Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3

Louis Pov.

Gusto lang naman sumabay sa kanya napasungit kung hindi ko lang bestfriend to eh Bakit kaya di niya ako maalala napaka naman ng babae na to hindi naman masungit to dati eh

" Aray naman!!!" Sigaw ko ng mahulog ako sa hagdan kakaisip ko to eh agad naman ako mapatayo ng makita ko na palabas na si kate

shit napaka sakit ng pwet ko hinihimas himas ko ung pwet ko habang hinahabol siya parang timang nga lang siya kasi patingin tingin siya kung saan saan, abnormal na ata tong kaibigan ko HHAHAHAHA

Saglet mukha na akong baliw na tumatawa mag-isa, may ilan ring napatingin sa akin nakakahiya!!

Medyo binilisan ko nalang paglalakad ko para hindi na nila ako tignan nakakahiya talaga, naalala ko dati napaka bilis nyan tumakbo ngayon naman napaka bilis niya lumakad ang sakit sakit pa ng pwet ko easyhan mo kate!!

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko na napaatras siya napatingin naman ako sa harap nya may mga lalaki na lasing ba to? pagewang gewang naman ang mga ito habang palapit kay kate habang siya eh paatras ng paatras

"Uy hi miss" Sabi ng lalaki na pagewang gewang pa na naglalakad

Napaatras nanaman si kate ng magsalita ung lalaki

"Wag ka naman lumayo miss gusto lang namin makipag kaibigan" sabi ng isa niyang kasama

Akala ko tatakbo siya pero hindi agad siyang hinawakan ng lalaki sa kamay niya at hihilain na sana ng sapakin ko ung manyak na lalaki na humawak sa kamay ni kate

"louis--" huli nyang sabi bago sya mawalan ng malay agad din may dumating na mga Guard bakit ngayon lang ang mga ito!!

Sinabi ko sa kanila ang nangyare at binuhat ko si kate papunta sa kanila shit napaka sakit pa naman ng pwet ko tapos napaka bigat pa nito dati naman hindi to ganto kabigat eh!

"Manang! Manang!!!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila sinipa sipa ko pa ung gate nila para marinig ako, ngayon hindi nalang pwet ang masaket sa aken pati na rin mga paa ko maya maya ay lumabas na si manang mel

"jusko lui anong nangyare kay kate!" nagaalalang tanong ni manang habang binubuksan ung gate

"kukwento ko mamaya manang papasukin mo muna ako ang bigat niya manang" Pabiro kong sabi para kahit papano ay hindi siya mataranta

Pag pasok namin nakita ko si tito kris na nakatingin sa akin ng makita niya na buhat ko si kate ay lumapit siya sa akin at kinuha si kate at hiniga niya ito sa sofa

"Anong nangyare sa kanya Louis?" Tanong sa akin ni tito kris

kwinento ko naman sa kanila lahat hanggang sa nahimatay si kate, ikukwento ko pa sana kung gaano kasakit ung pwetan ko dahil sa pag buhat sa kanya kaso huwag na baka masipa ako ni tito kris HAHAHAHAHA

"Jusko kawawa naman ang anak ko" Sabi ni tita habang hinihimas ang buhok ni kate

" Ayaw kasi ako isama tita napaka sungit pa" Sabi ko habang nakanguso natawa naman si tita sa akin

" Ang laki kasi ng pinagbago mo ijo kaya siguro ay hindi ka niya nakilala" Sabi sa akin ni tita napangiti naman ako

well totoo naman madami na din nagsabi na malaki pinagbago ko simula ng umuwi kami sa states at bumalik dito sa pinas

"Ijo dito kana kumain maya maya eh magigising na din to alam mo naman mabilis magpanic to" sabi ni tita at inayos muna si kate at pumasok ng kusina para siguro magayos na, habang si tito naman ay may kausap sa cellphone niya, nireport na ata yung nangyare kay kate.

"Ang panget mo padin kate HAHAHAHHA" sabi ko sa kanya habang sinusundot sundot ang ilong nya gumalaw naman sya ng kaunti

"Ang panget mo kate" sabi ko kay kate habang tinutusok tusok ang ilong nya hinampas naman nya ako sa kamay at umalis sa harap ko

"hoy" sundot ko sa likod nya hala nagtampo na ata sya

"Wag mo nga ako sinusundot nakakainis" harap nya sa akin na maiyak iyak na

"Joke lang naman sinabi ko eh maganda ka kaya" sabi ko sa kanya para di siya umiiyak niyakap ko pa para tumahan na siya niyakap naman niya ako pabalik

"maganda ako dba?" tanong niya sa akin habang nakanguso tumango naman ako napangiti naman sya

"tulala ka jan" Nagulat ako ng biglang magsalita sa kate sa gilid ko nakaupo na siya habang naka kunot noo

"Wala okay kana ba?" Tanong ko sa kanya at naupo sa tabi niya himala di siya umusog o nagsungit

"Oo salamat kanina akala ko mamamatay na ako nun" Sabi niya habang nakangiti ewan ang ganda niya tignan pag nakangiti pero pag nakasimangot para siyang dragon

"Tinitingin tingin mo jan?" Pagsusungit nanaman yan umiling lang ako bilang sagot ng tawagin kami ni tita para kumain ng medyo nakakahiya kasi syempre tagal ko na din sila hindi nakasama diba may hiya naman ako kahit papano, ano tingin niyo sa akin makapal mukha

"Salamat nga pala sa pag ligtas mo kay kate gelo" Sabi ni tito kris ngumiti lang ako sa kanya bilang pag tugon ko

"Gelo? Hindi ba louis ang pangalan mo?" Nalilitong tanong ni kate saakin

" ija si gelo ung kababata mo, Hindi mo ba sya naalala?" Tanong naman ni tita sa kanya umiling lang sya

"Ganun talaga kate pag gumagwapo na wala eh" Pag bibiro ko sa kanya lumukot naman ung mukha niya at umarte na nandidiri natawa naman sila tita sa inasal ni kate hayop to totoo naman na gumagwapo na ako no!

Nang matapos kami kumain eh nagpaalam na ako medyo malayo ung bahay namin sa kanila mga dalawang bahay bago sa amin HAHAHAHHAHA

"Tita una na po ako hehe salamat sa hapunan ang sarap ng luto ni manang walang pinag bago hehe" Sabi ko at tumayo na

" Kate ihatid mo na si gelo sa gate" sabi ni tita bago ngumiti sa akin tumayo naman na si kate at nauna kaya sunundan ko na siya kumaway muna ako kila tita bilang paalam

"Hoy" Tawag niya sa akin ng makalabas ako ng gate

"salamat kanina magiingat ka tanga ka pa naman" sabi niya sa akin ung ngiti ko napalitan ng simangot kahit kelan talaga

"Hayop ka HAHAHAHAH sige sabay tayo bukas ba-bye!" sabi ko at tumakbo papunta sa bahay na rinig ko na sinara na niya ung pinto tinignan ko muna kung nakapasok na siya ng makita ko na nakapasok na siya dun lang ako naglakad pauwi ng bahay

Pag pasok ko dumeretso na ako sa kwarto wala naman sila mama dito bumalik sila kahapon sa states may aasikasuhin pa sila kaya magisa nanaman ako dito wala naman kaming mga katulong para saan pa eh dito naman na ako buti nalang nga at inaya ako nila tita na sa kanila na kumain atleast nakakain ako ng lutong bahay HAHAHHAHA.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now