kabanata 2

5 0 0
                                    


Kabanata 2

Celebration 

"Magtext kayo kapag andun na kayo."

"Okay mom." Sabi ko at sinara na ang pinto ng van.

Papunta na kami sa party ni Yumi,sinundo ako ng mga pinsan niya hindi siya ang sumundo dahil busy sila doon.pinasundo niya naman ako para sure daw na makakapunta ako.

Umupo ako sa gitnang upuan.napapagitnaan ako ng dalawang lalaki.isang maingay at isang tahimik.nagcellphone nalang ako at nakinig sa music.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.nagising nalang ako ng may kumalabit sa'kin.nagangat ako ng tingin ng makitang nakasandal ako sa maingay na lalaki agad akong umalis.nahihiyang nagayos ako ng buhok at tinanong kung malapit na kami.

Nang makababa agad kong binitbit ang mga gamit ko.hindi naman kabigatan ang gamit ko pero kinuha parin ng maingay.naiinis na'ko.

"Kaya ko." Mariin kong sabi dito.

"Sabi ni Yumi kahit plastik lang ang dala mo ipabuhat mo padin daw."

Padabog kong binigay sa kaniya 'yon at nagwalkout.sinundan ko 'yung kapatid nitong maingay. Nakita ko agad si Yumi sa isang table.tumayo ito at nakipag beso sa'kin.

"Taylor kala ko iindianin mo'ko eh."

"Pinasundo mo'ko pa'no kita iindianin?" Sabi ko dito.

"Oo nga pala." Ngiwi nito.

Pinalapag niya ang gamit ko sa isang k'warto.nagpalit lang ako ng one piece red swimsuit at nagshades. Medyo marami ang tao at wala naman akong masiyadong kilala dito. Lumabas ako at tinanaw ang dagat na asul.

Walang tao dito dahil lahat sila nasa loob ng yatch nagpaparty.kumuha lang ako ng isang baso ng wine.gabi na ngayon kaya ang ganda ng view.

"Hi." Napapikit ako ng marinig nanaman ang boses na maingay.

"What?"

"Angas mo ah gabing gabi nakashades ka." Sabi nito at tumabi sa'kin.

"Wala kang pakielam."

"Sungit mo naman,"

Hindi ko siya pinansin at tinanaw padin ang dagat.hinubad ko ang shades at inangat sa ulo.tinignan ko ang maingay na katabi ko.maputi siya hanggang tenga niya lang ako mapungay ang mga mata,mapulang labi at matangos na ilong.

" 'wag mo'kong titigan ng ganiyan baka isipin ko na love at first sight ka sa'kin." Biro nito.

"Tsh.feelingero," bulong ko pero narinig niya naman.

"Nakakahurt ka naman." Binunggo pa nito ang braso ko kaya napatingin ako dito.

Ang kulit naman.

"Btw im Aki,short for akilem," naglahad ito ng kamay sa'kin pero tinignan ko lang.

"Taylor."

"Alam ko."

"Alam mo naman pala nagtatanong kapa." Pagsusungit ko dito.

"Alam ko 'yung first name mo pero 'yung buong name hindi." Sabi nito at ngumiti ng sobrang laki.

"Ikaw ba?"

"Oy curious siya."

Tinarayan ko naman 'to.

"Akilem Felix Garcia." Sabi nito.

"Taylor Claire Sandoval."

"Ang ganda ng pangalan mo ah 'di bagay sa'yo." Sabi nito at umalis na.

Bwisit!

Mangaasar lang pala kala ko naman makikipag kaibigan. Hayst nang maubos ang wine nagrefill ulit ako.hindi parin sila tapos magparty.pumasok ako sa k'warto,dalawang double deck ang andito sana naman mabait kasama ko

Ako palang magisa dito dahil nagpaparty pa sila.nagpalit ako ng pajama at loose shirt.binun ko lang ang buhok ko at nagscroll sa IG.

"Oh Hi Claire."

Awtomatiko akong napalingon sa nagsalita mula sa pintuan.bwisit.

"Ikaw nanaman?!"

"Oh bakit? Si Yumi sisihin mo siya nagsabi na apat tayo dito sa k'warto eh.ayaw nga kitang kasama kaso pinilit niya ako." Pagkikibit balikat nito at nahiga sa tabi ng kama ko.

Umirap ako at padabog na humiga.

Biglang nagring naman ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hey mom." Sabi ko at napatingin sa kabilang kama,ginagaya niya 'yung pagsasalita ko.

[Ano hows the party?]

"Okay naman.maingay." sabi ko at gusto ko nang tadyakan ang mukha ng katabi ko.

Ginagaya niya 'yung expression ko.

"Malamang party nga eh magulat ka kung kasing tahimik ng sementeryo 'yan." Bulong ng katabi ko pero rinig ko naman.

[Sino 'yan lalaki?]

"Hindi,bakla siya mom." Pagdadahilan ko at agad naman napasibangot ang katabi ko.

"Bakla? Ako? Halikan kita diyan." Bulong pa nito.

Inirapan ko ito at nakipagkwentuhan kay mommy.ng maibaba ko na ang phone hinarap ko naman ito at pinagsabihan pero wala siyang pake.

Natulog nalang ako at nagising sa sigawan sa labas.wala na 'yung katabi ko ng makita ko,nagpapatay bukas naman ang ilaw nagsuot ako ng tsinelas at nakita ko naman sila na nagkakagulo. Agad hinanap ng mga mata ko si Yumi pero di ko siya mahagilap.

"Yumi!!!" Sigaw ko pero parang wala silang naririnig.

Naguguluhan ako kaya nanghatak ako ng bisita at tinanong ang nangyari.sinabi naman niya na malakas daw ang bagyo hindi daw makita ng kapitan ang tinatahak.

Napasabunot naman ako sa buhok ko at agad na umupo.bumubulong ako ng dasal.medyo gumegewang gewang nadin ang barko.kung saan saan nalang ako kumakapit.hindi ko na namalayan ang nangyayari.

"Claire!!!" Napatingin ako ng marinig ang boses ni Aki.

"Hello!!!" Sigaw ko pabalik dito.

"Maayos daw ng kapitan basta daw kumalma tayong lahat." Sigaw nito sa lahat pero parang walang narinig ang mga tao.

Naupo ako sa isang tabi at uminom ng tubig.nagflashback naman ang nangyari sakin nung bata ako.nawalan ng preno ang minamanehong kotse ni daddy.

Naaksidente ako noon ilang buwan ako sa hospital at ng magising ako hindi na'ko pinapansin ni daddy.

Biglang may malakas na alon ang humampas at umuga ang barkong sinasakyan namin.hindi ko na alam ang nangyari dahil nawalan na'ko ng malay.

Nagising nalang ako dahil sa pagkakasamid sa tubig.ang init ng buhangin sa likod ko,walang tao.

Napatingin ako sa paligid at nakita ang walang malay na katawan ni Aki.nataranta naman akong pumunta dito.sinampal sampal ko ang mukha niya.bukas na ang mga butones ng polong suot niya kaya nakakaasiwang tumingin.

"Aki!!"

Hindi parin siya nagigising.

No choice.

Hinawakan ko ang ang ilong nito at binuksan ang bibig.minouth to mouth ko siya at nakahinga ng maluwag ng bumuga ito ng tubig.

Naghabol ito ng hininga at ng makarecover sumilay nanaman ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.
Tinulak ko siya at tumayo.pinagpag ko ang soot ko at tumayo.

Tumingin ako sa paligid maganda ang isla pero walang tao.gubat pa ang likodan namin.buti nalang umaga makakahingi pa kami ng saklolo.

"May tao ba diyan?!!!!!" Sigaw ko kahit parang imposible.

Shit wag niyong sabihin na istuck ako dito kasama 'yang maingay na 'yan.


15 Days To Fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon