Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

"Good evening Ma'am kate" bati sa akin ni yaya mel ng makauwi ako sa bahay

"Goodeve din nay mel, Ano po ulam?" Tanong ko dito at dumiretso sa kusina agad naman niya akong pinaghanda ng makakain at nagpaalam saglit dahil kukunin niya mga sinampay niya sa labas dahil gabi na

Wala lagi sila mommy dito in short ako lang lagi magisa kumain minsan sinasamahan naman ako nila nanay mel kaso madalas madami sila ginagawa.

Nang Matapos ako sa pagkain ay nilagay ko na ito sa lababo at umakyat na sa taas para makapaglinis na at mag aral naalala ko may quiz pala bukas.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng pag aaral ng mag ring ang phone ko.

"oh" Sagot ko si alex tumawag ano nanaman kaya chismis nito

"Pwede jan natulog?"

"baket? Ayoko nga HAHAHAHAHHA" Pabiro kong sagot sakanya

"Dali na kasama ko si trish" Sagot nya saakin mukhang nagmamadali pa namiss siguro ako nito

"oo na oo na wait ko kayo" Sagot ko at pinatay ang tawag nya

Maya maya ay may kumatok sa pintuan at bumakas to sila alex at trish bat parang ang bilis naman ata nila.

"Ang bilis ah" Sabi ko pag kapasok nila sa kwarto

Umupo naman agad si alex sa kama habang naupo si trish sa carpet at nilaro ang alaga kong pusa

"Syempre kami paba?" Sagot ni trish habang nilalaro si katy

"Ginagawa nyo ba dito? ayaw nyo ba matulog sainyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa at tumalikod para ayusin ang mga gamit ko

" Ayaw ko wala ako kasama umalis sila mama ganun din mga magulang ni alex kaya naisipan namin na dito nalang muna" Sagot ni trisha habang nilalaro pa din si katy tumango lang ako bilang pag tugon

Well ganyan naman talaga mga magulang namin mas swerte nga lang sila dahil kahit papano eh nakakasama pa nila ung magulang nila

"By the way ung kasama ni sean? Hindi ba kaklase mo sya?" Tanong sa akin ni alex

"bakit? crush mo?" balik tanong ko sa kanya at naupo sa sofa kaharap nila

" Nahhh naisip ko lang na kanina kasi dinadaldal ka niya pero di mo manlang sya pinapansin" Sagot nito at tumabi kay trish para laruin si katy

"Wag ka maniwala jan baka crush nya talaga un" sabi ni trish bigla naman syang hinampas ni trish kaya nagtawanan kami

Kung may gusto nga sya dun bakit? Eh bakit ko rin naman tinatanong kung bakit? Ano naman kung magkagusto siya sa lalaki na un.

Nag asaran pa kami ng matagal hanggang sa makaramdam na kami ng antok kaya natulog na kami

Pag gising ko wala na ung dalawa siguro umuwi na para mag ayos dahil may pasok pa mamaya.

Agad akong bumangon at naligo na para hindi ako malate

"Goodmorning Iha kumain kana para hindi ka mahuli sa klase mo" sabi ni nanay mel at hinatid na ako papunta sa kusina para kumain

"Nay mel alis na po ako" Paalam ko kay nanay mel at umalis na ng bahay hindi ko namn ma kailangan pa sumakay dahil malapit lang namn ang school sa village namin, pag labas pa lang ng village eh school na namin.

At since maaga aga pa naman ay naisipan ko na maglakad muna

"Hoy!" Sigaw ng nasa gilid ko agad akong napalingon dahil sa gulat ko at kung mamalasin ka nga naman ung madaldal ko pala na katabi ang unang una kong makikita.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin habang siya ay nasa sasakyan at mabagal ang usad

"Bakit naglalakad ka? Ay manong lalakad na din ako" Usal nya at bumaba ng sasakyan jusko makakasama ko nanaman sya

"Bakit ka nga pala naglalakad?" Tanong nya nanaman saakin

"Pake mo ba?" Pagsusungit ko sa kanya napangiwi naman sya sa sagot ko

"Ano bayan ang sungit mo naman" Usal niya napatingin ako sa kanya saglit at bumalik ang tingin sa kalsada baka madapa pa ako dahil sa kanya.

"Sabay tayo ah" sabi niya sa akin habang tinusok tusok ang braso ko

"oo na oo na lumayo ka nga!" Pagtutulak ko sa kanya ngumuso naman sya na parang bata yuck ang panget!

Nang makarating kami sa school ay agad kami dumiretso sa room dahil kasi sa kadaldalan ng lalaki na to muntik na kami hindi makarating ng maaga napaka bagal pa maglakad.

"Pagod na ako" Sabi niya sabay pasalampak umupo sa upuan nya

Naupo na din ako sa upuan ko at nagbasa basa nalang muna maya maya darating na din naman yung prof namin.

Hindi na din nagsalita si Louis dahil na din siguro sa pagod niya sabay sabay pa kasi siyang nalalaman at dahil maawain ako eh inabutan ko na sya ng maiinom tinaggap naman nya ito at nagpasalamat

Maya maya ay dumating na din si sir at inumpisahan na ang quiz namin

"Let's check this tomorrow, Pass your papers" Usal ni sir malapit na din ang break time agad namn namin pinasa kay sir ang mga papel namin

"Dun ulit kayo kakain?" Tanong ni Louis sa akin tumango lang ako bilang sagot

"sama" Sabi niya at nagligpit na din ng gamit niya

"Ayaw" Sagot ko at nauna na umalis pupuntahan ko nalang sila alex at trish

" Ang aga mo naman" Sabi ni trish ng makalabas sya ng room nila hahanapin ko pa sana si alex pero sinabi na niya na nauna na siya dun nagutom na daw kasi siya

Kaya sumunod na din kami pag pasok namin eh madami na agad mga tao kaya hinanap muna namin si alex

Agad naman namin syang nakita Kasama pala nito si sean pati ang madaldal na katabi ko kasama din nila

"Sabi sayo sasama ako eh"Sabi nya ng makalapit kami sa kanila agad naman naupo si trisha sa tabi ni alex so ending sa tabi ako mg madaldal na to tumabi

"close na kayo?" Tanong ni sean umiling lang ako habang siya naman tumango

"HAHAHAHHA ang gulo nyo ah" Tawa niya sa amin

" Eh kayo? kayo na ba ni alex?" sabi ko habang nakangisi sa kanya namula naman ung pisnge ni alex sa sinabi ki habang siya eh natawa habang umiiling napa "ohh" nalang ako

" Bibili nalang ako ng pagkain natin" sabi ni trisha habang tumatawa tawa pa

"Feeling ko din" Bulong sa akin ni Louis magulat naman ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti lang sya at lumayo sa akin

"Nababaliw kana ba?" Tanong ko sa kanya napatingin namn sa amin ung dalawa nagkabit balikat lang siya at tumawa nababaliw na sya

Medyo mabilis ang oras ngayon at maguuwian nanaman

"Hoy sabay tayo" Sabi ni Louis agad naman ako lumabas ng room para mauna na sa kanya ayaw ko siya makasama takte

Habang naglalakad ako pauwi eh hindi ako mapakali para kasing may nakasunod saakin

Bakit kasi hindi pa ako sumakay kanina may pera naman ako nakakainis talaga binilisan ko nalang paglalakad ko para makarating agad ako sa village namin pero kung mamalasin ka nga namn may mga lasing ka pa na makakasalubong

"Uy hi miss" Sabi ng lalaki na pagewang gewang pa na naglalakad

Napaatras naman ako dahil palapit sila ng palapit saakin

"Wag ka naman lumayo miss gusto lang namin makipag kaibigan" sabi ng isa nyang kasama

Ang kapal ng mukha anong kaibigan mga baliw to! atras ako ng atras habang sa hawakan ako sa kamay ng isang lasing bakit kasi hindi pa ako tumakbo jusko ayaw ko pa po mamatay!!!

Napatili ako ng hilain niya ako palapit sa kanya pero bago nya pa ako mahila ng tulutan ay may sumapak na sa kanya ng tignan ko kung sino ung lalaki na sumapak sa kanya

"louis--" huli kong sabi bago ako mawalan ng malay sa sobrang kaba.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now