Ang aga ko nagising ngayon, mas nauna pa ako kaysa sa alarm ko. Pero tinatamad pa ako pumasok waaaa.
Tumayo ako pumunta sa labas at uminom ng tubig tas dumeretso na ako sa cr para maligo. After ko maligo nag palit na ako. I got ready and then ate bread for breakfast and went to school.
As usual sinalubong ako ni Mariah. Masayahing tao si Mariah, I trust her mostly kase yung mga babae dito sa school ayaw ako kausapin, yung iba daw nahihiya or sabi nila masungit daw ako. Buti nalang Mariah is with me. I'm nice naman kase hindi lang sa mga taong di ko gusto.
Nagpatungo na rin naman na kami sa room. Maaga pa kaya nakapag chika pa kami. Maraming baon si Mariah, puro chismis nga lang. Ang daldal din nitong babaeng 'to. Di napapagod bunganga niya sa kakasalita.
Saan ba yung bagong boy? Si Kendric, baka masyado pang maaga kaya wala pa siya. Teka self bakit mo ba siya iniisip. Hoy Sierra study first.
"Huy sierra! hellooo? Sierra Micaela!" Natauhan ako dahil sa pag sigaw ni Mariah. Kinakausap niya pala ako hehe.
"Oh bakit?""Kanina ka pa tulala diyan, ano ba yang iniisip mo?" Nabasa niya kaya yung mind ko? Alam ba niya na iniisip ko si Kendric? Teka nga self tama na nga yang Kendric na yan.
"Ah wala." Kinurot pa ako. Masakett huhu.
"Asuss ano yan ah? kilala kita wag ka nga mag sinungaling" Kulit naman nito sabing wala. "Wala, wag ka ng maingay nan diyan na si Sir."Nakinig nalang kami. 'Di ko napansin meron na pala si Kendric sa tabi ko.
"Good morning kaibigan!" I greeted him with a smile on my face. He looked at me for a second. "Morning." Amp 'yon lang sagot niya sa 'good morning' ko aish. Akala ko ba friends kami.
"Friends naman tayo diba?"
"Uhh.. I guess"
"Bakit ang sungit sungit mo?"
"Why do you care ba? Is this your business? no diba!" aba ang sungit nga.
"Fine! Sungit nalang tawag ko sayo" Tinignan niya lang ako. Attitude ka ghorl? Parang babae ano ba yan.
Pag tapos nung klase nakita ko yung panyo niya na naiwan niya sa bag ko. Inabot ko sa kanya "Mister sungit! naiwan mo panyo mo kahapon." Kinuha niya yun withouth saying anything at umalis na. Buti nga binalik ko pa eh. Parang may topak nung isang araw kung ano pinag sasabe niya, ngayon ang sungit sungit.
Nag bell na for lunch and sabi nung teacher namin na halfday lang kami today kase may meeting daw sila. Hayy finally hindi ako masyadong stress ngayon. Uuwi na sana ako kaso nakitak ko si sungit.
"Mister sungit! uuwi ka na?" he looked at me. Ang seryoso ng itsura niya.
"Sagutin mo naman ako oh. Mukha akong ewan dito."
"Why ba?" Finally nag salita na rin siya.
"Uwi ka na ba?"
"No" Saan kaya siya pupunta?
"Saan punta mo?
"Somewhere" Ikli ng sagot. Kulang nalang ishortcut niya.
"Bye, I'm going" Sundan ko kaya. Mukha ba akong stalker pag ganon? 'di naman diba? curious lang ako. So medyo lang hehe.
Saan ba punta nun, 'di naman sinabi.
Ano ba Kendric ang bilis mo mag lakad huhu napapagod na paa ko. Tumingin si Kendric sa likod niya. OMG nakita niya ba ako? Nakakahiya kapag oo. Stalker mo kase Sierra nakakahiya ka. Napansin ko wala na si Kendric. Halaa na saan ako? huhu saan ba kasi si Kendric alam ko dito siya lumiko eh. Kaliwa ba 'yon o kanan? Okay kalma Sierra.Maglalakad na sana ako. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. OMG huhu ayaw ko pa mamatay. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko hinga niya malapit sa leeg ko. Pagka lingon ko nakita ko si Kendric kaya napasigaw ako. "Waaaaaa!"
Kita sa mukha niya ang saya saya niya. Mas gwapo siya pag naka ngiti.
"Haha! your face is funny!" Sige tawa pa."Bakit mo ginawa 'yon?" Inis kong tanong sa kanya.
"Bakit mo ako sinundan?" Taena naman hindi tuloy ako makaimik. OMG nakakahiya ka Sierra Micaela. Ano bang pinag gagawa mo? huhu.
"A-ah kase ano.. kase.." nauutal ako eh kainis naman. Tawa lang siya ng tawa.
"'Yan kase you keep on following me." Ah ganon pala.
"Kase naman na curious lang ako. Ang mysterious mo kase." Gumawa nalang ako ng excuse. Maniwala sana siya.
"Ah curious ba talaga or maybe you like me no?" Ay ampota ang kapal mo rin no? Grabe ako mag kakagusto sa kanya tss.
"In your dreams! Wag ka nga ano diyan! Curious lang ako just curious!"
"Defensive ah but okay whatever." Silent lang kaming dalawa, ang awkward.
"Kumain ka na ng lunch?" I asked him. Mukhang hindi pa kase.
"No pa nga eh." Sabi na eh, parang babae kung sumagot hayy.
"Ay same pala tayo. May alam akong place na cheap pero masarap!" I smiled he looked at me with his beautiful eyes. "Napapadalas na yang pag titig mo sa akin ah." What?! ganon ba ako ka obvious?
"H-ha? 'di no." He smirked, pinipikon ako nito.
Tapos na rin kami kumain. Ang quiet niya kumain. Parang siyang anghel nung kumakain siya. Ang linis kumpara saken mukha akong baboy na gutom na gutom. Kapagod rin yung nilakad namin.
"So saan na punta mo?"
"Home na." O nga saan kaya siya nakatira?
"Saan ka nakatira? never pa kasi kita nakita dito eh." Mostly kilala na ako ng tao dito kaya nacurious ako about sa kanya.
"Well I'm taga Manila actually pero my parents made me continue my studies here cause of my bad attitude." Bad boy? ay sa mga libro ko lang nababasa mga yun hayy.
"So hanggang kailan ka mag stastay dito?"
"Hanggang maging maayos daw grades ko."
"Pumayag ka naman agad?" He sighed and looked at me.
"No, ayaw ko pumunta dito actually, but nalaman ko nandito yung girl na matagal ko nang gusto makita. Thats why pumayag ako." Wow may jowa pala 'to? Akala ko pa naman single. Hoy self harot mo ah. Aral tayo.
"Nahanap mo na siya?" He looks sad and disappointed. May mali ba akong nasabi?
"Not yet." aww. Tulungan ko kaya siya?
"How about I help you?" He looks schocked sa sinabi ko.
"Really?" Naka ngiti niyang tanong.
"Yes, of course. Anything for a friend."
He smiled at me and I smiled back."Thank you Sierra!"
"No worries. Well kailangan ko na umuwi. See you sa school." Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya yung kamay ko.
Mukhang nahihiya pa nga siya eh. "I enjoyed today, thank you f-friend."
YOU ARE READING
A Journey with You
Teen FictionKendric Myles Cruz who lives in a big city. He is conyo, he is kind of spoiled, handsome, charming and everyone likes him. Being the naughty boy he is his parents decided for him to continue his studies in the province. Sierra Micaela Reyes who live...