Kabanata 4Kiss
"Sigurado ka ba?" Tanong ko dito.
"Oo naman! Magtiwala kalang sakin sasaluhin kita." Sabi nito.
Nangunguha kasi kami ng mga sanga umapak ako sa balikat niya at inalalayan niya naman ako.
"Aray ko!!" Sigaw nito.
"Magtiis ka gusto mo 'yan."
"Ang bigat mo naman!!"
"Wala kang pake!"
Kumuha ako ng pito at bumaba na,hawak niya ang balikat niya at masama ang tingin sa'kin,inirapan ko naman siya at naglakad papuntang kaliwang bahagi.
"Sa'n ka pupunta?!" Sunod nito sakin.
"Maghahanap ng dahon!"
"Maghahanap lang ako ng kahoy!"
Tumango ako dito at naglakad may hawak akong stick kung sakali man na may mabangis na hayop dito.
Napalingon ako ng may kaluskos akong narinig."Aki?" Tawag ko pero wala parin sumasagot.
"Aki!!"
Naglakad pa'ko palayo pero wala parin.bumalik ako sa pwesto ko kanina at tinignan kung saan nga ba'ko sumuot sa kanan ba o sa kaliwa?
"Aki!!!" Sigaw ko pero wala parin.
Sa kanan ba o sa kaliwa? Shit taylor ang ulyanin mo naman.
Padilim na at ayokong maiwan dito sa gubat,di ko parin sigurado kung wala ngang mabangis na hayop dito.
"Claire!"
Napalingon ako ng may humatak sa kamay ko.tinignan ko si Aki na pawis na pawis.hinila niya ako papuntang kanan at nang makita ko na ang dagat parang gusto kong lunurin yung katabi ko.pasasalamat lang.
"Kala ko do'n na'ko matutulog." Sabi ko dito at inirapan naman ako nito.
Attitude.
" 'wag kana bumitaw ah!" Sigaw nito sakin habang hawak ang kanang kamay ko.
"Ano ako bata?!"
"Oo! Mamaya mawala ka nanaman!"
"Hello? Andito na tayo sa dagat."
"Wala akong pake mabuti ng sure."
Umirap nalang ako at nagpahila,nang makarating sa pwesto nilapag Ko na ang mga kahoy at nagsimula na siyang magpaliyab ng apoy.umupo ako malapit sa apoy at tumabi naman siya sa'kin.
"Seryoso ka talaga?"
Napatingin ako dito.
"Na alin nanaman?"
"Na may bf kana?"
"Eh ano ngayon sa'yo?"
"Ang bata mo tignan parang nasa 16?"
"Hoy 21 na'ko!"
"Weh?! Di nga?!"
"Oo!"
Tumingin lang ako sa bonfire. Ang ganda ng apoy,napatingin ako ng kalabitin ako ni Aki,nakanguso ito at parang gusto ko siyang ingudngod dito sa apoy.
"Ano?"
"Galit ka?"
"Hindi bakit ako magagalit?"
"Kase ang gwapo ko."
"Shut up."
Tumawa naman ito napatingin ako ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko niyugyog ko naman ang balikat ko para umalis siya pero makulit kaya hinayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
15 Days To Fall Inlove
Teen FictionTaylor Claire Sandoval is a party girl.she always wants to hangout with her friends.One day one of her friends decided to have a yacht party, she didnt want to come but her friends insist.they didnt know that their party will end up in a nightmare.T...