Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 4

Kate Pov.

"Hoy" Tawag ko sa kanya napatingin naman siya sa akin ng may ngiti sa labi.

"Salamat kanina magiingat ka tanga ka pa naman" sabi ko sa kanya bigla naman sumimangot yung mukha niya sa sinabi ko

"Hayop ka HAHAHAHAH sige sabay tayo bukas ba-bye!" Hihindi pa sana ako ng bigla siyang tumakbo kaya sinarado ko nalang yung gate at umakyat na sa taas para makapagpalit ng damit at makapag pahinga na nagpaalam muna ako kila mommy bago umakyat.

Maaga akong nagising dahil agad rin naman akong nakatulog kagabi dahil na rin siguro sa pagod ko, nag asikaso muna ako ng sarili ko bago bumaba at kumain.

"Manang una na po ako" Paalam ko kay manang maaga umalis sila mommy may gagawin pa daw kasi sila sa cebu kaya hindi ko na naabutan

"sige ija magiingat ka, nga pala ija si lui anjan na sa labas hinihintay ka" Sabi ni manang nagulat naman ako sa sabi niya kaya agad kong binuksan ung gate para malaman kung totoo nga

"Good morning kateee!" Bati sa akin ni Louis habang may malapad na ngiti sa labi.

"Ginagawa mo dito?" Sabi sa kanya at naglakad na sumunod naman sya sa akin.

"Sabi ko sayo kagabi sabay tayo eh" Sabi nya sa akin.

Oo nga pala sinabi niya pala yun, pero hindi naman ako pumayag na sabay kami ah.

"Oo nga pala Louis" Pagsasalita ko ulit

"It's Angelo wag mo nga ako tawaging Louis ang laswa kapag ikaw tumatawag ng second name ko eh" sabi niya sa akin nagiinarte pa ang hayop pasalamat nga to kinakausap ko siya eh

"Oo na angelo--" pagsasalita ko ulit kaso naputol ng umangal siya ulit.

"Gelo nalang masyado mahaba ang angelo" pagpuputol nanaman niya sa sasabihin ko sinamaan ko naman siya agad ng tingin ngumiti lang siya sa akin at bumalik ang tingin sa kalsada

Kaya tumingin na din ako sa dadaanan ko ng mapansin ko na hinihimas nya ung pwet niya napaka baboy naman nito!!

"Ano ba yang ginagawa mo ang baboy mo naman?" Bulong ko sa kanya napa tingin naman siya sa akin na nakangiwi.

" biglang sumaket yung pwet ko" Sagot niya habang nakanguso at patuloy na hinihimas yung pwet niya, tumigin tingin muna ako sa paligid kung may tao at buti nalang walang masyadong tao sa dinadaanan namin kung hindi iiwan ko talaga tong baboy na to

" Ano ba kasi ginawa mo at sumaket yan?" Tanong ko naman sa kanya

"Kasi kagabi nahulog ako sa hag---" sagot niya habang nakanguso pa din.

"HAHAHAHAAAHAHAHAHAHA" hindi ko na mapigilan at napatawa na ako napaka tanga nga HAHAHAHAHHA

"Baket ka tumatawa!!!" Sigaw niya sa akin pero hindi ko mapigilan at lalo pa ako natawa

"Kasalanan mo kaya to!!" dugtong niya pero hindi ko pa din mapigilan na matawa kaya kinalma ko muna sarili ko ng tignan ko siya nakatingin naman siya sa akin ng masama

"At pano ko naman naging kasalanan aber! Hindi naman kita kasama kagabi" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit

" Kasi nung iniwan moko sa room nun hinabol kita eh hindi ko namalayan may hagdan pa pala dun ayun" Sagot niya sa akin habang hawak ang pwet niya

"Sino ba kasi nagsabi na habulin mo ko tanga mo naman" Sabi ko sa kanya hindi naman siya sumagot at nag make face lang kaya niyaya ko siya na pumunta muna sa clinic kaso ayaw naman niya sabi niya mawawala naman daw un maya maya kaya dumiretso na kami sa room

Nang makarating kami sa room dahan dahan siyang naupo sa upuan niya kawawa naman to mukhang hindi lang pwet pati ata balakang masaket sa kanya

Dumating din naman agad si sir jorge at nagdiscuss agad nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang kalabitin ako si Louis

Napalingon naman agad ako sa kanya nakita ko na namumutla sya at nagpapawis agad ko naman hinipo ung noo nya

Shit sobrang init kaso kung magpapaalam ako kay sir ano ano nanaman sasabihin nito

"Wait mo nalang hanggang sa matapos si sir tapos pupunta tayo clinic" Bulong ko sa kanya at binigyan ng tubig para kahit papaano eh mahimasmasan siya tumango lang siya at kinuha ung tubig na binigay ko

Nang matapos si sir eh agad agad ko siyang ginising para makapunta kami sa clinic madami din nag tatanong kung ano nagyare sa kanya pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad habang nakaakbay siya sa akin

Pag dating namin sa clinic eh wala pa yung nurse kaya naisipin ko na ihiga muna na siya sa kama, pero dahil masaket nga yung pwetan niya eh padapa siyang nahiga

"Bibili lang ako ng makakain pag dumating yung nurse at wala pa ako magpacheck up kana okay" Sabi ko sa kanya tumango lang siya sa akin habang nakapikit ang mga mata niya

Nang makarating ako sa canteen agad ako pumila para makabili na ng makakain namin

Pipila na sana ako ng makita ko si trish na nakapila kaya lumapit na ako sakanya

"Trish" Tawag ko sa kanya nahampas naman niya ako ng malakas dahil sa gulat

"Jusko santa maria kate!!!" Pasigaw niya na sabi habang hinahampas hampas ako

"Grabe naman nito tinawag ka lang HAHAHAHAHH" sabi ko sa kanya habang tumatawa pa

"San kaba kasi galing ? Nung pumunta kami sa room niyo wala kayo!" Tanong niya sa akin kaya kinuwento ko na sa kanya

"Kawawa naman pala si louis ngayon" pagkomento niya sa kwento ko tumango lang ako at sabi ko hihintayin ko nalang siya malapit sa may pintuan

Nang makabili siya ay nagpasalamat muna ako at nagpaalam na babalik ako sa clinic kasi iniwan ko lang si Louis saglit pumayag naman siya at sinabi na susunod din sila dun maya-maya.

Nagmamadali naman ako na pumunta sa clinic baka mamaya ano na nangyare dun

"I'll call your parents and makakauwi kana then pag hindi pa nawala ang pamamaga nyan, pumunta kana sa hospital" Sabi ni ms. Chen ng makapasok ako sa clinic nakadapa padin si Louis habang may malamig na yelo sa pwetan niya

"Wala po yung parents ko, wala rin po akong kasama sa bahay dito nalang po muna ako ms chen" Sagot ni Louis kay ms. Chen kaya pasimple akong umubo para mapansin nila ako

"Kaibigan ka niya?" Tanong sa akin ni ms. Chen tumango naman ako at tuluyan ng pumasok sa loob

"Maya-maya pwede mo na siya iuwi para makapag pahinga naman na siya" Sabi ni ms sa akin kaya nag opo nalang ako sabi pa ni ms na pakainin muna siya bago kami umalis.

"Oh bat nakaupo kana? okay kana ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya

"Oo naman binigyan pala ako ng gamot ni ms chen kanina kaso sabi niya kumain daw muna ako, ang sexy ni ms chen no?" Sagot niya sa akin ng malapad ang ngiti kahit nakangiti siya eh makikita mo pa din na may dinadamdam siya, manyak nga lang hays.

Inabot ko naman sa kanya yung pagkain na pinabili ko kay trish kinuha naman niya yun at nagpasalamat

Tinanong nya din ako kung kumain na ba ako kaya sinabi ko nalang na habang naglalakad ako eh may kinakain na ako na tinapay naniwala naman siya kaya kinain niya na din yung binigay ko at uminom na ng gamot para sa lagnat nya

"Tinawagan ko na pala si manong ester para sunduin tayo dito" Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya medyo umayos na din kahit papano ung mukha niya

"Paano yung klase natin?" Tanong niya sa akin na medyo namamaos pa

"Gumawa na ng excuse si ms. Chen at pumayag naman ung mga prof natin" Sagot ko sa tanong niya napatango naman naman siya.

"Nakakahiya bago ko palang dito tapos nag absent agad" Usal niya habang nakanguso nanaman napaka isip bata nito

Maya maya pa ay inaya ko na siya na lumabas ng clinic since malapit na daw si manong ester

"Kaya mo lumakad?" Tanong ko sa kanya nagsign siya na medyo kaya inalalayan ko nalang siya hanggang makarating kami sa gate nakita naman agad namin si manong ester kaya naalalayan ng maayos si Louis.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now