Chapter 5

4 0 0
                                    

Mabilis lang na lumipas ang mga araw at friday na ulit.

Nandito kami ngayon sa isang park na medyo malayo sa school dahil Ella decided na ipasyal si Leigh and um agree na din kami lalo na ang kambal dahil gusto nilang mag gala gala muna.

We're sitting sa isa sa mga bench dito at umiinom ng tubig dahil nilakad lang namin mula school hanggang dito.

"Ang saya pala maglakad lakad kahit nakakapagod. Sa Baguio kasi dalawa lang yung kasama ko maglakad e" manghang sabi ni Leigh at nakanguso pa.

"Maganda naman maglakad lakad sa baguio, malamig pa. Hindi tulad dito na ang init init" Chase said. 

"Nakakasawa kaya ano" sabi ni Leigh.

Nagkibit balikat nalang si Chase at tumutok na sa cp.

"Hala ubos na? Di pa nga full tank tyan ko e!" maktol ni Leigh habang tinataktak pa ang lagayan ng mineral water nya na wala nang laman.

Napatingin naman ako sa hawak kong tubig dahil konti lang naman ang nabawas ko kanina.

"Here" abot ko sa kaniya.

Nahihiya syang napatingin sa akin kaya naman ngumiti ako ng kaunti sa kaniya.

"Hala! Thank you!" sabi nya sabay kuha ng tubig.

Tumayo ako dahil naisipan kong bumili ng Milo. Hindi kasi ako nakainom kanina kaya may kulang sa katawan ko ngayon.

"Brix? San punta?" tanong ni Charles.

"Buy something" sabi ko atsaka naglakad na.

May nakita naman akong 7/11 sa tapat ng gate ng park kaya doon ako pumasok para bumili.

Kumuha ako ng 4 na milo at 4 na delight para sa mga kasama ko.

Kumuha na din ako ng mga snacks.

Papunta na sana ako sa cashier nang mahalata kong kanina pa sunod ng sunod yung dalawang babae. Kaya ang ginawa ko umikot ikot ako sa 7/11.

Natatawa ako sa sarili kong kalokohan kaya nang papunta na sana sila sa pwesto ko sinadya kong bumalik upang magkasalubong kami.

Nabangga sila si dibdib ko kaya pinilit kong hindi matawa.

"Sorry" sabi ko atsaka pumunta na sa counter.

Narinig ko pa ang impit nilang sigaw or tili dahil sa pantitrip ko.

Pagkatapos kong mabayaran ay bumalik na ako sa park pero si Leigh lang ang nadatnan kong nakaupo doon at may tinitingnan habang nakangiti.

Tiningnan ko ang tinitignan nya at nakita ko ang isang pamilya na nagpipicnic sa tabi ng isang puno.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nya.

Iniabot ko ang pinamili ko sa kaniya at syempre yung milo hiwalay.

Sinimulan ko na inumin ang milo atsaka napatingin din sa tinitignan ni Leigh.

"Ang saya nila ano?" tanong nya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang syang magsalita.

"Alam mo ba, ganyan din kami kasaya nila Mama at Papa noon" pilit ang ngiti nya habang nagsasalita.

Tumingin ulit ako sa tinitingnan nya.

"Kahit na only child ako, never kong naisip na mag isa lang ako kasi hindi umaalis sa tabi ko sila mama at papa maliban nalang kung nasa trabaho pero kahit na ganon hindi ako nalungkot"

Indurate Remark (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon