Namulat ng paunti-unti ang mata ko, at may napapansin akong kakaiba.
Why is the house I am right now looks like this? This is not even my Lola's House.
Habang nakahiga ako, biglang may nagsalita.
"Ginoo? Gising ka na pala" Sabi ng babae sa labas ng pinto, at s-sya? S-sya yung napapanaginipan ko! Hindi ako nagkakamali! She's beautiful ha. Mapupula ang pisngi at labi, mahaba ang kanyang buhok, at n-naka Filipiniana?
"Who are you?" I said.
"A-a?" She said, I guess she can't understand English that's why she can't answer my basic question.
"I said, Sino ka? At p-paano ako nakapunta dito? This is not even my Lola's House. "
"Hindi ko man maintindihan ang inyong lenggwahe Ginoo, pero natagpuan ka namin malapit sa aming tahanan"
"Nakita ka naming walang malay, kaya agad agad akong humingi ng tulong, Ginoo." Dugtong nya pa at habang sinasabi nya 'yon, nakangiti sya. Ang ganda nya ngumiti. Parehas sila ng ngiti ni Mommy.
"Salamat nalang sa tulong mo, uuwi na ako sa amin" Sabi ko sa kanya at tumayo nako sa higaan kung saan ako nakahiga nang bigla syang nagsalita ulit. Medyo makulit ka ghorl ha, uwing uwi nako.
"Ginoo, pwede ko bang malaman san ka nagmula? Para ihatid ka na namin sakay ng Kalesa." Sabi nya at, nagulat ako. Kalesa? Nagbibiro kaba?
"Bat sa kalesa ako sasakay? Wala ba kayong kotse na pahatid samin? And also stop... I mean pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Ginoo?" I said.
"Pasensya na, Ginoo. Ganito po kasi ako magbigay ng respeto. Sya nga pala, bago ka umuwi sa inyong lungga, kumain ka muna, mayroon kaming maliit na handaan. Kaarawan kasi ng aking ina" Sabi nya at sabay ngiti. Itatanggi ko na sana ang alok nya kaso biglang may dumating. If I'm not mistaken nanay nya to.
Ended up, sumama ako sa kanila papuntang Lamesa at nagtataka ako, bat ganyan ang suot nila. It's so very weird! Naka barong? Naka Filipiniana? Kaya habang kumakain, di na'ko nag-dalawang isip tanungin sila.
"U-uhm, may I ask why is your outfit like that? I mean, It's not even a big party yet, naka Filipiniana at Barong kayo" I said and nakatingin lang sila sakin. Bruh.
"Oh yeah, I mean bakit po kayo naka-barong? Naka-filipiniana" I said, again.
"Nagbibiro kaba Ginoo? Ganito naman talaga ang ating kasuotan. Ikaw dapat ang aming tanungin. Bakit ganyan ang iyong kasuotan? At saan ka nagmula?" Sabi ng nanay ng babae na tumulong sakin, plus may patawa pa.
"Ha? Galing po akong Manila, uhm... Nag-bakasyon lang kami sa Province namin." I said and nagulat ako ng bigla silang nagulat na taga Manila ako.
"Nagbibiro ka ba Ginoo?"
"No I'm not! Kaya kung ako sa inyo palitan nyo na suot nyo, 2020 na naka-Filipiniana at Barong pa kayo" I said and all of them are laughing. What's funny? I'm just telling the truth.
YOU ARE READING
Volvamos Al Pasado
FanfictionKilalanin natin si Michael na nag aaral sa De la Salle University sa kursong Architecture. Ang binatang hindi pa naranasan magka-girlfriend dahil para sa kanya pampalipas oras lang ito sa mga walang kwentang bagay. Pero dumating ang panahon kung saa...