Chapter 1

10 2 0
                                    

Chapter 1

" Hey hi?" Agad ako napa tingin ng may lalaki bigla nalang mag salita sa harap ko.

weird bakit ba ako kinakausap nito, Tinitigan ko lang sya at di nagsalita para san pa ang laway ko diba tsk

"Ahm pwede makiupo? wala na kasi bakante eh" usal nya napatingin namn ako sa upuan na nasa tabi ko agad ko nilagay ng bag ko at umiling hudyat na ayaw ko na umupo sya sa tabi ko.

"Ganun ba? eh sa kabila?" tingin naman nya sa kabila kong gilid

Shit di ko namalayan na bakante rin pala to kaya umusog nalang ako sa dulo at hinarang ang bag ko sa pagitan namin

"Thanks! by the way I'm Louis ikaw?" tanong nya ng makaupo sya sa upuan, nilahad nya pa ang kamay nya

Nagsasanitazer kaya to? shemay tatanggapin ko ba tong kamay nya?

"Good morning everyone" bati ng teacher namin napatayo naman kaming lahat at binati sya at nagsimula na mag discuss

"Okay class Mag review kayo para bukas may quiz tayo, Naintindihan nyo ba?" tanong ni Professor Jorge

nagsisagutan namn kami ng "Yes sir" at nagpalaam na si sir.

"Ahm pwede mag tanong" biglang salita ng nasa tabi ko di ko sya pinansin at tinuloy ko ang pagsusulat ng note ko

"Kasi ganito un pag bago ka ba talaga dito di na kailangan magpakilala?" usal nya padin still hindi ko pa din sya pinansin napaka daldal talaga

Tinuloy ko ang pagsusulat ko ng notes at hindi sya pinansin buti naman at nanahimik na sya mukhang naisip nya na wala siyang makukuha na sagot galing sa akin.

Nang matapos ako ay agad kong niligpit lahat ng gamit ko alam ko maya maya ay darating na sila alex at trish para mag-recess kami

Mas nauuna ako magrecess sa kanila lagi kasi overtime ung professor nila pero kahit ganun hinihintay ko pa din, sila lang naman kaibigan ko dito eh.

"Diba Break time na? Hindi ka ba ka-kain?" Pag sasalita na naman nya naiinis na ako sa kanya napaka daldal nya

"Pipi ka ba?" tanong nya ulit sa akin kaya tinignan ko na sya, seriously huminga ako ng malalim bago ako magsalita pero bago ako magsalita..

"Hoy Babae tara na?!" sigaw ni alex mula sa pintuan ng room namin parehas kaming nagulat ni Louis sa sigaw nya kaya sabay kami napatingin

"Sino yan?" Turo nya kay Louis nagulat naman si louis sa biglang pagturo sa kanya.

"Boyfriend mo yan nooo!!" sigaw na naman nya bigla naman similip si trish para tignan kung sino ung tinuro ni alex

Agad akong lumabas ng room at hinila silang dalawa jusko naman nakakahiya un.

"Hoy sino un?" Tanong ulit ni alex habang naglalakad kami papunta sa canteen

"Bagong classmate namin" sagot ko sa kanya para tumigil na kakatanong sa akin at nagpatuloy sa paglalakad napa "Ahh" naman silang dalawa

Agad kaming nakaupo ng makapasok kami sa canteen bakit parang wala naman ganun kumakain ngayon?

Dun kami sa dulo umupo para pag dumami na ung mga tao eh hindi ganun kaingay syempre chismisan nanaman to.

"Ako na bibili ng pagkain natin, Ganun padin namn dba?" Pagpipirsinta ni alex parehas kami tumango at umalis na sya

"So ano meron dun kanina sa room nyo?" Pagbubukas nanaman ng topic ni trish about dun kay Louis.

"Wala un bago lang daw kasi sya nagtatanong lang" Sagot ko habang nilalaro ung tissue sa lamesa, napataas naman sya ng kilay

"Hindi ka nanaman naniniwala no?" Tanong ko sa kanya tumango namn sya bilang sagot at napatingin sa likod ko

"Hi trish"  Napalingon naman ako sa boses na narinig ko agad din ako mapatingin pabalik kay trisha na parang nagtatanong na gets namn nya kaya nagsalita pero bago sya makapagsalita eh may nag salita nanaman.

"Uy Hi sayo" kilala ko kung kaninong boses to ng hindi pa ako lumingon ay tinusok tusok nya likod ko sabi na nga ba!!

Nang makalingon ako ay tumigil sya sa pag sundot sa likod ko at kumaway ang weird nya para syang bata

"Magkakilala din kayo?" Tanong ng isang lalaki, malamang kakausapin ba ako ng kasama nito kung hindi, medyo tanga tanga ah.

" Ah hello sean bat andito kayo?" Tanong ni trish napa hampas nalang ako sa noo sa tanong nya malamang naman canteen to eh

" Ahh syempre kakain kami pwede maki upo? wala na kasi maupuan napuno na " Saad nanaman ni sean hindi sana ako kaso bigla naman tumango si trish

Kaya lumipat nalang ako sa tabi nya at dun sila naupo sa iniiupuan ko kanina bwiset sa harap ko pa talaga sya!

" Si Alex nga pala?" tanong nanaman nung sean, Madaldal din ang isang ito ah

" bumibili pa ng pagkain namin, Kayo hindi ba kayo bibili?" Tanong din ni trish umiling lang ung sean at pinakita ung pagkain nya

Nagusap lang sila hanggang sa dumating si alex at nagsikain na kami, hindj ko nalang pinapansin pinaguusapan nila

Magkakaklase din pala sila kaya ng matapos kumain ay agad din kami umakyat may isa pang subject bago kami umuwi

nagsabay sabay na silang tatlo habang kami nitong madaldal na to eh nagsabay na din since same naman daw ng room

"Seryoso bakit kaya di ka nagsasalita?" usal nanaman nya kanina nya pa tinatanong yan nung nasa canteen pa kami

Pero Hanggang ngayon hindi ko padin sya sinasagot sa tanong nya at patuloy lang naglakad papuntang room

Nangmakapasok kami nagtinginan mga kaklase ko pero pinabayaan ko nalang un at nagpaputuloy nalang sa paglalakad papuntang upuan ko

Ganun din ginawa nya patuloy lang sa paglalakad habang nagiisip na parang tanga at naupo

"Hindi ko talaga maintindihan bakit di ka nagsasalita" Usal nanaman nya hindi pa din ba magets ng lalaki na to na ayaw ko sya kausap

"Alam mo!" Pag sasalita ko at humarap sa kanya na parang galit pero bigla nawala ung galet ko ng makita ko ung mukha nya

" HAHAHAHAHAHAHHAABAHHA putek anong mukha yan!" Tawa ko sa kanya habang tinuturo ang mukha nya gulat na gulat ito at naka nganga pa parang akala mo ngayon lang nakarinig ng boses bwiset!

"Wow nagsasalita ka pala? Akala ko talaga pipi ka" Sabi nya na parang manghang mangha sa nadinig nya kumunot naman ang noo ko

Magtatanong pa sana ako sa kanya pero biglang dumating ang last prof namin kaya di ko na natanong

Nang matapos si sir agad itong lumabas dahil na din siguro nagovertime nanaman sya

"Hey bye ahm Kate?" Usal ni Louis habang kumakaway tumingin lang ako sa kanya saglit at nagligpit na din ng Gamit ko para makauwi.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now