Chapter 7:

11 5 0
                                    


(Sa Mansyon)

Makikita ang mga katulong na sina Jayvee at Argen, na nagkukwentuhan sa sala.

Jayvee: Gen, napansin mo ba?

Argen: Ang alin?

Jayvee: Ang silid ni Ma'am at Sir palaging nakasara.

Argen: Ay, Oo, Amiga. At hindi lang nakasara, naka-lock pa talaga.

Jayvee: At hindi lang iyon, girl. Bakit hindi na tayo inuutusan ni Sir na dalhan ng pagkain si Ma'am sa kanilang silid?

Argen: At hindi na rin lumalabas si Ma'am upang magpahangin sa hardin. (biglang darating si Riggy, ang mayordomo)

Riggy: Hay! Hay! Hay! Kaagaaga ay tsismis agad ang inaatupag nyo! Kung magtrabaho na lang kaya kayo at hindi kung sinu-sino ang pinagpupulutan nyo!

Jayvee: Eh, kasi naman po, ikaw ba'y hindi nagtataka?

Riggy: Magtataka? Saan?

Argen: Sa mga nangyayari dito sa mansion. Aba'y hindi ko na maramdaman ang existence ni Ma'am. Gayun din si Sir, palaging wala at kung dumarating ay agad dumidiretso sa kanilang silid.

Riggy: Ah! Iyon ba? (mapapaisip) Actually, napansin ko rin iyon. At alam nyo ba ang naiisip ko?

Jayvee at Argen: (sabay) Ano??

Riggy: Parang may something....(pabulong)

Jayvee: Something na?

Riggy: Something na...malansa...

Argen: Malansa? Ano? Ano yon?

Riggy: I smell something fishy... (mapapahawak sa baba)

Jayvee: Ah, isda??

Argen: Anong kinalaman ng isda?

Riggy: Mga gaga! Ibig kung sabihin, may kung anu-anong kahina-hinalang nagaganap.

Jayvee at Argen: Tulad ng??

Riggy: THIRD...PARTY... (tataas ang kilay)

Jayvee: Third party?

Argen: Paano? At sino?

Riggy: Hay nako! Ang slow nyo talaga, mga boba!

Jayvee: Ah, alam ko na, may lalaki si Ma'am?

Argen: Hah? Si ma'am na may sakit, manlalaki pa?

Jayvee: Ay hindi! I mean... Si sir?

Argen: Ano? Si sir may lalaki? Teka, ang gulo!

Riggy: Mga tonta! Pataka-taka pa kayong nalalaman kanina, hindi nyo naman pala ginagamit ang inyong mga kokote! Isip-isip din pag may time, hah!

Jayvee: Eh! Ano ba talaga ang pinupunto mo? Diretsohin mo kaya ng hindi na kami mag-isip pa!

Argen: Oo nga. Nakakapagod kayang mag-isip. Kaya nga kami nagkatulong ay para kumita ng hindi na kinakailangan gumamit ng talino.

Riggy: Malamang! Eh, wala naman kayo noon eh! TSK. TSK. TSK. (magtatawanan ang dalawa) makinig kayong mabuti... Ang hinala ko, may LQ ang mag-asawa at ang dahilan...

Jayvee at Argen: Sino?

Riggy: Ang bagong salta sa mansion na'to.

Jayvee: Si Miss Noreen?

Argen: Sya nga? Yung ampon ni Sir?

Riggy: Oo, napansin kong malagkit ang titig niya sa ating amo. Hindi lang iyon, mahilig pa syang magsuot ng mga daring na damit tila may something na—

Noreen: (biglang darating) Something na ano, Riggy? (mapapatingin dito ang tatlo)

Riggy: Ahh...Eh... (hindi malaman ang sasabihin)

Noreen: Ako ang pina-uusapan niyo, hindi ba? (tataasan ng kilay ang mga katulong at hahalukipkip)

Jayvee: wala po, ma'am. Actually, busy-busyhan kami at marami kaming ginagawa. Hindi ba, girls?

Argen: Oo nga naman, Miss Noreen. Wala kaming panahon para pag-uusapan ka pa (palihim na iirap)

Noreen: Ah, talaga? Kaya pala naririnig ko ang pangalan ko at—(mapapahinto sa pagsasalita sapagkat maririnig ang pagbusina sa labas) Oh, nariyan na pala si Dok. Ituloy nyo na ang inyong mga pinagkakaabalahan at ako na ang sasalubong sa kanya.

Riggy: (pagkaalis ni Noreen) Sows! Akala mo naman kung sino sya sa pamamahay na ito kung umasta.

Jayvee: Oo nga eh... Sampid lang naman dito!

Argen: At napulot lang ni Sir sa kalye! (magtatawanan ang tatlo)

Biglang papasok sa sala ang mainit na ulong doktor kasunod si Noreen na may bitbit ng gamit ni Dr. Del Mundo.

Dr. Del Mundo: (mainit ang ulo) Kumusta ang tsismisan ng mga daga habang wala ang pusa? (patungkol sa mga katulong)

Riggy: Sir, maayos naman, Ay este! Pinag-uusapan lamang po namin kung ano ang iluluto namin para sa agahan ni Ma'am Aiza.

Jayvee: Opo, Sir, kakatukin na po sana namin si ma'am para pakainin? Hindi po kasi sya lumalabas ng—

Dr. Del Mundo: Hindi, hindi! H'wag na. ako na lamang ang magpapakain sa aking asawa. Walang sinuman sa inyo ang papasok sa aming silid habang ako'y wala. Maliwanag?

Mga katulong: Opo sir, masusunod po.

Dr. Del Mundo: (babaling kay Noreen) halika at isunod mo ang aking mga kagamitan sa silid-aklatan (tatango lamang si Noreen ay paismid na tatalikuran ang mga katulong)

SA KABILA NG LAHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon