rona. Bukod kay Aiza ay ikaw ang taong pinakapamalapit sa akin. Ang aking matalik na kaibigan. (unti-unting lalapit kay Rona)
Dra. Rona: Hindi! Hindi, Jeffrey! Isang napakalaking kalokohan nito! Alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong asawa. Ngunit, alam kong may malinis pa ring budhi sa iyong pagkatao... Itigil mo na ito, Jeffrey! Tama na!
Dr. Del Mundo: (dadamputin ang patalim na nasa ibabaw ng mesa) Patawarin mo ako, mahal kong kaibigan. Ngunit... Lahat ay gagawin ko (unti-unting lalapit kay Rona) Lahat-lahat... Mabuhay lamang ang asawa ko.
Dra. Rona: Hindi, Jeffrey! (tuluyang mapapaiyak) Hindi ito ang layunin mo sa buhay. Ang misyon mong gumamot ng maraming tao. Iyan ang nais mo hindi ba? H'wag mong sayangin ang buhay mo!
Dr. Del Mundo: Ang gumamot ng maraming taong may sakit? Oo! Iyan ang misyon ko at dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Pero bakit. (mapapahikbi ulit) Bakit ang sarili kong asawa. Hindi ko nagawang lunasan? Ang pahabain ang buhay nya?
Dra. Rona: Jeff, making ka! Ikaw ay nananatiling buhay! Hindi pa huli ang lahat para—
Dr. Del Mundo: Alam ko! Hindi pa huli ang lahat! Sapagkat may pagkakataon pa. Mabubuhay pa ang asawa ko! (akmang susugurin si Rona subalit patakbong iiwas)
Dra. Rona: Diyos ko, Jeffrey! Gumising ka sa katotohanan! H'wag kang padadala sa udyok ng demonyo! Tama na, Jeffrey! Tama na! (tatakbo palabas ng silid)
Dr. Del Mundo: (haharangan ni Jeffrey) Ikaw ang kailangan ko, Rona! Ikaw! (akmang iuunday na ang patalim sa kaibigan ng di kawasa'y maririnig ang serena ng pulis. Gayundin ng mga yapak ng mga paakyat sa hagdan)
BINABASA MO ANG
SA KABILA NG LAHAT
Horor[ COMPLETED ] Jeffrey Del Mundo is a man who loves his wife very much. He was a famous doctor and rich, socially known. But for him, he has nothing else to ask for as long as he can be with his beloved wife forever. But unexpectedly, his wife Aiza b...