Kabanata 3

7 0 1
                                    

"Michael, wake up. Nandito na tayo." Boses ni Daddy na narinig ko.

Wow! Just wow! Gumanda ang Bahay ni Lola! Ang ganda ng bahay nya. Kahit na medyo may nagbago, still maganda parin kasi makikita mo parin ang pagiging Old ng Bahay. Still, ayoko parin kasi walang wifi dito.

"Ijo ikaw na bayan? Ang laki laki mo na, anak ha" Sabi ni Lola and medyo shy type pa'ko.

Pumasok kami ni Daddy sa loob at may kumuha ulit ng atensyon ko. Bakit parang ngayon ko lang nakita 'tong malaking pinto? Anong meron dito? Because I got curious, I ask Lola.

"Lola, bakit ngayon ko lang po nakita 'tong pinto?" I said and nagulat ako sa sinabi nya.

"Nako apo, wag na wag mo bubuksan 'yan okay? Wag na wag kang papasok" she said and I am really shock so I ask her again.

"Why? Is there something wrong po ba dyan or what? Bakit di ako pwede pumasok?" I asked again and tinignan nya lang ako at umalis sya. Di naman matalim tingin sakin ni Lola but, bat ganun?

Habang nakatingin ako sa pinto, bigla akong niyaya ni Lola na kumain na kami Dad dahil yayayain nya ko magsibak ng kahoy after that. F...uck. I hate it! Ayoko mag-sibak ng kahoy! Ang tirik tirik ng araw!

Pagtapos ng pagtapos namin kumain, niyaya ako lumabas ni Lola at eto na nga ang sinasabi ko, magsisibak kami ng kahoy. Wala na kong magawa kundi sumunod, baka pagalitan pa'ko neto. Habang nagsisibak ako, bigla akong kinausap ni Lola.

"Basta ijo, wag kang pumasok sa pinto na'yon, naiintindihan mo ba?"

"Lola why i am not allowed to go there? Bat bawal ako pumasok? Parang normal lang naman yung pinto" I said. Gustong gusto ko talaga pumasok dun para malaman kung ano ba meron doon at bakit ayaw ako ni Lola papasukin dun.

"Pakinggan mo nalang ako. Higit ka sa lahat, hindi lang 'yon basta Basta normal." Sabi ni Lola and I was shocked when I heard it. Hindi daw basta basta normal? Bruh.

Kung nasa Manila lang sana ulit kami edi masaya, nakakapag ML ako, nakakapag-basketball ako, nakakalabas pa'ko ng bahay kung kelan ko gusto. Pero dito? Nakakulong lang ako. Ang hirap naman ng buhay dito.

Medyo dumidilim na kaya tinawag na'ko ni Lola para pumasok sa pinto at niyaya na kami kumain. Habang kumakain nag-uusap lang sila ni Daddy at ako naman iniisip kung ano bang meron sa pinto na 'yon. Kaya I decided na pumasok doon mamaya pag tulog na sila Lola.

Dahil tapos na kami kumain, sinabihan ko si Lola na ako na maghuhugas ng Plato, though di ko naman gawain yun dahil may Yaya kami. Well, kailangan ko gawin 'yon para malaman ko kung ano ba talaga meron dun sa pintuan at ng makapasok ako.

Dali-dali kong hinugasan ang pinagkainan namin nang mabuksan ko na ang Mahiwagang pinto na sinasabi ni Lola.

Yes! This is it pancit! Tapos na'ko! Hmm... Mukhang wala namang na katao-tao dito. It's a sign. Bubuksan ko na ang pinto!

Dali-dali akong pumunta sa malaking pinto pero, dahan-dahan lang para di ako narinig ni Lola. Delikado na baka mahuli ako. Chance ko na 'to para makita kung ano ba ang nasa loob nito.

And yes! Andito nako sa pinto, hindi na'ko nagdalawang isip na hawakan ito. At ayun na nga. Nahawakan ko na, ng biglang...

"Michael..."

F...uck... Nang biglang marinig ko ang boses ni Lola. Umikot ako sa kanya ng paonti-onti habang ang isa kong kamay ay nasa batok ko.

"U-uy, Lola! Bat pa po kaya gising?" Sabi ko na may patawa. Nauutal pa'ko.

"Ikaw? Bat ka pa gising? Hindi ba sinabi kong wag na wag nong susubukan buksan 'yang pinto?"

"Y-yes Lola, pero I really got curious po talaga kung ano meron dito at bakit bawal ako pumasok"  I said. Hindi na nagsalita si Lola. Pinapasok nya nalang ako sa kwarto ko at para makatulog.

Dahil di ko na-achieve ang gusto ko, pinili ko nalang matulog. Habang natutulog ako, may nakikita ako.

"May nakikita ulit ako"...

"Babae ulit?"...

"Maputi"...

"Mapupula ang pisngi at labi"...

"Bat ganun ang suot nya?"...

Volvamos Al PasadoWhere stories live. Discover now