kabanata 3

10 1 0
                                    


Kabanata 3

Island

"Ang ingay mo naman!" Sigaw ni Aki na pa chill chill lang sa buhanginan.

"Kung nanghihingi ka ng saklolo edi sana nasa bahay na'ko ngayon!"

"Tsh." Singhal nito.

Kanina pa'ko naghahanap ng tao dito pero wala talaga.ano bang kasalanan ko at ang malas ko.nauuhaw na'ko,ayoko naman humingi sa isang 'to at badtrip na nga 'ko binabadtrip pa'ko lalo.

Umupo ako sa buhanginan at nilaro ang stick na kinuha ko kanina sa sanga ng puno. Napatingin ako ng may tumabi sa'kin.

"Badmood ka claire?"

"Mas mababadmood ako kapag hindi mo tinigilan ang pagtawag sa'kin ng Claire."

Sabi ko at natawa naman siya.

Kumuha ako ng mga tuyong dahon para may higaan ako mamaya alam ko naman na hindi agad dadating ang rescue.kung sakali man at ayoko naman na mahiga sa buhanginan mamaya.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ni Aki na nakatayo lang sa gilid ko.

"Wala ka na do'n."

"Ano 'yan higaan mo?"

Umirap ako dito at pinagpatuloy ang ginagawa.nilagay ko ito sa bandang gitna at nagsimula ng ayusin ang higaan pumunit ako ng konti sa damit ko at tinali sa mga kahoy.  

Nang matapos ang ginagawa umupo ako doon at humiga nakita ko naman si Aki na kumuha ng maraming kahoy at pinagtabi tabi 'yon staka siya humiga.nang makitang nakatingin ako sa kaniya kinindatan niya naman ako.umakto akong parang nasusuka.

"Hoy Claire!"

"What?!"

"Wala lang."

"Stupid."

"Ang cute mo mainis sarap mong ipakain sa mga pirana sa dagat."sabi niya habang ang nakapikit.

Magkatabi lang ang kama na ginawa namin.tumabi pala siya.gusto ko man iurong ang higaan ko pero masisira.

"Stop calling me Claire okay?"

"Okay claire."

Napapikit ako ng mariin at padabog na tumayo.naglakad lakad ako sa gilid ng dagat. I wonder bakit hindi siya tinatao maganda naman.pinupulot ko ang mga magagandang shell na nakikita ko at iniipon sa damit.

Bumalik ako sa pwesto ako nakitang wala do'n si Aki,baka kinain na ng lion.binilang kolang ang mga shell.pwede ko siyang idesign sa k'warto ko kapag nakauwi na'ko.

"Boom!"

Napatalon ako ng may naghagis ng baging sa higaan ko.nakita ko naman agad si Aki na tawang tawa sa kalokohan niya. Hinampas ko naman ang braso niya sa sobrang inis ko dito.

"Nakakabwisit ka 'no? Kung naghahanap ka na ng paraan para makaalis tayo dito sa lintik na islang 'to!" Sabi ko dito pero ngitian niya lang ako.

"Inaantok na'ko goodnight." Sabi nito at naginat na.

Natulog nalang din ako sa higaan ko.

"Hoy Claire hanap tayo ng pagkain nagugutom ako."

Nagising ako ng maramdaman may yumuyugyog sa'kin.napairap naman ako ng makitang si Aki na hawak ang tiyan.

"Nagugutom ako." Sabi nito at ngumiti.

"Anong gagawin ko?"

"Pakainin mo 'ko."

15 Days To Fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon