Chapter 6

10 1 0
                                        

Hindi ko napigilan sarili ko na umiyak. Alam ko na hindi ko siya ganon kakilala pero alam ko sa sarili ko na may tiwala ako sa kanya. Kaya pala sa una naming pagkikita ang komportable ko sa kanya. Ang gaan ng loob ko kapag nan diyan siya.

Ilang minuto akong umiyak sa balikat niya. Ang saya ko. Hindi ko inaasahan na makikilala ko siya. Noon palang tinatanong ko na sa sarili ko kung kailan ko ulit siya makikita, makakausap, at makakalaro pa. Araw araw akong umaasa na magpapakita siya at babalik sa akin.

"Tahan na." He softly whispered in my ear.

Ang laki ng pinagbago niya. Dati medyo chubby siya, ang cute parin ng smile hanggang ngayon. Maputi parin siya gaya ng dati. Medyo singkit rin pero maganda ang mga mata niya, ang mga dark brown eyes ni Kendric Myles ay 'di ko maiwasan titigan.

"I-i'm happy you're here again." I smiled at him.

Nag lapit ang mga mukha namin. Sa sobrang lapit bigla akong kinabahan. Wala pa akong nahalikan na lalake. Hindi ko alam pero mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Biglang tumama ang malambot niyang labi sa aking noo. Alam ko na sobrang pula ng pisngi ko ngayon. Nag blublush ako ackk.

Akala ko pa naman sa lips. Hanggang ngayon virgin parin lips ko.

Ng tumigil na akong umiyak nakatulog ako sa balikat niya. Amoy ko ang pabango niya. Ang manly. Jowain mo na ako jusko pinapahirapan mo ba ako? joke haha!

Nagising na lang ako. Wala ako sa bahay. Nilibot ng mata ko ang kwarto. Malaki nga, kulay grey ang pader at may kaunting ilaw galing sa bintana. Tinignan ko phone ko nakita ko umaga na. Hala! Paano 'to?

Ang naalala ko nakatulog ako sa balikat ni Kendric. Where am I? Napansin ko may picture frame sa tabi ko. Si Kendric 'yon. So nasa kwarto ako ni Kendric. Paano? I'm still confused.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kendric papasok.

"Oh you're awake na." Nag lakad siya palapit sa akin na may dalang pagkain.

"K-kailangan ko na umalis." Nagmamadali ako tumayo pero pinigilan niya ako.

"Don't worry I told tita na nag sleep over ka sa bahay nila Mariah." Hay buti nalang kung hindi lagot ako kay mama. Lalo na kay daddy huhu ayaw ko pa mapalayas sa amin.

"Eat first." Sabi niya.

Kumain nalang ako wala akong choice eh. Nakakahiya naman kung tangihan ko. Ang sarap pa naman nong nakahandang pag kain.

Hindi siya nag salita habang kumakain ako. Nakatingin lang siya sa akin.

"U-uhm may dumi ba sa mukha ko?" Tumawa lang siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na kapag malapit siya sa akin. Wait lang huhu 'di pa ako ready sa mga ganito. Wala pa akong experience ayaw ko naman maging awkward ang first ko. Tumigil ka nga Sierra para ka ng ewan sa harap ni Kendric.

"No, ang ganda mo lang talaga." Sus alam ko naman na maganda ako. Paulit ulit? Charot! For sure namumula pisngi ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi bigla bigla naman 'to.

"Bolero." Bulong ko sa sarili ko.

"Narinig ko 'yon." Sabi niya.

Tumawa kaming dalawa at pinagpatuloy ko nalang kumain. Hinintay niya ako matapos. 'Di niya inalis 'yong tingin niya sa akin. Ewan ko ba dito. Basta masarap 'yong pagkain.

"Thank you. Ang sarap ah, nabusog ako don." I said while smiling. Nag burp pa ako kaya siya natawa. Nakakahiya malakas pa naman burp ko.

"'Wag ka nga tumawa diyan, hindi nakakatawa." Naiinis kong sabi.

"Ang cute cute mo talaga Sierra." Habang pinipisil pisngi ko. Ngumiti ako ng patago.

"Paano ako nakapunta dito?" Tanong ko sa kanya. Baka may ginawa siya sa akin. Napansin ko na iba na rin damit ko. Hindi kaya? Nakita niya? I can't even.

A Journey with YouWhere stories live. Discover now