He hurt me. Ang sakit sakit. Akala ko kami na, akala ko ako na. Akala ko ako lang. Akala lang pala kasi hindi. May iba pa.
3 months ago. Linoloko niya na pala ako. Nabuko ko siya sa mismong Anniversary namin. Sakit kasi 1 year na kami eh. Di ko akalaing, di pala totoo lahat. Open pa kami, mapaparents man namin, pero bakit niya ginawa 'to sakin? Nakakag*go lang.
Andito na naman ako. Sa tambayan namin dati. Diko nga din alam bakit ako narito. Nakita ko siya, pinagmamasdan na naman niya ako. Humihingi siya ng chance pa. Pero ayaw ko muna. Ayaw ko. Masakit masyado yung ginawa niya.
Yung pambababae niya? Kami kami lang nakakaalam. Di alam ng mga parents namin kung bakit kami nagbreak, ang sinabi namin, nagkakamalabuan na.
Gusto kong ipakita sa kanya na masaya na ako. Na okay nako. Ayaw kong maging weak. Pero kung minamalas ka nga naman, sa pagkaganda ganda kong tawa na halos nagtatalon pa, eh nadapa ako. Nadapa ako. At nakita niya. Nakita kong lalapit pa sana siya pero biglang lumapit ang bestfriend ko, sinundan pala niya ako dito. Pero nung nakalapit na siya, bigla na naman naging traydor ang mga luha ko. Tumulo na naman sila hanggang sa napahagulgol na naman ako. Bumalik na naman lahat ng sakit.
Umalis na siya. Oo, siguro sawa na rin siyang makita akong umiiyak. Pero siya ang may kasalanan nito. Pero seryoso, diko pa nakukuha ang side niya. Pero bakit pa diba? Huling huli na siya/sila sa akto.
Kailan ba 'ko makakamove on?
BINABASA MO ANG
Second Chance?
Fiksi RemajaCan I have a Second Chance? It is really hard to earn her trust for the second time around. But who cares if it's hard? If it's painful? It doesn't matter how hard and painful it is because I love her. I do love her.