Chapter 1

49 3 0
                                    

"Jean!!!!" Umagang umaga, wait (is it still morning?) at heto, sumisigaw na naman si Nanay. Halos wala pa nga akong tulog dahil nagtatalon ako kagabi, Bagong Taon e. Nakikiuso. Kahit ayaw kong bumangon ay hindi talaga ako bumangon. Ganyan kasarap ang buhay.

"Jean!!! Tanghali na. Bumangon ka na!!!" Sigaw na naman ni Nanay. Magtataklob pa sana ako ng kumot para magkunwaring tulog pero dumating naman agad si Nanay, may hawak siyang sandok at suot suot pa rin niya yung daster nyang polka dots.

"Nay naman. Antok pa po ako. Alas kwatro na po ata tayo natulog e." Hindi pa rin ako bumabangon. Umupo si Nanay sa gilid ng kama ko at pinalo ako sa pwet.

"Ikaw talagang bata ka. Ang dami mong dahilan. Mag-a-alas tres na ng hapon, tulungan mo na lang akong maghanda ng meryenda sa labas." Tinulungan niya akong makabangon at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Gulung-gulo ang buhok ko, parang dinaanan ng malakas na hanging habagat. Pero sanay na ang mga kapatid ko sa akin. Naabutan ko sila sa salas, si tatay, ang kambal kong kapatid na sina Cindy at Candy, si Kuya Laurence at ang bestfriend kong si Ron. Oh, bakit nandito 'tong isang ito?!

"Ganda mo ah, parang may ibong namugad dyan sa ulo mo." Bati ni Ron. I gave him a deathly glare and he laughed hard that even my siblings joined him. Close siya sa pamilya ko. Kinder pa lang kami magkumare na ang Nanay ko at si Tita Maritess, yung mga tatay naman namin ay sa iisang department nagtatrabaho. Lagi kaming tampulan ng asaran dahil sa mga pangalan namin. Paano ba naman nung nagbubuntis sa akin si Nanay ay nakahiligan niya ang pagbabasa ng Harry Potter kaya ayun, Hermione Allyza Jean ang pangalan ko. At ito namang bestfriend ko, Ronald Carlo ang pangalan. Mala-Harry Potter daw ang dating. I never romantacize the connection between our names. Hindi kasi kami swak ni Ron, masyado siyang maingay at balahura samantalang ako naman e mas gustong magbasa at manahimik sa sulok. They always say na masyado ko naman daw panindigan ang pagiging Hermione ko. Mas trip ko yung mga lalaking nakasalamin, parang si Harry James Potter. Feeling ko marami akong matututunan kapag geeky ang boyfriend ko.

"Uso naman ang suklay, Jean." Kuya Laurence quipped and they all chorused in laughter again.

"Tigilan niyo ako, ha. Baka gawin ko kayong mga palaka!" Naiinis kong sabi sa kanila at ang mga loko, tinawanan na naman ako. I angrily sat on our sette beside my father. I just ignored their nonsense blurt-outs.

"Tigilan niyo na nga itong si Hermione, napipikon na si Bunso." My father smilingly reprimand them. He draped his arms around me and I couldn't help but smile dotingly at him. That's what I love him most, he knows how to save me from villains. Yes, villains to make it more evil.

"Heto na ang meryenda." My mother came from the kitchen holding a tray containing pepperoni pizza and two bottles of 2 liters Coca Cola. I stood up to get glasses and Ron followed.

"Hermione Granger." He spoke from behind and I turned to look at him with my brows knitted. Ang tatay ko lang, si Ron at ang mga kaklase ko ang tumawag sa akin ng Hermione, the rest ay Jean.

"Bakit Ron Weasley?" Ganyan kami kaOA minsan. Madalas, in reality. Nonstop ang palitan namin ng pangaalaska sa isa't isa. That's how we deal with each other.

"Sungit nito. Wala ka bang regalo sa akin? NagChristmas na. NagNew Year pa. Tapos ni singkong duling, wala kang ibibigay sa bestfriend mo? Grabe naman yang kakuriputan na yan." He sat on one of the chairs legs above the dining table.

"Hoy lalaking kamukha ni Voldemort! Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, ha?! Ikaw na nga ang umuubos ng pera ko kapapalibre mo tapos may gana ka pang humingi ng aguinaldo? Wow naman. Ang lakas naman ng dating mo." Sagot ko na lang sa nawawala niyang diwa.

"I know." He said combing his hair with his hand. I don't know what tied us as bestfriends, he's too full of himself and that's what I hate the most in every Adam's race.

I put the glasses in a tray and he brought it in the living room. Umupo kami ni Ron sa tabi ni Tatay. We shared our own escapades and all that ruled our house was laughter.

"Jean, malapit na ang 17th birthday mo. Anong naiisip mong plano?" My mother piped in.

"Oo nga, hija. Imbitahin mo na lang kaya ang mga kaybigan mo at magpa-party ka na lang dito sa bahay." My father suggested. Ayoko ng party, hindi naman kasi ako sociable na tao. Iilan nga lang ang kaybigan ko sa school e.

"Tay, gusto ko po sana ng simpleng family dinner na lang. Masyado pong magastos yun, tsaka wala naman po kasi akong masyadong kaibigan sa school." Sambit ko.

"Opo nga, Tay. Manang po yan sa school. Laging nasa library, nakikipagdate sa mga libro." Ron said and I almost hugged him to neck with a knife pointing on it. He calls our parents like they are also his biological parents. And I, too, do vice versa.

"Aba, Ate Jean, baka naman tumandang dalaga ka niyan." Cindy said sniggering. I rolled my eyes at her.

"Hindi naman ako mag-aasawa eh." Sabi ko na lang para tumigil siya.

"Bakit naman?" Uh-oh. Wrong move.

"Aanhin ko ang asawa o boyfriend, kung masasaktan lang ako. Andyan naman si Tatay." I sweetly remarked and my father instantly did his POGI sign.

"Paano naman si Harold?" Bwisit ka, Ron. Bwisit.

"Oh, sino naman yun?" Kuya Laurence excitedly asked, giving his pizza a big bite.

"Yung crush ni Jean." Ron smiled. A demonic smile, indeed. He looked at me like he won the biggest prize that was ever given in a lottery.

"Hoy, hindi ah. Nagpapaturo lang naman yung tao sa Math." I crossed my arms and put my head on my father's shoulder.

They all ooh-ed and I put my palms against my face. They are really mean. They keep on pushing me under the spotlight.

"Nakakainis kayo." Litanya ko at lalo silang nagtawanan. My face turned as hot as flame. Not with anger but with shame. Oh, well. I can feel my blood boiling towards Ron.

"Andiyan naman si Ron, eh." Candy suddenly blurted. Unknowingly, I felt my difficulty in breathing. I held it like I was riding in a roller coaster. Willing to throw up anytime he give an answer.

"Oo nga. Apir tayo, Sis." Cindy joined her.

"Haha, pwede. Para maging makatotohanan naman ang ending ng Harry Potter and the Deathly Hallows." Kuya Laurence happily told and everyone nodded except me and Ron.

Ron looked like he's not involve in the criticism. He's always that positive and calm. Dense! And I hate it. Parang wala lang sa kanya na ini-lilink siya sa akin. Hindi man lang siya affected.

"Nako. Bestfriend ko yan. Wala kaming talu-talo." He said smiling and before my mind can process, I already threw him a pillow 'cause I know, that's where my heartache began.

You're Under ArrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon