Chapter 6

4 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero meron padin sa loob loob ko na baka nagkakamali lang ako.

Baka nagkataon lang.

Umiling iling ako at napasabunot sa aking buhok.

Simula kahapon nang makauwi kami ay ito lang ang iniisip ko, mabuti nalang hindi napapansin ng kambal na tahimik ako.

Hindi naman talaga ako mahilig magsalita.

"Tsk tsk tsk"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Charles na umiiling iling.

Si Chase nakatitig lang sa akin.

Lumapit silang dalawa sa akin. Pinag gitnaan pa nila ako.

"Brix, alam mo? Hindi ka naman ganyan dati ah?" seryosong sabi sa akin ni Chase.

"Alam namin yang paganyan ganyan mo. Yang madalas mong pag ngiti ngiti" si Charles naman.

Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila yung totoo diba?

Halos buong buhay ko sila na ang kasama ko kaya tiwala ako sa kanila pero nahihiya padin ako.

Tumingin ako sa kanila atsaka bumuntong hininga.

Napansin kong seryoso sila ngayon kaya naman sobrang weird ng mukha nila at hindi ako sanay.

Gusto kong suntukin yung sahig dahil nalilito talaga ako sa nararamdaman ko ngayon.

Ganito ba talaga ang mainlove?

"Don't hide that bro" akbay sa akin ni Charles atsaka tumawa at binatukan ako.

"So, who is she?" tanong ni Chase kaya naman napatingin ako sa kanila atsaka inabot ko ang cellphone ko sa kanilang dalawa.

Nasa timeline yun ni Levia kapag inopen nila cellphone ko.

Napatingin sila sa akin. Habang hawak ang cellphone ko.

"Ano to?" tanong ni Chase.

"That's her" kalmado kong sagot.

"Huuuuuuuuuh?" sabay nilang sagot atsaka balik ng tingin sa cellphone ko.

"W-we thought, y-you already like L-leigh" nakatulalang tanong sa akin ni Charles.

Nanlaki naman ang mata ko at agad agad umiling.

"You mean you're inlove with her drawings and sketches?" tanong Chase na nakatingin padin sa cellphone.

"Hindi lang dyan" tipid kong sagot.

Ibinalik ng dalawa sa akin ang cellphone ko.

"Bro, how can you say na, inlove kana sa kaniya kung yung mga drawing lang ang nakikita mo? You'll never know what kind of a girl she is" seryosong sabi sa akin ni Charles.

Tumayo ako at nakapamulsang humarap sa glass na kitang kita ang buong makati.

"She's different man. Like the first time I saw and read her caption, it felt like she touches my heart. Magulo but there's something in this girl na sobrang interesting. I don't care what she looks like. All I know is she's the one I like. Lahat ng sakit na nararamdaman nya parang sinasabi na din nya sakin even though I'm sure na marami na ang nakabasa ng mga posts nya. I believe na mabuti syang tao. I like her man"

Napatingin ako sa dalawa na nakanganga na akala mo ay ngayon lang ako nakita.

"Yan na ata ang pinakamahabang nasabi mo sa loob ng 20 years Brix" sabi ni Chase habang nanlalaki parin ang mata ng kaniyang kapatid.

Indurate Remark (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon