Chapter 1

5 0 0
                                    

Leigh Anivia's P.O.V

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko ngayon dahil kinabukasan ay luluwas na ako ng Maynila para makapag college dahil ang huling habilin sa akin ni Papa bago sya mamatay ay makapag aral ako sa dating school na pinasukan nya.

Kaya naman nagpursigi talaga akong maging scholar ng school na iyon dahil yun din naman ang gusto ni Mama at ni Lola.

Kaso biglang nagkaroon ng problema sa mga papel ko kasabay ng pagkamatay ni Papa kaya ngayong 3rd Year College 2nd Semester na ako makakapasok.

Nagpaalam ako kay Mama na pupunta muna akong Mall.

Pagkarating ko sa mall ay bumili na ako ng mga importanteng gamit atsaka naglakad na papuntang school dahil walking distance nalang ang school mula dito sa SM Baguio.

Nang nasa tapat na ako ng school ay huminto ako para tingnan ang buong building ng University.

University of Cordilleras

2 years ko ding naging tahanan ang school na ito kahit na napakaraming bad and good memories na nakapagpabaho ng buhay ko ang school na ito.

Pagkapasok ko ay umakyat na agad ako sa second floor at agad ko ding nakita sina Mich at Megan.

Nang makita nila ako ay pilit silang ngumiti at niyakap ako.

"Aalis ka na ba talaga? Sure na yon?" nangusong tanong ni Megan.

Tumango lang ako dahil kahit ako ay nalulungkot din.

"Ikamusta mo kami kay Ella ha?" sabi ni Mich.

"Oo naman! Miss na din kayo nun ano. Oh pano? May klase na ata KAYO?"

Sinadya kong idiin ang word na 'kayo' dahil hindi ko na sila kaklase magmula ngayon.

Umirap sila kaya natawa ako.

"Hindi mo ba kami mahihintay? Last subject na namin e. Mall muna tayo tapos sabay sabay na tayong umuwi" pagmamakaawa sa akin ni Megan.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko.

6:24PM

Bumuntong hininga ako atsaka malungkot na napailing sa kanila.

"Megan, Mich, sorry talaga. Hindi pwede kasi 1AM ako babyahe mamaya kaya kailangan ko na umuwi para makatulog"

Niyakap nila ako atsaka tumango tango nalang sila.

"Ingat ka ha? Sa bakasyon umuwi ka! Magtatampo kami sa iyo kapag hindi ka umuwi" si Mich.

"Oo nga" pag sang-ayon ni Megan kaya natawa ako.

"Oo naman" ngumiti ako sa kanila atsaka nagpaalam na.

Nang nasa ground floor ako ay biglang may tumawag sa akin.

"Leigh!"

Pagkalingon ko nagulat ako dahil akala ko galit sya sa akin.

"L-lance" yun nalang ang nasambi ko dahil bigla nya akong niyakap.

"Please hayaan mo akong yakapin kita kahit ngayon nalang"

Wala salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa gulat.

Isa si Lance sa mga ex ko, masasabi kong sya yung pinaka mabait kaso I broke his heart dahil sa nonsense na dahilan.

I fell inlove before but he broke my heart. Ang sabi nya lang sa akin ay hindi na nya ako mahal. Wala nang ibang explanation.

And after we broke up, after a year I fell inlove again pero kapag mahal ko na yung taong iyon, kinabukasan magigising nalang ako na hindi ko na mahal yung taong yon. Kaya nakikipag break AGAD ako sa kanila.

Indurate Remark (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon