Prologue

16 2 0
                                    

" I'm still here hon " bulong ko habang naka upo sa paborito naming parke.

Ilang taon na din ang lumipas napaka ganda padin ng lugar na ito walang pinagbago.

"hoy louis tara na!!" sigaw ng isang batang babae habang tumatakbo

"Hintayin moko kate !! Napaka bilis mong tumakbo!" Tugon nito sa kalaro nyang babae na halos mahingal na sya sa pagtakbo mahabol lang ang batang babae

"Are you okay?" Agad akong napatingala ng may boritong boses akong narinig

Agad akong napangiti ng makita ko siya kahit siya ay walang pinagbago.

Napaka Gwapo padin at napaka kisig nya tignan.

" Ang weird mo kate, umayos ka nga!" inis na sabi nito at nag iba ng tingin napaka sungit naman nito

"bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko sa kanya at tumingin ulit sa kawalan .

Umupo lang siya sa tabi ko at hindi na sinagot ang tanong ko, malapit na din mag dilim kaya naisipan ko na umalis na magpapaalam na sana ako ng bigla siya mag salita.

"Ganun mo siya kamahal kaya kahit hanggang ngayon bumabalik ka dito no?" seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi agad ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa kanya.

" Siguro nga ganun mo siya ka-mahal" usal niya ng hindi ko pa din sinasagot ang tanong niya.

Kahit naman kailan ay hindi ko siya malilimutan kahit na anong mangyare siya at ang anak ko lang ang mamahalin ko habang buhay.

"Hoy gumising ka hindi ka pwede mamatay hoy aalagaan mo pa anak natin diba! makakasama pa kita ng matagal! magpapakasal pa tayo!!" Pag gigising ko sakanya inalog alog ko na sya pero hindi padin sya gumigising

"anak tama na wala na sya please makakasama yan sa bata please anak" Pagmamakaawa saakin ni mommy na kumalma

"Maam ginawa na po namin lahat pero hindi na po kaya ng katawan ni sir kaya kusa na po itong bumitaw, Time of death " sabi ng doktor hindi hindi!! hindi sya mamatay hindi pwede ikakasal pa kami bubuo pa kami ng pamilya hindi pwedeng ganito

"hindi--" huli kong linya bago ako mawalan ng malay

Sumubok naman akong magmahal muli, marami din naging willing na maging ama sa anak namin pero kahit anong gawin ko sya at sya padin at walang kahit na sino ang makakapantay nun.




Disclaimer: This is a work of fiction. Names,Character, businesses, Songs, Places, Events and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, Living or dead, or actual events is purely coincidental

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now