Second

21 1 0
                                    

Pinagmamasdan ko lang ang napakagandang view na 'to. Saya saya na niya ngayon. Ngumingiti na kahit nasaktan ko siya noon.

It's been 3 months. Naniniwala talaga sila sa 3 Months Rule na yan. At tama nga, mas nauuna ang mga babaeng makapagmove on. Tapos ako? Ngayon pa lang. Pero ayaw ko, umaasa pa rin ako na magkaroon ng Second Chance. Kahit masakit, maghihintay ako.

Sa nakakatawang eksena nga naman. Nadapa siya. 

Oo, nadapa siya. Hanggang ngayon ang lampa lampa pa rin niya. Tsaka iyakin. Oh, naiiyak na naman. Lalapitan ko na sana siya para tulungan pero, may lumapit sa kanya. Yung bestfriend niya. Pero imbes na tumayo siya nung lumapit ang bestfriend niya, umiyak siya. Sumandal at umiyak siya.

Ang sakit, nakikita ko na naman siyang umiiyak. Mali ako. Hindi pa siya nakakamove on sakin. Narinig ko kasing

"... Bess, ang sakit. Ang sakit sakit pa rin ng ginawa niya sakin."

Buti na lang at andyan ang bestfriend niya para masandalan at mangpatahan sa kagaguhang ginawa ko. 

I turn around. Di naman ako makalapit eh. Galit pa rin sila sakin. Sa school naman? College na kami. Madaming nagsaya, madami din nalungkot.

Nagsaya kasi single na ako. Nalungkot kasi nasasayangan samin. 1 year din kami. At sa Anniversary namin naganap ang pinakamasakit na pangyayaring naidulot ko sa kanya. Nabuko niya akong nambabae. 

Second Chance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon