Chapter 5

11 1 0
                                    

Since sabado ngayon naisipan namin nila Mariah na gumala. Mamayang  2:00 pa naman kaya nakapagpahinga muna ako. Susunduin ako ni Kendric tsaka naman namin susunduin si Mariah. May kotse naman siya at para hindi sayang pera. Ganyan talaga pag may tropang mayaman, 'di ka masyado magastos.

Tinawag na ako ni mama para kumain ng tanghalian.

"Achie kain na."

"Umayen." (papunta na).

Wow ang daming pagkain ah. Ano kaya meron.

"Bakit ang dami pong pagkain na nakahanda? may birthday?"

"Kahit kailan talaga achie." Hindi ko naman talaga alam kung anong meron e.

"Hindi mo ba alam anak na 1st honor si Dichi mo?" Wow si Sianna? Ang alam ko tamad 'yan e. Joke haha! Pero ang alam ko si Nadine ang palaging top 1, palagi nalang 2nd si dichi. Madaya rin 'yong Nadine na 'yon.

"Wow congrats."

"Ako pa." Nakangiti niyang sinabi. Well I'm proud of her. She deserves it. Matagal na rin niyang gusto makuha 'yong spot na 'yon. Sana nga lang ipagpatuloy niya lang sayang naman kung sa susunod ay babalik ule siya sa 2nd.

Umupo na kaming lahat at katabi ko si Sianna kaharap ko naman si mama at nasa kaliwa ko naman si daddy.

"Nangopya ka?" bulong ko kay Sianna.

"Sira hindi 'no." Umirap pa siya. Edi wow sana all.

Tuloy lang kami sa pag kain. Biglang tumunog phone ko nakita ko 1:00 na pala kailangan ko na mag ready. Nakapag paalam na rin ako kay mama at pumayag naman siya basta kasama ko daw si Mariah. Si mama talaga kahit sixteen na ako protective pa rin siya sa akin.

Nakapagpili na ako ng outfit. Naka fitted crop top ako and mom jeans tas nag suot nalang ako ng heels ko. Hindi naman ganon kataas. Nag dala rin ako ng maliit na bag at  nag suot ako ng silver necklace at maliliit na hoop earings. Nag lagay ako ng kaunting make up para fresh ang itsura ko. To top it off nag pabango ako para naman I smell good.

Tumunog phone ko.

From: Mr. Sungit
I'm here na sa labas.

Nag madali na ako nag ayos at lumabas na rin ng kwarto. Nagulat ako na nandoon si Kendric akala ko sa labas siya mag hihintay.

Nakasuot siya ng white shirt at naka addidas black shorts, he paired it with a denim jacket and nike AF1. He looks good. I can smell his perfume.

"M-mama si-" Nagsalita agad si mama.

"Si Kendric." Nakangiti siya. Ang sama ng tingin sa akin ni daddy huhu. Baka isipin nila man liligaw ko. Ew no way!

"A-alis na po kami." Hinila ko palabas si Kendric at sinara 'yong pintuan.

"Hoy! Akala ko sa kotse ka maghihintay?"

"Ang slow mo gumalaw e, kaya nag knock ako tas pinapasok naman ako ng mom mo." Pucha ano nanaman kaya sinabi nito kay mama.

"Ano sinabi mo?"

"I told her that I'm your manliligaw." Lumaki mata ko don sa sinabi niya. Ang init ng mukha ko feel ko ang pula pula na. Bakit niya ba sinabi 'yon e 'di ko naman talaga siya manliligaw. Delikado ako kay daddy.

"Bakit mo naman sinabi 'yon?!"

"Biro lang ito naman. Bakit gusto mo magka totoo?" Natigilan ako at hinila nalang siya papunta sa kotse niya at baka magalit pa si Mariah dahil ang tagal namin.

"Kainis ka talaga!"

"Yeah right, your mom looks like she likes me for you nga e." Gusto ko ng tumalon sa bintana ng kotse niya. Hindi ako comfortable aish! Bakit ba ito usapan namin huhu. Hindi nalang ako nag salita.

A Journey with YouWhere stories live. Discover now